Ano ang pinakamahusay na paraan kung paano tanggalin ang buhok sa katawan? Napakaraming paraan ng pagtanggal ng buhok. Maaaring subukan ang laser hair removal na medyo mahal, o pwede ring pumunta sa mga waxing salon o spa para magawa ito nang propesyonal. Pero sa katagalan, ang mga ito ay magiging malaking bahagi ng budget mo. May iba pang mas matipid na mga opsyon na magagawa mo kung paano ang pagtanggal ng buhok nang nasa bahay. Gayunpaman, maaaring kailangang matutunan para masanay na gawin ito. Alamin kung paano ligtas na tanggalin ang buhok sa katawan.
Pinakamahusay na Paraan Kung Paano Tanggalin ang Buhok sa Katawan sa Bahay
Paano tanggaling ang buhok sa katawan: Shaving
Sa pag-aahit, kailangan ng razor para putulin ang buhok sa balat. Ito ang pinaka popular na paraan ng pagtanggal ng buhok sa katawan sa bahay. Madali at abot-kayang paraan ito ng pagtanggal ng buhok.
Siguraduhing gumamit ka ng shaving cream sa halip na sabon o dry shaving para sa mas maayos at smooth na paggamit ng razor. Sa paggamit ng cream, mas maiiwasan na mahiwa ng balat mo. Ang pag-exfoliate ay makakatulong din na mapuno ng dead skin cells ang razor. Gayundin ang pag-ahit sa bandang tubo ng buhok ay pag-iwas sa pagkakaroon ng ingrown hairs.
Mainam ang pag-ahit para sa mga taong naghahanap ng matipid na paraan ng pagtanggal ng buhok sa katawan. Ito ay hanggat ginagawa mo sa tamang paraan at regular na pinapalitan ang iyong razors. At ilang minuto lang ang kailangan para ito ay magawa!
Threading at Tweezing
Ang tweezing ay ang pagtanggal ng buhok gamit ang tyani o tweezers at pagbunot sa kanila mula sa ugat nang paisa-isa. Halos pareho rin ang threading, kaya lang sa halip na tyani ang gamit, isang piraso ng sinulid ang ginagamit upang mabunot ang maliliit na batch ng buhok nang minsanan.
Angkop ang mga ito para sa pagtanggal ng buhok sa paligid ng sensitibong bahagi tulad ng malapit sa bahagi ng mata. O kung may sensitibong balat ka, ang paraang ito ay higit na precise at may kontrol. Kaya naman ito ang madalas na ginagamit sa pagpapaganda ng kilay. Gayunpaman, ang threading ay may steep learning curve. Pinakamainam na gawin ang research tungkol dito at paulit-ulit na pagsasanay.
Waxing
Ang waxing ay pagtanggal ng buhok gamit ang malagkit na substance na humihila sa buhok mula sa ugat. May iba’t ibang uri ng wax at pamamaraan na ginagamit para sa bawat isa, halimbawa, hard wax, cold wax, sugar wax, at marami pa.
Available ang mga waxing kit sa beauty stores at mga botika. Pinakamainam na sundin ang instructions sa kahon. Ang waxing sa bahay ay madali, hanggat sinusunod mo ang mga tagubilin ng produkto. At isang karagdagang benepisyo ng waxing ay mas matagal ang pagtubo ng buhok. Kaya naman pwede mo itong gawin bawat buwan o higit pa.
Sugaring
Ang sugaring ay isang espesyal na anyo ng waxing gamit ang isang honey-like substance. Parehong lalaki at babae ay gumagamit ng sugaring para sa home treatment. May mga long-term benefits ng waxing na ito nang hindi nahihirapang magpainit ng cold wax o maghanap ng hard wax at tiisin ang sakit ng pag-rip ng buhok.
Bleaching
Bagamat hindi ito isang paraan kung paano tanggalin ang buhok, ang pagpapaputi ng katawan o facial hair ay nakakaalis ng hitsura ng pagkakaroon ng buhok. Nakakatulong ito sa mga taong may maitim na buhok na mas gusto na lamang itago ang itsura ng buhok sa pamamagitan ng pag-alis ng pigment.
Available ang mga bleaching solution sa maraming retailer at ginagamit ito katulad ng dye. Ipinapayo na subukan muna ang skin patch test. Dahil ang ilan ay nakaranas ng bahagyang irritation o allergy sa ilang bleaching products.
Depilatory Cream
Kung ang hanap mo ay hindi masakit, pero abot-kayang paraan ng pagtanggal ng buhok, maaari ang depilatory cream. I-apply ang cream at hayaan ito sa loob ng 3 hanggang 10 minuto, depende kung ano ang sinasabi sa packaging. Kapag pinunasan mo ito, ang buhok ay sasama dito. Tiyaking hindi lalampas sa time frame na nakasaad sa packaging, at gumawa muna ng patch test.
Ang paggamit ng mga depilatory cream ay maaaring messy at kailangan ng kaunting effort, kaya siguraduhin na may sapat na espasyo at oras para sa procedure na ito.
Epilator
Kung gusto mong tanggalin ang buhok mula sa mga ugat, kailangan mong mag-invest sa mahusay na epilator. Ang epilator ay isang aparato na nag-aalis ng mga batch ng buhok sa pamamagitan ng pag-ikot ng mga hibla upang bunutin ang mga ito mula sa mga ugat nang sabay-sabay.
Mag-exfoliate muna at tiyaking gamitin ang epilator sa 90-degree angle at padaanin ito sa buhok para makuha ang bawat hibla ng buhok. Huwag madaliin ang proseso at maghanda ng soothing gel upang maiwasan ang pagbabara ng pores.
Paano tanggaling ang buhok sa katawan:
IPL o Intense Pulsed Light
Ang Intense Pulsed Light (IPL) ay isang pamamaraan kung paano tanggalin ang buhok na kadalasang ginagawa ng mga eksperto. Ito ay sa pamamagitan ng paggamit ng pulses of light para matamaan ang follicle ng buhok sa kanyang resting phase, na nagiging sanhi ng pagkalagas ng buhok.
Mainam na isang propesyonal ang gagawa nito, pero maaaring hindi affordable. Ngunit hanggat alam mo kung paano ginagawa ang at-home laser removal ng tama, walang dapat ipag-alala. Sa ngayon, ang mga handheld na IPL device ay available sa merkado. Ito ay magandang investment, kung lehitimo ang uri na nabili. Ang mga ito ay magtatagal, at magbibigay ng mas mahaba, at mas magandang hair-free experience kaysa sa karaniwang razor.
Tips Kung Paano Tanggalin ang Buhok sa Katawan
Depende sa paraan mo sa pagtanggal ng ng buhok, ang sakit at discomfort ay maaaring iba-iba. Para matiyak na ligtas at mas makakayanan, subukan ang mga tip na ito.
Gawin ito pagkatapos maligo. Ang pinakamahusay na oras na gawin ito ay pagkatapos maligo. Ikaw ay malinis at ang mga pores ay naka-relax at bukas. Kaya mas madaling matanggal ang buhok mo. Gayunpaman, para maiwasan ang pagkahulog at aksidente, siguraduhing nakaupo o nakatayo sa tuwalya o mat.
Gumamit ng mga shaving cream. Para sa pag-aahit, i-moisturize ang balat at protektahan ito mula sa masakit na mga hiwa sa pamamagitan ng paglalagay ng maraming layer ng cream. Maaaring piliin ang mga may dagdag na bitamina upang matulungan na maka-recover ang balat.
Soothing gels. Ang waxing ang maaaring masakit at nakaka-trauma para sa balat mo. Upang makatulong na mawala ang sakit, gumamit ng cooling gel at iba pang tulad nito upang mapawi ang hapdi at pamamaga.
Ang pagtanggal ng buhok sa katawan ay hindi lamang tungkol sa buhok. Mahalaga rin na unawain ang mga pangangailangan ng balat. Alamin ang pinakamahusay na mga diskarte para sa bawat uri kung paano tanggalin ang buhok. Ito ay para maiwasan ang mga ingrown hair, baradong pores, lalo na ang vaginal rashes, at mga katulad nito.
[embed-health-tool-bmr]