Ang basic na first aid intervention ay isang set ng mga kasanayan at kaalamang kapaki-pakinabang para sa lahat ng indibidwal na matuto. Ito ay dahil magagamit ang mga ito sa oras ng emergency. Ang mga ito ay maaari ding gamitin upang iligtas ang buhay ng isang taong iyong pinapahalagahan. Subalit pagdating sa emergencies, pinakamainam na hayaan ang trained personnel at medical first responders na alagaan ang mga pasyente. Gayunpaman, kung kinakailangan ng sitwasyon, maaari mong gawin ang iyong bahagi upang maiwasan ang injury at panganib habang naghihintay sa pagdating ng emergency medical team.
Sa kasalukuyan, mahirap para sa mga hindi sanay na indibidwal na magkaroon ng first aid training at certification sa kalagitnaan ng COVID-19. Gayunpaman, posible pa ring matutuhan ang basic na first aid intervention sa pamamagitan ng paggamit ng mga online resources at pakikipag-ugnayan sa Red Cross, na nagbibigay ng mga first aid courses sa online.
Ano Ang Basic Na First Aid Intervention?
Ano ang basic na first aid intervention? Ang first aid ay tumutukoy sa anyo ng pang-emergency na pag-aalaga na ibinibigay sa isang taong nasugatan. Ang pangunahing layunin nito ay maiwasan ang pagkakaroon ng injury at kapansanan sa hinaharap. Sa mga malulubha at mapapanganib na kaso, ang first aid ay maaaring maging salik sa pagpapanatiling buhay ng isang pasyente.
Upang malaman ang mga detalye at halimbawa, narito ang ilang listahan ng injuries at mga paraan ng first aid na maaaring gawin:
Pagdurugo
Gaano pa man kalubha, ang pagdurugo ay dapat laging ituring na isang malubhang injury. Ang bawat kaso ay dapat gamutin dahil kung hindil, ang injury ay mabilis na lulubha.
Ang mga sumusunod ay ang mga hakbang sa first aid para sa pagdurugo:
- Takpan ang sugat gamit ang tela o gasa at lagyan ng pressure.
- Panatilihin ang pressure upang mapigilan ang paglabas ng dugo. Kung kaya, maaaring gumamit ng tourniquet.
- Magdagdag ng marami pang layers kung kinakailangan upang mapanatili ang pressure at saklaw. Huwag tanggalin ang layers upang magkaroon ng pamumuo ng dugo na makatutulong sa paghinto ng paglabas ng dugo.
- Pagkatapos maglagay ng pressure bandages, dalhin ang pasyente sa pinakamalapit na klinika o ospital para sa tamang pagsusuri at gamutan.
Cardiac Arrest
Kung sa iyong palagay ay nakaranas ng cardiac arrest ang isang tao, mahalagang dalhin AGAD ang pasyente sa emergency room. Tumawag sa 911 emergency services upang matukoy ang tamang paraan ng pagkilos habang naghihintay ng ambulansya o habang dinadala ang pasyente sa ospital.
Mga Paso
Ang mga paso ay nangangailangan ng agarang gamutan sa pamamagitan ng pagtigil sa proseso ng pagkasunog. Ito ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagpapalamig. Hayaang daluyan ng malamig na tubig ang apektadong bahagi. Ngunit tandaan na ang yelo ay hindi dapat ilapat sa mga paso. Ang pinakamahalagang hakbang ay itigil at alisin ang sanhi ng paso.
Mga hakbang sa first aid para sa mga paso:
- Kung maaari, itaas ang apektadong bahagi.
- Padaluyan ang napasong bahagi ng malamig na tubig sa loob ng ilang minuto, nang walang yelo. Tandaan: ito ay para lamang sa mga maliliit na paso.
- Maglagay ng gasa o mamasa-masang benda upang maiwasan ang lalong evaporation ng sugat.
- Iwasang maglagay ng ointments, remedies na may langis, o mga bagay tulad ng mantikilya.
- Magbigay ng mga gamot para sa maibsan ang sakit tulad ng ibuprofen at acetaminophen kung kinakailangan PAGKATAPOS kumonsulta sa doktor.
- Kung may nabuong mga paltos, iwasang hawakan o kalikutin ang mga ito.