Bagama’t kilala ang processed food na mas mura at madaling bilhin, ito rin naman ay kilala na hindi nakabubuti sa pangkalahatang kalusugan. Anu-ano nga ba ang epekto ng processed food sa ating kalusugan?
Ang processed food ay Itinuturing na comfort food ng maraming high schools at college students, mga nag-oopisina, at mga nasa white-collar jobs sa Pilipinas. Bukod dito, ang mga fast food chains at pre-packed canned food ang nakasanayang sagot sa gutom.
Paano malalaman kung sobra sobra na sa processed food?
Mga Epekto ng Processed Foods sa ating Kalusugan
Ano ang Processed food?
Ang naiisip agad natin tungkol sa processed food ay pre-packed, malawakan ang paggawa ng pagkain at inumin. Maaring totoo na ang pagkain ng konting processed food ay hindi masama kung isa hanggang dalawang beses lang sa isang buwan.
Pero marami pa tayong hindi alam sa processed food; ito ay isang silent killer na dahan dahang pinaiikli ang life expectancy ng karamihan.
Maraming tao ang nahihilig sa processed food dahil ito ay well-packaged, masarap, at sinasabi pa na ito ay puno ng mga bitamina at sustansya.
Madalas, akala ng mga tao na pareho lang ang kategorya ng processed food at ultra-processed food. Ang mga ito nagkakaiba sa ilang mga paraan.
Ang processed food ay medyo binago mula sa natural food source nito, pero malapit ang pagkakatulad nito.
Ilan sa karaniwang halimbawa ng processed food:
- Frozen na karne at isda
- Tinapay
- Pasteurized Milk, yogurt, at de lata na gatas (evaporated milk o condensed milk)
- Isda na de lata tulad ng tuna at sardinas
Ultra-Processed Food
Sa isang banda, ng ultra-processed food ay dumadaan sa napakabagsik na proseso at ito ay binubuo ng iba’t ibang synthetic ingredients.
Bukod doon, karamihan sa mga produktong ito ay may artipisyal na pampatamis na sobra ang dami ng asin, mantika, o asukal bilang pambawi sa paraan ng pagkakagawa nito.
Ilan sa mga kilalang processed food:
- Mga maalat na potato chips
- Softdrinks
- Hotdogs, chicken nuggets at burger patties
- Street food
- Mga pre-packaged na pagkain sa convenience stores
- Cup noodles at ramen
- 3-in-1 na kape
May ibang pagkakataon naman na ang ilang processed food ay maaaring may dagdag na mga sustansya, mineral, at bitamina. Kaya lang, nangingibabaw pa rin na ang ultra-processed food ay may mas maraming calories kaysa sa mas kinakailangang sustansya.
Makikita sa ilan sa iba’t ibang pag aaral ay na ang processed food ay pwedeng maging dahilan ng heart diseases at obesity ng mga Filipino Millennials at Gen-X individuals.
Kailan sobra sobra na?
Isang pag aaral ang nagpapakita na ang mga tao na kumukonsumo ng pagkain na nagbibigay sa kanila ng 170% daily calorie intake ay may mas maliit na pagkakataon na magkaroon ng ideal cardiovascular health.
Napag alaman ng mga mananaliksik na kung ang ating calorie intake ay binubuo ng mas mababa sa 40% na ultra-processed food, magkakaroon tayo ng malusog na puso.
Maaaring sasabihin natin sa sarili na “Uy, minsan lang naman, puede akong mag cup noodles, di ba?” Baka hindi rin. Ngunit kung madalas tayong kakain ng maaalat at matamis na ultra processed food ilang beses sa isang linggo, ito ay nagdudulot ng pinsala sa ating katawan. Isa lamang ito sa mga posibleng epekto ng processed food.
Ayon sa isang pag aaral, sa paglipas ng panahon kung tinataasan natin ang intake ng processed food ng 10%, tinataasan din natin ng 14% ang ating all-cause mortality rate.
Mga kinakailangang hakbang upang mabawasan ang processed food
Ano kaya ang mga good practices para alisin ang mga ultra-processed products mula sa ating diet?
Mga Tips:
- Laging magdala ng tumbler na puno ng tubig saan man pupunta. Kapag tayo ay nauuhaw, tempting na bumili ng soft drinks o flavored drinks. Uminom ng tubig, imbes na bumili ng mga ganitong produkto. Makakatipid ka na, makakatulong ka pa sa kalikasan.
- Sa halip na de lata o processed food sa almusal, gumising ng mas maaga aga para maghanda ng oatmeal, berries, o prutas at gulay.
- Alisin ang 3-in-1 coffee sa daily routine. Kung may cravings for caffeine, maaaring mag tea bilang kapalit. Ang 3-in-1 na kape ay maaaring magbigay ng energy na kailangan natin sa trabaho, kaya lang marami itong kasamang asukal.
Sa pagsunod ng mga tips na ito, maaaring mabawasan ang epekto ng processed food sa ating katawan.
Key Takeaways
Dapat magbago na. Oras na para simula na alisin ang processed at ultra-processed food sa ating diet at sa halip ay magkaroon ng high-protein, fibrous diet.
Isinalin sa Filipino ni Corazon Marpuri