Kailangan mo na ba ang vitamins para sa makakalimutin? Malamang naranasan mo nang pumasok sa isang silid at nakalimutan mo kung bakit ka pumunta doon. At na-misplace mo ang iyong mga susi o salamin nang ilang beses. Hindi katakataka kung nag-aalala ka na sa mga memory lapses mo.
Ang paminsan-minsang pagkalimot ay isang normal na bahagi ng buhay habang tumatanda. Sa pangkalahatan hindi ito dahilan para ma alarma. Maliban na lang kung nagsisimula itong hadlangan ang mga pang-araw-araw na aktibidad mo. Ang paglimot kung saan mo iniwan ang mga susi ng kotse ay maaring normal. Subalit, ang paglimot sa ginagawa ng mga susi na ito ay ibang usapan na.
Vitamins Para Sa Makakalimutin At Para Sa Brain Health
Ang kalusugan ng utak ay malaking negosyo. Ayon sa 2019 na ulat ng Global Counsel on Brain Health inaasahang pagsapit ng 2023, ang mga tao ay gugugol ng higit sa $5 bilyon sa isang taon sa buong mundo para sa mga suplemento sa kalusugan ng utak.
Sino nga ba ang ayaw ng mas mahusay na memorya, pokus, at mas mababang posibilidad na makaiwas sa dementia?
Sanhi Ng Pagiging Makakalimutin
Sa nakalipas na ilang taon, maraming natutunan ang mga siyentipiko tungkol sa memorya. Habang tumatanda, may mga pagbabago sa buong katawan, kasama na ang utak. Bilang resulta, maaari mong mapansin na mas matagal bago matuto ng mga bagong bagay.
Marahil ay hindi mo na matandaan ang impormasyon tulad ng dati, o maaari kang magkamali sa mga bagay-bagay. Kapag nangyari ito, aakalain mo na ang vitamins para sa makakalimutin ang makakalutas ng iyong problema.
Ang pagiging makakalimutin ay maaaring sanhi ng sumusunod:
- Stress
- Depresyon
- Kakulangan sa tulog
- Problema sa thyroid
- Side effect ng ilang partikular na gamot
- Hindi malusog na diet
- Hindi pagkakaroon ng sapat na likido sa iyong katawan (dehydration)
Tugon Ba Ang Vitamins Para Sa Makakalimutin Dahil Sa Dementia?
Gayunpaman, para sa ilang mga matatanda, ang mga yugto ng pagkawala ng memorya ay maaaring isang tanda ng mas malubhang problema. Ito ay tinatawag na dementia, at may dalawang karaniwang anyo:
Alzheimer’s Disease
Sa Alzheimer’s disease, ang pagkawala ng memorya ay nagsisimula nang dahan-dahan at lumalala sa paglipas ng panahon. Ang mga taong may Alzheimer’s disease ay nahihirapang gumawa ng mga pang-araw-araw na bagay tulad ng:
- Pamimili
- Pagmamaneho
- Pagluluto
- Pakikipag-usap
Makakatulong ang mga vitamins para sa makakalimutin sa maaga o gitnang yugto ng kondisyong ito. Napag-alaman na karaniwan sa mga may dementia ay kulang sa Vitamin B12 at Folic Acid. Makakatulong ang mga vitamins na ito upang pababain ang antas ng amino acids sa dugo na nauugnay sa dementia.
Vascular Dementia
Ang vascular dementia ay nagdudulot din ng malubhang problema sa memorya. Ang mga sintomas ng vascular dementia ay maaaring biglang lumitaw. Ito ay dahil ang pagkawala ng memorya at pagkalito ay sanhi ng maliliit na stroke o pagbabago sa suplay ng dugo sa utak..
Ang pagpapanatili ng mababang blood pressure ay maaaring magpababa ng panganib na magkaroon ng sakit na ito.
Vitamins Para Sa Makakalimutin
Ngunit mapapalakas ba talaga ng vitamins ang kalusugan ng iyong utal?
Karamihan sa mga sangkap ng mga brain health supplements ay nauugnay sa kalusugan ng utak. Subalit, maraming ebidensya ang nagpapatunay na nakakatulong ang tamang pagkain at diet upang manatiling malakas ang memorya at pag-iisip. SInabi ng mga eksperto na ang pagkain ay mayroong bioactive substances para protektahan ang utak.
Narito ang mga pagkain na may magandang epekto sa kalusugan ng utak:
Omega-3 Fatty Acids
Ang Omega-3s ay importante sa pagpapatakbo ng katawan. Ito ay makukuha sa shellfish, isda, at sa mga plant-based na pagkain gaya ng flaxseed. Importante ito sa puso ngunit maaaring may benepisyo din sa utak.
B Vitamins
Napag-alaman ng mga mananaliksik ang ugnayan ng cognition at mga B vitamins gaya ng B9, B6 at B12. Subalit, walang ebidensya na nagpapatunay na mapapabuti ng vitamins para sa makakalimutin ang dementia.May benepisyo ang pag-inom ng B12 sa puso at utak para sa mga matatandang kulang sa bitaminang ito.
Vitamin E
Ito ay isang antioxidant na nagpoprotekta ng mga cells sa katawan. Kung ikaw ay may dementia, ang pag-inom ng vitamin E araw-araw ay maaaring magpabagal ng mga sintomas nito. May ebidensya na ang diet na mayaman sa vitamin E ay maaaring makapigil sa pag develop ng dementia.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.