Kung madalas maranasan ang pagkahilo, kung saan umiikot ang iyong paningin pagkatapos ng pagbangon sa higaan, posbileng mayroon kang sakit na tinatawag na “Benign Paroxysmal Positional Vertigo” (BPPV). Ito ay isang inner-ear disorder na madalas na dahilan ng vertigo. Sinasabi na isa itong specific kind of dizziness na dahilan ng false sensation ng pag-ikot at paggalaw.
Ang pagkakaroon ng BPPV ay maaaring magresulta ng iba’t ibang discomfort sa kalusugan at buhay. Basahin ang artikulong ito para malaman ang mga mahahalagang impormasyon tungkol dito at paano maiiwasan ang BPPV.
Nahihilo Pagkagising o Benign Paroxysmal Positional Vertigo
Mahalaga ang pagkakaroon ng magandang gising sa umaga. Para simulan ang araw na may pag-asa at saya. Ang BPPV sa pangkalahatan ay madaling gamutin ayon sa mga doktor at eksperto. Maaaring ma-trigger ang BPPV dahil sa pagbabago ng posisyon ng ulo sa pagtulog at pag-ikot sa higaan. Dagdag pa rito, ang bawat salita na bumubuo sa BPPV ay naglalarawan ng key part ng kondisyong ito:
- Benign– (not very serious). Ang iyong buhay ay wala sa panganib
- Paroxysmal– (it hits suddenly). Nananatili sa maikling oras ang sakit— nawawala at bumabalik.
- Positional- (movements of your head). Ito ang pag-trigger ng vertigo dahil sa partikular na postures o movements ng ulo.
Maaaring mag-range sa mild-severe na sakit ang vertigo sensation. Ito ay maaaring tumatagal ng ilang minuto. Narito ang ilan pang mga sintomas na nagpapakita ng BPPV:
- Pagkahilo
- Pagsakit ng ulo
- Pagkaroon ng sense of imbalance
- Pagduduwal
- Pagsusuka
Bakit nakakatakot ang BPPV para sa mga matatanda?
Kagaya ng mga nabanggit ang BPPV ay hindi senyales ng seryosong problema. Karaniwan itong nawawala nang mag-isa sa loob ng 6 na linggo. Subalit, ang mga sintomas ng BPPV ay maaaring maging nakakatakot para sa mga matatanda. Humigit-kumulang kalahati ng lahat ng taong nasa edad 65 ang dumaranas ng episode ng BPPV. Ang unsteadiness dahil sa BPPV ay maaaring mag-lead sa pagkahulog at magresulta ng fractures para sa mga nasa edad na ito.
Nahihilo Pagkagising: Paano nadedebelop ang BPPV?
Sa loob ng tainga mayroon tayong tiny crystals ng calcium carbonate. Kilala rin ito bilang “ear rocks” o “otoconia”. Ito ay isa sa mga vestibular organs sa inner ear na kumokontrol sa balanse. Ang otoconia ay bumubuo ng isang normal na bahagi sa structure ng utricle. Kung saan ito ay isang vestibular organ sa tabi ng semicircular canals.
Minsan ang otoconia ay nalo-loose mula sa kanilang normal spot sa tainga at nagmo-move sa iba pang area. Kabilang ang canals sa inyong tainga na nakaka-sense ng iyong head rotation. Maaari silang mag-clump. At dahil mabigat ang clump kumpara sa ibang bahagi ng iyong tainga, magiging sanhi ito ng pag-sink o lubog sa pinakamababang bahagi ng inner ear. Habang nagkakaroon ng pagbabago sa head position, ang otoconia ay nagsisimulang itulak ang mga maliliit na hair-like processes (cillia) sa semicircular canals. Ang cilia na iyon ay nakatutulong sa pagpapadala ng impormasyon tungkol sa balanse sa utak. Kaugnay nito makikita na ang vertigo ay nadedebelop kapag ang cilia ay nag-stimulate o pinasigla ng rolling otoconia.
Ang paggalaw habang natutulog ay maaaring maging sanhi ng BPPV. Tulad ng paggulong o pag-upo sa higaan, pagbaluktot ng ulo at pagtagilid ng ulo pabalik.
Tandaan: Sa karamihan isang tainga lamang ang apektado ng BPPV. Pero paminsan-minsan ay maaaring masangkot ang parehas na tainga.
Nahihilo Pagkagising: BPPV Risk Factors
Ang BPPV ay maaaring mangyari spontaneously lalo na kung ikaw ay matanda na. Dahil ang bahagi ng iyong inner ear ay nagsisimula na magpakita ng pagkasira. Madalas ang mga babae ang magkaroon nito kaysa lalake.
Sa mga taong nasa mas mababang edad ng 50 taong gulang. Karaniwan ang sanhi ng BPPV nila ay dahil sa head trauma. Maaaring mula ito sa mga minor na bagay tulad ng pagbahing o pagkauntog ng ulo. Pwede rin naman na mula sa serious concussion o vehicle collision.
Paano dina-diagnose ang BPPV
Una, magtatanong ang iyong doktor tungkol sa’yong general health at sintomas. Maaari din na magsagawa ng physical exam ang iyong doktor. Tingnan nila kung mayroon kang telltale eye movement ng nystagmus. Hihilingin din sa’yo ng doktor na ihiga ang iyong likod sa lamesa habang naka-head tilted back off ka. Upang makita kung nakokontrol mo ang iyong eye movements.
Titingnan din ng iyong doktor kung may sintomas ka ng pagkaantok kapag ang iyong mata ay gumalaw sa certain direction. Kung makikita na ikaw ay may sintomas ng pagkaantok sa maikling minuto, maaaring gumamit sila ng Frenzel goggles para ma-detect ang involuntary eye movements.
Dagdag pa, maaari din magsagawa ng medical test para makita kung may BPPV ba ang isang tao. Ang Electronystagmography (ENG) o videonystagmography (VNG) ang nagtsetsek ng iyong eye movement. At kung paano mag-react sa mga bagay na maaaring maka-trigger ng vertigo.
Maaari din gamitin ang MRI at ang iba pang imaging test para ma-rule out kung ano pa ba ang ibang sanhi ng iyong sintomas.
Nahihilo Pagkagising: Paghingi ng Emergency Care
Ang pagkahilo ng isang tao ay maaaring maging normal. Lalo na sa mga kababaihang nagbubuntis dahil isa ito sa mga sintomas na kanilang nararanasan. Subalit kung ang iyong nararanasang pagkaantok at vertigo ay may iba pang kasamang sintomas. Magpakonsulta na sa doktor dahil maaaring senyales ito ng mas malalang kondisyon.
Narito ang mga sumusunod na sintomas:
- Mas mataas na lebel ng pagsakit ng ulo
- Lagnat
- Pagkakaroon ng double vision o paglahong paningin
- Pagkawala ng paningin
- Hirap sa pagsasalita
- Panghihina ng binti at braso
- Pagbagsak at pagkakaroon ng difficulty sa paglalakad
Ano ang maaaring treatment ng BPPV?
Maraming treatment ang maaaring gamitin para gamutin ang BPPV. Narito ang mga sumusunod:
Ito ang simpleng pag-exercise na maaaring subukan sa bahay at hindi ito nangangailangan ng equipment. Kasangkot dito ang pag-titling ng ulo para ma-move ang piraso ng calcium cartbonate sa ibang bahagi ng inner ear.
Sa tuwing nahihilo ugaliing maupo muna para makapagpahinga. Nakatutulong ito sa pagkakaroon ng relaxation at pagkalma. Isa itong mabisang tritment para umayos ang pakiramdam.
Ang mga doktor ay maaaring mag-prescribe ng medication para ma-relieve ang spinning sensation. Narito ang mga sumusunod na gamot na maaaring imungkahi ng doktor:
- sedative-hypnotics, o sleeping aids
- anticholinergics
- antihistamines
Gayunpaman, hindi sa lahat ng pagkakataon ay epektibo ang medications para sa tritment ng vertigo.
Mga bagay na maaaring gawin para maiwasan ang pagkahilo pagkagising
- Gumamit ng angkop na liwanag sa gabi kapag matutulog
- Matulog ng mayroong 2 o higit pang unan sa ilalim ng iyong ulo
- Kapag gigising sa umaga, ibangon ng marahan ang iyong ulo saka umupo at tumayo.
Key Takeaways
Laging tandaan na ang BPPV ay madaling gamutin. Subalit ang pagkakaroon nito ay maaaring magresulta ng discomfort. Kaya mainam na aksyunan ito at paglaanan ng atensyong medikal kung kinakailangan. Dahil ang pagkahilo sa pagkagising sa umaga ay maaaring maging sanhi ng maliit at malalaking aksidente o problema sa kalusugan.