Sabi nila, mahirap ihinto ang habit na nakasanayan na. Pero sa disiplina at determinasyon, malalampasan mo ito. Isa ang paninigarilyo sa mga habit na ito na walang ginagawa kundi nakakapinsala sa kalusugan mo. Narito ang mga epektibong tip kung paano tumigil ng paninigarilyo
Global Statistics ng Paninigarilyo
Ayon sa World Health Organization, ang paninigarilyo ay pumapatay ng tinatayang 8,000,000 bawat taon. Ipinapakita rin ng data na 19% ng mga nasa hustong gulang sa buong mundo ay mga naninigarilyo, na ang mga lalaki ay mas malamang na manigarilyo kaysa sa mga babae.
Napatunayan na ang paninigarilyo ang sanhi ng napakaraming mga problemang pangkalusugan tulad ng cancer. Gayunpaman, ipinapakita ng mga bilang na maraming tao sa buong mundo ang pinipili pa ring manigarilyo.
Bakit Nakakaadik ang Paninigarilyo?
Mahirap alisin ang paninigarilyo dahil karamihan sa mga sigarilyo ay naglalaman ng nikotina. Ito ay sobrang nakakaadik na sangkap. Kung ang katawan mo ay nasanay sa paninigarilyo ikaw ay magsisimulang manabik sa mga epekto ng nikotina. At madali kang magiging gumon dito. Ito ang dahilan kung bakit agad na alamin kung paano mabisang tumigil sa paninigarilyo.
Ang mga smokers ay karaniwang natutuwa sa paninigarilyo dahil binabago ng nicotine ang level ng dopamine at noradrenaline sa utak. Pansamantalang nagpapababa ito ng mga antas ng stress at pagkabalisa.
Kapag nasanay na ang katawan ng isang tao sa nikotina, kakailanganin niya na manigarilyo ng mas marami para maramdaman ang epekto nito. Ganito kung paano nalululong ang isang tao sa paninigarilyo.
Ano ang mga sangkap sa sigarilyo?
Bukod sa nikotina, ang sigarilyo ay naglalaman din ng mga mapanganib na kemikal tulad ng:
- Arsenic. Ang matagal na pagkakalantad sa arsenic ay maaaring humantong sa pagkalason sa arsenic.
- Formaldehyde. Ang sangkap na ito ay kadalasang ginagamit bilang embalming fluid, ngunit nakapaloob din sa mga sigarilyo. Kapag nilalanghap, maaari itong magdulot ng pangangati sa mata, ilong, at lalamunan. Ang formaldehyde ay isa ring kilalang carcinogen.
- Cadmium. Ang Cadmium ay isang uri ng metal na ginagamit sa mga baterya. Kapag ang cadmium ay nakikipag-ugnayan sa katawan ng tao, maaari itong makaapekto sa bato, respiratory, at maging sa skeletal system. Ang Cadmium ay kilala rin na nagpapataas ng iyong posibilidad na magkaroon ng cancer.
- Tar. Ito ay tumutukoy sa isang sangkap na nabubuo kapag ang tabako sa mga sigarilyo ay sinusunog. Ang poisonous substance na ito ay lumilikha ng malagkit na layer sa loob ng baga kapag ito ay nalalanghap na maaaring humantong sa mga seryosong kondisyon sa paghinga tulad ng cancer.
Ang mga nabanggit sa itaas ay ilan lang sa mga nakakapinsalang sangkap na makikita sa sigarilyo na ipinapasok mo sa iyong katawan sa tuwing naninigarilyo. Dahil ang mga ito ay lubhang nakakalason, mahalagang ihinto kaagad ang ugali at matutunan kung paano tumigil sa paninigarilyo.
Mga Negatibong Epekto ng Paninigarilyo
Ang paninigarilyo ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa iyong kalusugan tulad ng:
- Stroke. Ang paninigarilyo ay nagpapakipot ng mga daluyan ng dugo na nagiging dahilan upang ang isang tao ay mas nanganganib na magkaroon ng high blood pressure. Kasama din ang mga pamumuo ng dugo, na hindi maiiwasang mauwi sa stroke.
- Mga Sakit sa Baga. Ang paninigarilyo ay nakakapinsala sa alveoli sa baga, na maaaring humantong sa iba’t ibang sakit sa baga, at kasali na dito ang lung cancer.
- Cancer. Ang paninigarilyo ay nagdaragdag ng panganib ng isang tao na magkaroon ng cancer sa lahat ng bahagi ng katawan, hindi lamang sa mga baga.
- Fertility. Nakakaapekto sa fertility ng isang tao ang paninigarilyo, na ginagawang mas mahirap para sa kanila na mabuntis.
Bakit Dapat Kang Tumigil sa Paninigarilyo
Kapag kaya mong ihinto ang paninigarilyo, maaari mo agad anihin ang mga benepisyo sa kalusugan. Ang mga sigarilyo ay may masamang epekto sa kalusugan. At maaari lamang mag-alok ng pansamantalang ginhawa mula sa stress o pagkabalisa. Sa mga nabanggit na kundisyon, maaari mong subukan ang iba pang paraan tulad ng meditation at breathing exercises.
Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit dapat mong isaalang-alang ang pagtigil ay ang simpleng katotohanan na ang pagtigil sa paninigarilyo ay magdaragdag ng higit pang mga taon sa iyong buhay. Ang paghinto ay maaari ding mangahulugan na ang iyong mga mahal sa buhay ay ligtas mula sa mga nakakapinsalang epekto ng second-hand smoke. Paano tumigil ng paninigarilyo?
Upang maliwanagan ka kung bakit kailangan mong tumigil sa paninigarilyo, narito ang mga benepisyo bawat oras:
- 20 minuto. Pagkalipas lamang ng 20 minuto ng huling sigarilyo mo, ang blood pressure at heart rate mo ay babalik sa normal. At ang iyong mga baga ay nagsisimulang gumana upang alisin ang bakterya at mga nakakapinsalang sangkap na nalanghap mo sa pamamagitan ng paninigarilyo.
- 8 oras. Sa sandaling maabot mo ang eight-hour mark na walang sigarilyo, ang oxygen levels sa iyong dugo ay tumataas na naglalagay sa iyong katawan na mas mababa sa panganib ng mga impaired functions.
- 12 oras. Sa loob lamang ng 12 oras, babalik sa normal ang carbon monoxide levels sa iyong katawan. Nangangahulugan ito na ang iyong katawan ay magsisimulang magbigay ng dugo na mayaman sa oxygen sa iyong cells.
- Sa loob lamang ng 24 na oras, bumababa ang iyong panganib ng atake sa puso.
Sa paglipas ng panahon, kung magawa mong ganap na alisin ang paninigarilyo sa iyong buhay ay maibabalik ng iyong katawan ang sarili nito sa normal at malusog na paggana nito. Tandaan na ang mga benepisyong ito ay tutulong sa iyo na harapin ang nicotine withdrawal.
Mga Side-Effects ng Nicotine Withdrawal
Kapag nasanay na ang iyong katawan sa nikotina na nasa sigarilyo, maaaring mas mahirap huminto. Ito ay dahil dumadaan ka sa withdrawal.
Sa unang linggo ng iyong pagtatangkang huminto sa paninigarilyo, mararamdaman mo parin ang pagnanasang manigarilyo. Maaaring magdulot ito sa iyo ng pagbabalik sa dati. Ang iba pang mga sintomas ng nicotine withdrawal ay:
- Nahihirapang mag-focus
- Pagkabalisa
- Insomnia, o staggered sleep
- Extreme mood swings
- Weight gain
Ang mga tao ay nagsabi din ng mga sintomas na katulad ng flu, o nakakaramdam lamang na flat-out. Ito ay maaaring maging dahilan na manigarilyo muli ang isang tao. Dahil sa kung gaano kahirap ang kanilang nararamdaman.
Kung nakakaranas ka ng anumang sintomas mula sa withdrawal, maaari kang kumunsulta sa iyong doktor tungkol sa Nicotine Replacement Therapy (NRT). Ito ay maaaring may kasamang mga produkto tulad ng mga patch, gum, o lozenges. Makakatulong ang mga ito na ilihis ang atensyon mo mula sa iyong cravings.
Normal ba na sumakit ang iyong dibdib pagkatapos na huminto sa paninigarilyo?
Ayon sa ilang mga tao, nakakaramdam sila ng pananakit ng dibdib kapag huminto sila sa paninigarilyo. Ito ay tiyak na bahagi ng mga sintomas ng withdrawal. Maaari mo ring maramdaman na constipated o naduduwal sa mga unang linggo ng paghinto. Kung patuloy ang pananakit ng dibdib at iba pang mga sintomas, pinakamahusay na komunsulta kaagad sa iyong health care provider.
Key Takeaways
Ang paghinto sa smoking habit ang unang hakbang na maging malusog at maging mas mahusay na bersyon ng iyong sarili. Maaaring maging mahirap kung paano tumigil ng paninigarilyo. Kaya naman mahalagang manatiling matatag at huwag nang matakot na subukang muli. Ang pag-aaral kung paano tumigil sa paninigarilyo ay makakatulong sa iyo sa pagbalik sa dati. At upang mas matagumpay na mabuhay nang walang sigarilyo!
Para sa higit pang impormasyon tungkol sa options mo tungkol sa Nicotine Replacement Therapy at iba pang mga paraan na maaaring gawin upang huminto sa paninigarilyo, pinakamahusay na kumunsulta sa isang propesyonal sa kalusugan.