Kada taon, daan-daang tao ang namamatay dahil sa heat stroke, kaya’t ang pag-alam ng first aid sa heat stroke at heat stroke recovery ay napakahalaga. At kahit na ito ay seryosong kondisyon, kakaunting mga tao ang malay sa sanhi ng heat stroke, maging paano ito malulunasan.
Sa Pilipinas, ang init at maalinsangang klima ay maaaring maging sanhi ng sobrang pagod sa init, kahit na sa loob ng bahay. Sa pagtaas ng temperatura tuwing tag-init, hinihikayat ang mga tao na gumawa ng mga kinakailangang aksyon dahil nasa 8 hanggang 10 oras ang kinakailangan upang masanay ang katawan sa ganitong panahon.
Ano ang Heat Stroke?
Ang heat stroke ay isang kondisyon na nangyayari sa iyong katawan kung nagsimulang mag overheat dahil sa sobrang exposure sa matinding init o pisikal na pagod sa mataas na temperatura. Ito ay sa kadahilanan na ang katawan ng isang tao ay kaya lamang na i-handle ang sobrang init, at sa mataas na temperatura hindi na kaya ng katawan na panatilihin na malamig ito.
Magkaiba ang heat stroke mula sa heat exhaustion. Ang heat stroke ay mas seryosong kondisyon. Gayunpaman, ang heat exhaustion ay minsan nagiging heat stroke kung hindi dagliang tutugunan.
Nakamamatay ang heat stroke dahil ang mataas na temperatura ay maaaring makapinsala sa mahahalagang organs, lalo na sa utak. Kaya’t ang katawan ay pinanatili ang sarili sa constant na temperatura. Ang sobrang init o sobrang lamig ay nakaaapekto sa function ng katawan, at parehong mapanganib.
Isa pang bagay na dapat alalahanin tungkol sa heat stroke ay maaari itong mangyari sa kahit na sino, kahit na sa malusog na tao.
Gayunpaman, ang matatanda at sobrang bata ay mas may banta na makaranas ng heat stroke dahil ang kanilang katawan ay hindi kayang mag-adjust nang maayos sa mabilis na pagbabago ng temperatura.
Sa Pilipinas, ang banta ng heat stroke ay mas mataas dahil sa pagiging tropikal na bansa. Kaya’t tuwing tag-init, mainam na subukan na manatiling cool hangga’t maaari upang maiwasan na mangyari ang heat stroke.
Sino ang May Banta ng Heat Stroke?
Narito ang ilang sitwasyon na maaaring maglagay sa isang tao sa banta ng heat stroke:
- Paglalaro nang matagal sa labas habang tirik ang araw
- Nagsasagawa ng mabibigat na trabaho sa mainit na lugar
- Hindi umiinom ng sapat na tubig
- Nakatira sa bahay na walang ventilation
- Nakatira sa lugar na sobrang init ng klima
- Nagtatrabaho sa sobrang init na lugar nang walang ventilation
- Ang mga matatanda at sobrang bata ay may banta rin dito
Ano ang mga Sintomas ng Heat Stroke
Maliban sa pag-alam ng tamang first aid sa heat stroke at mga hakbang sa heat stroke recovery, mahalaga rin na malaman ang mga sintomas ng heat stroke.
Narito ang ilan sa mga pinaka karaniwang sintomas:
- Sobrang taas ng lagnat na nasa 40 C o mas mataas pa
- Pagkalito, hindi maayos na pagsasalita, agresibo o agitated
- Pagkawala ng malay nang matagal sa ilang segundo
- Nahihirapan huminga
- Balat na sobrang init, mapula, at dry
- Pagsusuka at pagtatae
- Pagpapawis na hindi humihinto
- Sakit sa ulo
- Mabilis na paghinga
- Mabilis na pulso ng puso
First Aid Tips sa Heat Stroke
Una sa lahat, mahalaga na malaman na ang heat stroke ay isang medical emergency. Kailangan pa rin ng lunas sa ospital kahit na magbigay ka ng tamang first aid sa heat stroke. Ito ay sa kadahilanan na kung ang isang tao ay hindi sumailalim sa heat stroke recovery nang maayos, maaari silang mag-suffer sa matagal na epekto.
Kaya’t ang unang bagay na kailangan na gawin ay ang tumawag ng tulong. Habang ikaw ay naghihintay, maaari mong gawin ang mga sumusunod na hakbang sa first aid sa heat stroke:
- Ilagay ang isang tao sa malamig na lugar. Kung ikaw ay nasa labas, ipasok sila sa loob
- Subukan na hubarin ang mga hindi kinakailangan na damit. Siguraduhin na ang damit ay loose at ang hangin ay nakakaikot sa kanyang balat
- Ipatagilid siya upang ma-expose ang katawan sa dami ng hangin na kinakailangan.
- Mag-spray ng malamig na tubig sa kanya, at subukan na hanginan sila upang manatiling cool.
- Nakatutulong din ang ice packs o malamig na towels, ngunit siguraduhin na iwasan ang paglalagay ng ice packs direkta sa balat. Ilagay ito sa kanilang kilikili, leeg, at singit.
- Kung ang isang tao ay may malay, maaari mo siyang bigyan ng malamig, hindi sobrang lamig na tubig. Ang sobrang malamig na tubig ay nagiging sanhi ng cramps sa tiyan.
Sa pagsunod ng mga hakbang na ito, maaari kang makatulong na maiwasan ang heat stroke na lumala, at potensyal na makatulong na magligtas ng buhay.
Paano mo Maiiwasan ang Heat Stroke?
Narito ang ilang kapakipakinabang na tips sa pag-iwas sa heat stroke:
- Sa pagtatrabaho sa labas o sa mainit na lugar, siguraduhin na magsuot ng preskong damit.
- Manatiling hydrated hangga’t maaari.
- Magsuot ng preskong damit.
- Subukan na manatili sa lilim o sa malamig na lugar hangga’t maaari.
- Iwasan na manatili sa lugar na walang maayos na ventilation.
- Kailangan na iwasan ang mabilis na pagbabago ng temperatura.
- Kung nakaramdam ka ng kahit na anong sintomas ng heat stroke, siguraduhin na subukan ang mag cool down.
Tandaan, ang heat stroke ay seryosong kondisyon. Hindi ito kailangan na bina-basta lamang, at mas mainam na iwasan ang ma-expose sa sobrang init.
Sa pagsunod sa tips na ito, maaari mong masiguro na ikaw at ang iyong mga mahal sa buhay ay ligtas, at wala sa banta na magkaroon ng ganitong kondisyon.
Matuto pa tungkol sa Malusog na Pag-uugali at iba pang First Aid dito.