backup og meta

Ventolin: Para saan nga ba ang gamot na ito?

Ventolin: Para saan nga ba ang gamot na ito?

Para saan ang Ventolin? Ang Ventolin ay brand name ng gamot na salbutamol. Isang bronchodilator ang salbutamol. Gumagana ang salbutamol sa pamamagitan ng pagdikit sa β2 adrenergic receptors na nasa smooth muscles ng daanan ng hangin, upang ito ay ma-relax at makadaan ang mas maraming hangin. Mabilis itong gumagana sa maikling panahon. Kaya naman ito ang isa sa mga gamot na pinipili para sa asthma ng matatanda at bata.

Mga Gamit ng Ventolin

Para saan ang Ventolin?

Ginagamit ang Ventolin bilang panggamot sa mga sumusunod na kondisyon:

Paano ko dapat gamitin ang Ventolin?

Available ang Ventolin bilang oral tablet, syrup, nebule, at inhaler. Ang oral tablet ay dapat inumin nang hindi nginunguya o dinudurog. Dapat din itong inumin nang walang laman ang tiyan isang oras bago kumain o dalawang oras pagkatapos kumain.

Dapat na sukatin ang dami ng syrup gamit ang kasama nitong medical-grade measuring cup. Huwag gumamit ng karaniwang kutsara sa bahay dahil maaaring hindi ito akmang panukat ng dami ng dose.

Sa bawat paggamit, kailangang alugin muna nang mabuti ang inhaler. Huminga nang malalim at dahan-dahan pagkatapos pindutin ang inhaler. Pigilin ang paghinga ng sampung segundo saka huminga nang palabas nang lubos. Palaging takpan ang mouthpiece kung hindi ito ginagamit at itago nang nakaturo sa ibaba. Hugasan ang inhaler kahit isang beses sa isang linggo upang maiwasan ang kontaminasyon.

Ang nebule ay nangangailangan ng nebulizer machine. Huwag iinumin ang solusyon. Sundin ang direksyon sa paggamit ng nebulizer at pagpuno ng medicine cup. Tiyaking maayos ang paglalagay ng mouthpiece sa paligid ng iyong ilong at bibig at huminga nang malalim hanggang sa magamit ang gamot nang lubusan.

Paano mag-imbak ng Ventolin?

Pinakamagandang iimbak ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruction. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.

Para saan ang Ventolin: Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Ventolin?

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang/ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso
  • May iniinom na iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang inireseta, OTC, at herbal na remedyo
  • May allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
  • May iba pang karamdaman, disorders, o kondisyong medikal

Ligtas ba ito para sa mga buntis at nagpapasuso?

Wala pang sapat at lubos na kontroladong pag-aaral sa paggamit ng salbutamol sa mga buntis. Gayunpaman, lumalabas sa pag-aaral sa mga hayop na wala o kaunti lamang ang panganib nito sa fetus. Maaaring mapatagal ng salbutamol ang labor kung iniinom ito sa mataas na dose. Gamitin lamang ang gamot na ito habang nagbubuntis kung mas matimbang ang potensiyal na benepisyo nito sa potensyal na panganib sa fetus, batay sa pagsusuri ng iyong doktor.

Maaaring mailabas ang gamot na ito sa breastmilk. Kaya naman, parating kumonsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga posibleng benepisyo at panganib nito sa bata bago uminom ng gamot kapag nagpapasuso, batay sa pagsusuri ng doktor.

Para Saan ang Ventolin: Mga Side Effect

Anong mga side effect ang puwedeng mangyari sa paggamit ng Ventolin?

Gaya ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, kadalasang mild lamang ang side effect at nawawala rin sa oras na matapos na ang gamutan o kapag binabaan ang dose. Ilan sa mga naiulat na side effect ang:

  • Iritasyon sa lalamunan
  • Tumataas na panganib ng impeksiyong dulot ng virus
  • Upper respiratory inflammation
  • Ubo
  • Pananakit ng kasukasuan
  • Hypokalemia
  • Pagbabago sa blood sugar level
  • Pananakit ng ulo
  • Panginginig
  • Tachycardia

Mga banta sa buhay na masamang epekto:

  • Paradoxical bronchospasm** itigil agad ang Ventolin

Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.

Mga Interaksyon

Anong mga gamot ang maaaring makipag-ugnayan sa Ventolin?

Maaaring makipag-ugnayan ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.

Mga gamot na may interaction ang:

  • Beta-blockers
  • Non-potassium-sparing diuretics
  • Digoxin
  • Monoamine oxidase inhibitors (MAOIs)
  • Tricyclic antidepressants

Kung makaranas ka ng masamang drug interaction, ihinto ang paggamit nito at ipagpatuloy ang paggamit ng iba mo pang gamot. Ipaalam agad ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Maaaring bawasan ng doktor ang dose nito, palitan ang gamot, o ihinto ang gamutan.

Nag-i-interact ba ang pagkain o alak sa Ventolin?

Maaaring makipag-ugnayan ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Pag-usapan kasama ng iyong doktor o parmasyutiko ang anumang posibleng interaction sa pagkain o alak bago gamitin ang gamot na ito.

Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring mag-interact sa Ventolin?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaction na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na ang:

  • Sakit sa puso
  • Thyrotoxicosis
  • Diabetes mellitus

Dosage

Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya naman, parating kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose ng Ventolin para sa nakatatanda?

Para sa acute bronchospasms

  • Metered-dose inhaler: 100 – 200 mcg.
  • Rotacap na may Rotahaler: 200 – 400 mcg.
  • Syrup: Gumamit ng 10mL tatlo hanggang apat na beses sa isang araw, dahan-dahang taasan ang dose hanggang 20mL kung kinakailangan.
  • Tableta: Uminom ng 4mg, unti-unting taasan ang dose ng hanggang 8 mg kung kinakailangan.

Para makaiwas sa exercise-induced o allergen-induced bronchospasm

  • Metered-dose inhaler: 100 – 20 mcg bago ang exposure o activity
  • Rotacap na may Rotahaler: 200 – 400 mcg bago ang exposure o activity.

Para sa chronic therapy

  • – Metered-dose inhaler: hanggang 200 mcg apat na beses sa isang araw
  • – Nebule: 2.5 mg by wet inhalation sa simula at maaaring taasan hanggang 5 mg at maaaring ulitin apat na beses kada araw.

Paano makukuha ang Ventolin?

Available ang gamot na ito sa mga sumusunod na dosage forms at strengths:

  • MDI 100 mcg/inhalation
  • Rotacap 200 mcg
  • Syrup 2 mg/5 mL
  • Tablet 2 mg
  • Nebule 2.5 mg/2.5 mL

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?

Kung nakaligtaan mo ang isang dose, inumin na ito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang hindi nainom na dose at inumin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag iinom ng dobleng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ventolin https://www.mims.com/philippines/drug/info/ventolin Accessed June 11, 2021

Ventolin Expectorant https://www.mims.com/philippines/drug/info/ventolin%20expectorant Accessed June 11, 2021

Ventolin HFA https://www.ventolin.com/ Accessed June 11, 2021

Ventolin Inhaler https://gskpro.com/content/dam/global/hcpportal/en_PH/Pdf/Homepage/digital/Ventolin%20Inhaler.pdf Accessed June 11, 2021

Ventolin CFC-Free Inhaler https://www.nps.org.au/medicine-finder/ventolin-cfc-free-inhaler Accessed June 11, 2021

Kasalukuyang Version

07/29/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement