backup og meta

Spersallerg: Saan Ginagamit ang Gamot na Ito?

Spersallerg: Saan Ginagamit ang Gamot na Ito?

Disclaimer: Hindi na available ngayon ang Spersallerg. Binawi/tinanggal na ito sa merkado ng manufacturer noong 2014. Ang impormasyong ito ay for educational purposes na lamang. 

Mga Gamit

Para saan ang Spersallerg?

Ginagamit ang Spersallerg upang magbigay ng panandaliang ginhawa laban sa mga senyales at sintomas ng allergic conjunctivitis (sore eyes) kabilang ang conjunctival hyperemia, chemosis at itching sa matatanda at bata na mahigit sa 2 taon na ang edad.

Paano ko dapat gamitin ang Spersallerg?

Sa paggamit ng gamot na ito, dapat mong:

  • Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon at maligamgam na tubig. Tuyuin ang mga kamay gamit ang malinis na tuwalya.
  • Kung ikaw mismo ang magpapatak ng eye drops sa sarili, humiga o gumamit ng salamin. Maaaring makatulong kung magpatingin ka sa iba kung naipatak mo ang eye drops sa iyong mata. 
  • Tumingala sa kisame
  • Habang nakatingala, hatakin ang lower lid ng iyong mata pababa gamit ang isang kamay. 
  • Hawakan ang bote ng eye drops o tube ng kabilang kamay (ang iba pang bahagi ng iyong kamay ay ipang-alalay sa iyong noo upang hindi gumalaw)
  • Patakan ng isang eye drop o kaunting dami ng ointment sa loob ng iyong lower lid. Ang dulo ng bote ng gamot o tube ay hindi dapat dumikit sa iyong mata.
  • Kumurap at punasan ang sobrang eye drop fluid gamit ang tissue.

Paano mag-imbak ng Spersallerg?

Pinakamagandang iimbak ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruction. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.

Para saan ang Spersallerg: Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Spersallerg?

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang/ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso
  • May iniinom na iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang inireseta, on-the-counter na mga gamot (OTC drugs), at herbal na remedyo
  • May allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
  • May iba pang karamdaman, disorders, o kondisyong medikal

Ligtas ba ito para sa mga buntis at nagpapasuso?

Wala pang sapat at lubos na kontroladong pag-aaral sa paggamit ng gamot na ito sa mga buntis at nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa inyong doktor upang matimbang ang potensiyal na benepisyo nito at panganib bago gamitin ang anumang gamot.

Para saan ang Spersallerg: Mga Side Effect 

Ano ang mga side effect na puwedeng mangyari sa paggamit ng Spersallerg?

Gaya ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, kadalasang mild lamang ang side effect at nawawala rin sa oras na matapos na ang gamutan o kapag binabaan ang dose. Ilan sa mga naiulat na side effect ang:

  • Iritasyon sa mata
  • Pananakit ng ulo
  • Pagkaantok
  • Tachycardia o pagbilis ng tibok ng puso (>100 tibok ng puso sa isang minuto)
  • Panlalabo ng paningin

Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.

Para saan ang Spersallerg: Mga Interaksyon

Anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa Spersallerg?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, non-prescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.

May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Spersallerg?

Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Pag-usapan kasama ng iyong doktor o parmasyutiko ang anumang posibleng interaction sa pagkain o alak bago gamitin ang gamot na ito.

Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interkasyon sa Spersallerg?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaction na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka, lalo na ang:

Para saan ang Spersallerg: Dosage

Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya dapat parating kumonsulta sa iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?

Ang inirerekomendang dose ay 1 patak, 3 o 4 na beses kada araw sa lower eyelid.

Ano ang dose para sa mga bata?

Mga batang 2-12 taon: Inirerekomenda ang 1 patak araw-araw o dalawang beses sa isang araw.

Paano makakakuha ng Spersallerg?

Makakakuha ng Spersallerg sa mga sumusunod na dosage forms at strengths:

  • Plastic dropper bottle ng 10 ml

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?

Kung nakaligtaan mo ang isang dose, maglagay nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang hindi naipatak na dose at sundan ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag mag-dobleng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Spersallerg https://www.mims.com/philippines/drug/info/spersallerg Accessed June 28, 2021

Tetryzoline https://www.mims.com/philippines/drug/info/tetryzoline?mtype=generic Accessed June 28, 2021

FDA: EYE DROPS RECALLED OVER FLAWED PRODUCTION https://krsbio.com/fda-eye-drops-recalled-over-flawed/ Accessed June 28, 2021

Antazoline Hydrochloride. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed June 28, 2021. http://online.lexi.com

Spersallerg¤ (PH). Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed June 28, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

08/07/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement