Ang carbon monoxide poisoning ay mas karaniwan kaysa sa iniisip ng maraming tao. Dahil ang carbon monoxide ay walang kulay, walang amoy na gas, madalas itong hindi napapansin hanggang sa huli na. Ang masama pa nito, maraming karaniwang pinagmumulan ng carbon monoxide sa bahay na maaaring madaling malantad sa iyong pamilya. Matuto pa tungkol sa silent killer na ito at kung paano ang first aid sa carbon monoxide poisoning.
Paano nangyayari ang pagkalason sa carbon monoxide?
Nangyayari ang pagkalason kapag ang isang tao ay nakalanghap ng mataas na lebel ng carbon monoxide sa isang saradong espasyo na hindi nakapapasok ang sariwang hangin.
Karaniwan itong nangyayari sa usok mula sa apoy, mga sasakyang naiwang tumatakbo, mga gas furnace na hindi gumagana nang tama, charcoal grills, mga generator na pinapagana ng gas.
Mga mapagkukunan ng carbon monoxide
Ang carbon monoxide ay isang byproduct ng hindi kumpletong pagkasunog. Ito ay kadalasang nangyayari kapag may nasusunog na may kaunting oxygen lamang. Nagkakaroon ng CO sa pamamagitan ng pagsunog ng kahoy, karbon, basura o gasolina. Maging ang mga usok ng tambutso mula sa mga kotse, kalan, gas range, generator at heating system ay mayroon ding carbon monoxide. Ang paninigarilyo ay naglalabas din ng carbon monoxide, kapwa para sa naninigarilyo at bilang secondhand smoke.
Ilang mga trabaho, tulad ng mga bumbero at mekaniko ng sasakyan, ay maaaring madalas na malantad sa carbon monoxide. Mahalagang magsuot ng wastong damit at kagamitan kung inaasahan mong malalantad sa carbon monoxide upang maiwasan ang pagkalason sa CO.
Maraming tao ang hindi sinasadyang nalason ang kanilang sarili sa paggawa ng mga simpleng bagay tulad ng pag-upo sa kanilang sasakyan o garahe habang tumatakbo ang makina o nagluluto nang walang maayos na bentilasyon. Maaaring mapagkamalan nila ang pananakit ng ulo mula sa pagkakalantad sa carbon monoxide bilang mga normal na pangyayari, habang bumubuti ang kanilang mga sintomas kapag lumayo sila sa pinagmulan ng CO.
Mga palatandaan at sintomas na dapat bantayan
Depende sa dami ng pagkakalantad sa carbon monoxide, ang mga sintomas ng pagkalason sa CO ay maaaring maranasan sa loob ng ilang minuto. Kabilang sa pinakamaaga at pinakakaraniwang sintomas ang pananakit ng ulo, pagkahilo, panghihina, pagduduwal ng tiyan, at pananakit ng dibdib.
Ang pagkalito at pagkawala ng malay ay nangyayari din kapag ang utak ay nawalan ng oxygen. Maaaring mawalan ng malay bago mapansin ang iba pang mga palatandaan at sintomas. Ito ay maaring mapagkamalan na tungkol lamang sa tulog o epekto ng pagiging lasing.
Iba pang mga palatandaan at sintomas ng matinding pagkalason sa carbon monoxide ay kinabibilangan ng:
- Cherry red skin discoloration/flushing
- Pagsusuka
- May kapansanan sa paggana ng puso
- Pagkawala ng memorya at cognitive dysfunction
Ang matagal na pagkakalantad sa carbon monoxide ay maaaring humantong sa mga seizure at kamatayan dahil sa suffocation sa loob ng ilang oras. Dahil ang carbon monoxide ay maaaring magdulot ng medyo mabilis at hindi mapag-aalinlanganang kamatayan, ito ay tinawag na silent killer.
First Aid Treatment o Paunang Lunas
Kung ikaw o isang taong kilala mo ay biglang nagpakita ng mga palatandaan ng pagkalason sa carbon monoxide, mahalagang makakuha ng sariwang hangin at hanapin ang pinagmulan ng carbon monoxide. Buksan ang mga bintana o pinto upang makalanas ang carbon monoxide.r. Patayin ang mga appliances o patayin ang anumang apoy o gas stoves.
Ang matinding pagkalason sa carbon monoxide ay itinuturing na isang medikal na emergency, lalo na para sa mga bata, matatanda, at mga may dati nang kondisyon sa baga. Makipag-ugnayan sa iyong local emergency care services para sa panggagamot nito agaran.
Bukod sa mga smoke detector, ang mga carbon monoxide detector sa iyong tahanan at mga workspace ay makatutulong na maiwasan ang ganitong pagkalason.
Key Takeaways
Ang pagkakalantad ay kadalasang dahil sa mga kotse, nasusunog na uling, kahoy, o basura, at mga gas stove at appliances. Mga usok ng sigarilyo ay naglalaman din ng carbon monoxide.
Kung ikaw o isang taong kilala mo ay nakararanas ng pananakit ng ulo, pagduduwal, o pagkawala ng malay pagkatapos ng pagkakalantad sa alinman sa mga bagay na ito, maaaring ito ay dahil sa pagkalason sa carbon monoxide. Makipag-usap sa isang doktor o makipag-ugnayan kaagad sa mga serbisyong pang-emergency para sa panggamot.
Matuto pa tungkol sa First Aid rito.