Kamangha-mangha ang ating katawan. Normal na kaya ng katawan na ma-regulate ng kusa ang temperatura nito. Kapag malamig, nakakalikha tayo ng init sa pamamagitan ng panginginig. Kapag mainit, pinapalamig natin ang katawan kapag pinapawisan tayo. Pero kung minsan, dahil sa sobrang init, ang pawis ay hindi sapat para mapalamig ang katawan. Nangyayari ang heatstroke kapag ang core temperature ng katawan ay lumampas sa 40°C (104°F). Ito ay mas mapanganib sa mga lugar na ang temperatura ay lumampas sa 40°C– kabilang ang Pilipinas. At dahil ang ating mga anak ay madalas nasa labas, mahalagang malaman ang sanhi ng heat stroke at matutunan kung paano ito maiiwasan. Ito ay lalo na kapag papalapit na ang mga buwan ng tag-init.
Ano ang heat illness?
Ang heat cramps ay masakit na muscle cramps sa binti, braso, at tiyan habang may ginagawang mabigat na aktibidad sa matinding init. Dahil ang pawis ay tubig at asin, ang pagpapawis sa oras ng aktibidad ay maaaring magdulot ng cramps. Madalas itong pag-umpisahan sa isang mas malubhang sakit na nauugnay sa init, kaya talagang mahalaga na tugunan ang mga ito.
Ano ang sanhi ng heatstroke?
Mainit, mahalumigmig na panahon
Ang Pilipinas ay isang tropikal na bansa, at sa panahon ng tag-init at tagtuyot (tinatawag nating summer), ang heat index ay maaaring tumaas. Ayon sa isang balita, ang pinakamataas na naitalang heat index ay 51 degrees Celsius. Dahil sa halumigmig, mas mahirap sumingaw ang pawis mula sa balat at sa gayon ay lumamig ang balat.
Dehydration
Dehydration ang isa sa mga tunay na kahihinatnan ng mainit na panahon. Kapag nawalan ng kahit na 1.5% na tubig ang katawan maaaring magdulot ito ng mga sintomas. Kapag nauuhaw ka, kailangan mong agad na uminom ng fluids. Bukod sa pag-iwas sa heatstroke, maraming benepisyo ang tubig. Nagdadala ito ng oxygen sa iba’t ibang bahagi ng katawan, tumutulong sa panunaw, nagpapadulas ng mga kasukasuan, at gumagawa ng laway, at iba pa. Bukod pa rito, ang pagkawala ng mga likido sa loob ng katawan ay nakakaapekto sa maraming mga function ng katawan.
Overexposure sa araw
Summer ang panahon para lumabas at gumawa ng iba’t ibang aktibidad, tulad ng paglalaro ng sports, pagpunta sa beach o poolside, o kahit na hiking para makipag-ugnayan sa kalikasan. Ang mga taong nagtatrabaho sa labas – tulad ng mga construction worker at seaman, halimbawa – ay nasa mas mataas na panganib para sa heat illness. Siguraduhin na ang iyong anak ay nakasuot ng angkop na kasuotan: maluwag na damit, visor o takip, manggas ng braso, sapatos na goma, at mga katulad na damit.
Ito ay ilan lamang sa sanhi ng stroke. Ang pangunahing bagay na dapat tandaan ay uminom ng maraming fluids, at huwag magbilad sa araw. Alamin ang first aid dito. Ang mga bata ay mas mataas ang tyansang magkaroon ng heat stroke dahil mas kaunti ang pawis nila. May mas mataas na surface-area-to-body-mass ratio at mas matagal silang ma-acclimatize sa kapaligiran.