Sa kasalukuyan, maraming tao ang umaasa sa caffeine para manatiling produktibo sa buong araw. Kape at tsaa ang dalawang pinakasikat na source ng caffeine. Ang sobrang caffeine ay maaaring masama, pero hindi maikakaila ang benepisyo ng kape, pati na rin ng tsaa.
Alin sa dalawa ang mas masustansya?
Pag usapan natin ang benepisyo ng kape at tsaa.
Tandaan: Sa artikulong ito, ang “tsaa” ay tumutukoy sa mga inuming gawa sa tunay na dahon ng tsaa (Camellia sinensis) at hindi mga herbal na infusions tulad ng chamomile, banaba, o ginger tea.
Benepisyo ng Kape At Tsaa
1. Caffeine content
Una, sapagkat maraming tao ang umiinom ng kape at tsaa para sa caffeine content, magandang malaman kung alin sa dalawa ang mas mataas ang caffeine content.
Karaniwan, ang isang tasa ng bagong timplang kape ay naglalaman ng halos 100 mg ng caffeine.
Ang parehong laki ng tasa ng steeped black tea ay maaaring maglaman ng hanggang 50 mg ng caffeine.
Ang green tea naman, kahit mas kakaunti sa isang tasa, ay may mas mababa sa 30mg.
Gayunpaman, mahalagang tandaan na ang iba’t ibang uri, kalidad, at paraan ng paghahanda ay maaaring magbunga ng iba’t ibang halaga ng caffeine.
Sa pangkalahatan, ang mga instant mix ay hindi naglalaman ng kasing dami ng caffeine gaya ng sariwang giniling at brewed coffee beans o steeped tea leaves.Ang isang tasa ng instant na kape ay maaaring maglaman ng humigit-kumulang 60 mg ng caffeine, habang ang brewed na kape ay may >90 mg bawat tasa.
Bilang karagdagang babala, uminom ng kape ng katamtaman. Ang sobrang caffeine ay maaaring magdulot ng masamang kondisyon sa kalusugan tulad ng palpitations, pagpapawis, at pagduduwal. Tandaan na magkaroon ng sapat na tulog sa gabi sa halip na maging dependent sa caffeine para lamang manatiling gising.
Hatol: Kung pampagising ang pag-uusapan, mas lamang ang benepisyo ng kape sa tsaa.
2. Antioxidant levels
Kumpara sa kape, ang level ng antioxidant ng tsaa ang pangunahing health benefit nito. Ang green tea ay kadalasang nauugnay sa pagkakaroon ng antioxidant properties. Ito ay benepisyo ng kape na mayroon rin ang tsaa.
Ang antioxidant properties ng tsaa ay mula sa catechin, isang uri ng compound. Ang mga tunay na tsaa ay ginawa mula sa pare-parehong mga dahon. Bukod dito, lahat sila ay may mga catechin compound. Sa isang tasa ng green tea, mayroong humigit-kumulang 112 mg ng EGCG, 51 mg ng EGC at 15 mg ng EC. Ang EGCG (epigallocatechin gallate) ay may pinakamaraming antioxidant activity.
Iba’t iba ang paghahanda ng green tea, white tea, at black tea, at ito ay maaaring baguhin ang dami ng bawat catechin. Ang white tea ang may pinakamaraming antioxidant, habang ang black tea naman ang may pinakamababa.
Sa isang banda naman, ang kape ay may compounds na chlorogenic acids (CGA) ang tawag. Ang green coffee beans ay unroasted o hilaw na coffee beans at taglay nito ang mas mataas na CGAs. Patuloy ang pagsikat ng green coffee bilang supplement at inumin. Sa brewed black coffee naman na may mas kakaunting CGAs ay meron din namang katulad na health benefits. Samantala, ang instant black coffee ay may humigit-kumulang 36 mg ng CGA habang ang brewed coffee ay maaaring may higit sa 130 mg ng CGA. Ang black tea naman ay mayroon din ng ilang CGAs.
Hatol: Habang walang mga pag-aaral na nagsasaad kung ang mga catechins o CGA ay higit na mataas bilang antioxidant, winner ang tsaa dahil naglalaman ito ng parehong mga catechins at CGA.
3. Disease prevention
Ang panghuli sa listahan natin ng health benefits ng kape laban sa tsaa ay disease prevention. Tulad ng naunang nabanggit, ang kape at tsaa ay parehong naglalaman ng caffeine at antioxidants. Dahil sa kanilang antioxidant properties at iba pang mga compound, maaaring mapigilan ng tsaa at kape ang ilang partikular na kanser, diabetes, at cardiovascular diseases.
Sa pag aaral, ang catechins at CGAs ay nakakatulong sa weight loss, insulin sensitization, at pagbuti ng lipid profiles. Dagdag pa ng isang pag-aaral, pinataas ng mga CGA ang homocysteine levels sa dugo na maaaring isang indicator para sa cardiovascular disease. Sa pangkalahatan, ang mga inumin na may pinakamababang ratio ng caffeine-to-antioxidant ang pinaka may benepisyo.
Maaaring mabawasan ng tsaa ang panganib ng mga kanser sa suso, pancreatic, colon, at baga. Sa kabilang banda, maaaring mabawasan ng kape ang panganib ng endometrial at kanser sa utak. Ngunit nadadagdagan ang panganib na magkaroon ng mga kanser sa pantog at baga.
Hatol: Winner ang tsaa. Ito ay karaniwang mas mababa sa caffeine, may mas maraming antioxidant, at may mas kaunting negatibong epekto sa kalusugan kaysa sa kape.
Key takeaways
Kung pipili sa tsaa o kape, tsaa ang dapat mong inumin. Ito ay dahil mas marami itong benepisyo sa kalusugan kumpara sa kape. Marami rin itong benepisyo na wala ang kape. Bilang paalala, habang ang tsaa at kape ay maaaring maging healthy drinks, hindi nila mapapalitan ang iyong mga gamot o isang balanced diet. Makipag-usap sa iyong doktor para malaman mo kung mayroon kang anumang mga kondisyon na maaaring makaapekto sa pag-inom ng kape o tsaa (hal. hypertension, diabetes). Matuto pa tungkol sa Healthy Eating dito.
Isinalin sa Filipino ni Corazon Marpuri
[embed-health-tool-bmi]