Maraming fitness enthusiasts ang madalas na tumitingin sa “Body Mass Index” o “BMI”. Ito ang karaniwang nagsasabi ng porsyento ng taba sa katawan. Ang mga taong hindi pamilyar dito ay maaaring maguluhan. Pero madali lang itong maunawaan. Narito ang kailangan mong matutunan kung ano ang BMI. Kasama din ang kaugnayan nito sa pagtukoy ng normal na weight range. At kung paano ito makakatulong na mas mahusay na masukat ang physical health mo.
Ano ang Body Mass Index?
Ginawa ni Adolphe Quetelet ang BMI noong 1830s sa pamamagitan ng paggamit ng formula sa matematika. Ang BMI ay isang uri ng pagsukat at formula. Ito nagpapaalam sa iyo kung nasa tamang hanay ka ng weight range para sa iyong taas at kasarian. Kinakalkula ito sa pamamagitan ng pagkuha ng iyong timbang at taas. Maraming mga health professional na ang gumamit ng BMI nang higit sa 100 taon. Ito ay para malaman kung ang kanilang pasyente ay kulang o sobra sa timbang. Sa diskarteng ito, naitatag ni Quetelet ang normal na hanay ng timbang ng iba’t ibang kasarian para sa iba’t ibang edad.
Paano gumagana ang BMI?
Hinahati ng BMI ang weight ng isang tao sa height squared. Ang iba pang factors tulad ng mga sukat ay maaaring makadagdag sa mga kalkulasyon ng BMI. Upang makakuha ng medyo mas tumpak na pagtatantya.
Mga numero ng BMI at kung ano ang ibig sabihin ng mga ito kaugnay ng normal na hanay ng timbang:
BMI na 30 pataas
Ang mga indibidwal na ito ay itinuturing na obese.
BMI na 25 – 29.9
Ito ay nagpapahiwatig na ang indibidwal ay maaaring overweight.
BMI na 18.5 – 24.9
Inilalarawan nito ang isang tao na nasa normal weight range.
BMI na 18.5 pababa
Ang isang tao ay itinuturing na kulang sa timbang, mas mababa sa normal na weight range.
Ang mga nasa pagitan ng 23 – 24.9 ay maaaring ituring na nasa panganib para sa obesity. Maaari ding ituring na obese Level 1ang mga nasa pagitan ng 25 – 29.9.
Bakit popular ang Body Mass Index?
Ano ang BMI at bakit ito popular? Ang BMI ay napakadaling gamitin at tandaan. Kailangan lang nitong i-factor ang timbang at taas para sa pagkalkula (na may mga paminsan-minsang pagsukat), magagamit ito ng general public at ilang doktor para sa mga praktikal na dahilan. Gayunpaman, hindi ito accurate na diagnostic tool. Maaari lamang itong gamitin para sa pag-screen at pagsukat ng porsyento ng taba sa katawan ng isang tao.
Sapagkat madali itong gamitin, madali nitong maiugnay ang timbang ng mga tao sa population level. At ang kanilang mga tyansa na magkaroon ng health problems dahil sa kanilang timbang. Samakatuwid, ang mga taong gustong ihambing ang mga BMI ng mga tao mula sa iba’t ibang bansa ay kadalasang gumagamit ng formula na ito.
Gayunpaman may mga cut-off values na kailangang isaalang-alang kapag gumagamit ng BMI. Ito ay lalo na kapag ginamit upang kalkulahin ang BMI ng isang malaking bilang ng mga tao.
Ang mga kabataan at mga bata ay nag-iiba-iba sa taas at timbang, at sa gayon ay tinatanggal nito ang pagkalkula ng average normal weight range. Ito ay dahil nade-develop pa ang kanilang mga katawan. Ibig sabihin, ang mga cut-off values para sa kanila ay partikular sa edad at kasarian, lalo na para sa mga bata at kabataan na wala pang 19 na taong gulang.
Gumagana ba talaga ito?
Bagama’t sikat ang body mass index at malawakang ginagamit, marami pa rin ang mga argumento na nakapalibot dito. Halimbawa, hindi palaging isinasaalang-alang kung ang tao ay maskulado. Maaaring malito ng BMI calculator ang isang physically fit na tao na may sapat na muscles. Ito ay dahil kung ano ang BMI ay hindi nakikilala ang kaibahan sa pagitan ng taba at muscle.
Ikumpara natin.
Ang isang bodybuilder na 221 lbs at 6 ft. ang taas ay magkakaroon ng BMI na 28. Ang isang taong hindi nag-eehersisyo ay tumitimbang ng 203 lbs at 6 ft. ang taas, at magkakaroon siya ng BMI na 27. Kaya maaaring ituring na overweight o obese ang bodybuilder dahil sa kanyang ratio ng taas sa timbang. Bagama’t magkapareho ang kanilang taas at magkatulad ang kanilang timbang, hindi sila magkakapareho ng kalusugan. Kaya naman, may mga pagkakataon na ang BMI ay hindi accurate.
Bagama’t posibleng maging healthy at overweight, ang pagiging overweight at obese ay may mas mataas pa ring risk sa ilang mga sakit at kondisyon.
Maliban sa hindi malinaw na ratio ng taba sa muscle pagdating sa body mass index, hindi rin matukoy ng BMI kung malusog ang isang tao o hindi.
Bagama’t posibleng maging malusog at sobra sa timbang, ang pagiging overweight ay may mas malaking panganib sa ilang mga sakit at kondisyon.
Bilang karagdagan, ang BMI ay maaaring ma-over o underestimate ang adiposity. Halimbawa, ipinakita ng isang pag-aaral na ang mga kababaihan na nagkaroon ng spinal cord injury at ginamit ang pagkalkula ng BMI ay nalaman na limitado ang paggamit nito para sa kanila. Iyon ay dahil underestimated ng BMI ang adiposity para sa mga kababaihan na may injury.
Dapat Tandaan:
Ang isa pang dapat tandaan ay ang body mass index ay maaaring hindi gaanong kapaki-pakinabang. Ito ay kung inaalam ang normal weight sa height ratio para sa iba’t ibang lahi at pangkat etniko. Halimbawa, ang ilang mga tao ng etnikong Asyano ay may posibilidad na magkaroon ng mas maliit na mga frame kaysa sa mga Kanluranin. Kaya, ang isang slim na babaeng Asian ay maaaring ituring na kulang sa timbang, sa kabila ng pagiging malusog at normal.
Katulad ng nabanggit kanina, ang measurements ay maaaring makatulong sa kung ano ang BMI. Ang ilang scientists ay nagsasabi na ang paggamit ng waist to height ratio ay mas mabuti at mas madali kaysa sa paggamit lamang ng body mass index calculator. Pwede itong makatulong dahil ang mga taong may taba sa tiyan ay may mas mataas na risk ng metabolic disorder at sakit sa puso.
Ang isa pang pag-aaral ay nagsasaad na ang circumference ng baywang ay maaari ding magsabi kung ang isang tao ay may mas mataas na risk na magkaroon ng sakit sa puso at type 2 diabetes.
Napatunayang totoo ang pag-aaral na iyon ng mga may-akda kahit na pagkatapos nilang makuha ang BMI ng mga tao.
Ang Bagong BMI calculator
Noong unang ginawa ni Quetelet ang body mass index, gumawa siya ng isang simpleng sistema dahil walang electronic devices, calculator, at computer noong panahong iyon. Kaya, ang isang mathematician, Professor Nick Trefethen, ay naniniwala na ang body mass index ay nakaliligaw at nakalilito.
Pagkatapos ay gumawa si Trefethen ng isa pang formula na tinawag niyang bagong BMI calculator. Nilikha niya ito dahil naniniwala siya na ang pagtatalaga ng isang numero sa isang tao ay hindi perpekto dahil ang mga tao ay complex beings. Samakatuwid, nilikha niya ang bagong body mass index calculator para matulungan ang mga tao na makakuha ng mas mahusay na pagtatantya. At kung ano dapat ang kanilang normal na weight range para sa kanilang taas. Ano ang BMI mo?
Paano ko maka-kalkula ang aking BMI?
Gamitin ang aming health tool para malaman kung ang Body Mass Index mo ay nasa healthy range.
Key Takeaways
Kahit na ang body mass index ay maaaring hindi perpektong kalkulasyon para matantya kung ang isang tao ay malusog o hindi, ito ay may praktikal na halaga. Makakatulong kung ano ang BMI na matukoy kung nasa loob ka ng normal weight range, o mas mataas o mas mababa dito. Makakatulong pa rin ito kapag gusto mong ihambing ang mga timbang ng mga tao sa malalaking grupo.