backup og meta

Saan Ginagamit Ang Lipway? Ito Ang Ilang mga Tips

Saan ginagamit ang Lipway? Ang Lipway at Lipway SR ay mga brand name ng gamot na fenofibrate. Aprubado ang Fenofibrate bilang panggamot sa hyperlipidemias (high blood triglyceride at cholesterol levels). Nangangailangan ang gamot na ito ng reseta ng doktor. Kaya’t hindi ito puwedeng bilhin nang over-the-counter (OTC).

saan ginagamit ang lipway

Mga Gamit

Saan Ginagamit Ang Lipway?

Kabilang sa klase ng gamot na kilala bilang lipid-lowering agents ang Fenofibrate, specifically ang fibrate. Kasama ang low-fat, low-cholesterol diet, nakatutulong ang fibrate na mapababa ang total cholesterol at low-density lipoprotein (LDL) o bad cholesterol levels habang pinagaganda naman ang high-density lipoprotein (HDL) o ang “good” cholesterol levels. Nagreresulta ito sa pagbaba ng panganib ng pagkakaroon ng atherosclerotic plaques, na nagiging sanhi ng hypertension at embolisms.

Sinasabing ginagamit ang Lipway upang gamutin ang mga sumusunod na kondisyon:

  •         Hyperlipidemia (type IIa, IIb, III, IV, V)

Paano Dapat Gamitin Ang Lipway?

Available ang Lipway bilang oral tablets at capsules. Dapat ikonsumo ang tablet at capsule nito gamit ang bibig nang hindi nginunguya, dinudurog, o binubuksan ito. Ang tablet o capsule ay kailangang ikonsumo nang may pagkain.

Paano Ako Mag-iimbak ng Fenofibrate?

Dapat na iimbak ang produktong ito sa room temperature (<30C) at dapat na ilayo mula sa liwanag at moisture. Palaging suriin ang label bago gamitin ang produktong ito. Bilang pag-iingat, ilayo sa maaabot ng mga bata at alagang hayop.

Huwag nang gamitin kung ang nakaimprentang petsa ng expiration ay lumipas na, sira na ang selyo ng produkto, o nagbago na ang kulay, amoy at consistency nito.

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbubuhos sa drain, toilet, o sa paligid. Itanong sa iyong pharmacist ang tamang paraan at lugar ng pagtatapon nito.

Mga Pag-iingat at Babala

Ano Ang Dapat Kong Malaman Bago Gamitin ang Lipway?

Maaaring mapataas ng Lipid-lowering agents, kabilang na ang fenofibrate ang panganib ng pananakit ng kalamnan, panghihina, at fatigue. Ang mga taong kumokonsumo ng statins at ilang uri ng antibiotics ay may mataas ring panganib na makaranas ng mga ganitong sintomas.

Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang:

  •         Nagkaroon ng allergic reaction sa fenofibrate o sa iba pang lipid-lowering agents.
  •         May history ng allergy sa iba pang mga gamot, pagkain, at iba pang substance.
  •         May iba pang gamutan, lalo na sa iba pang lipid-lowering agents.
  •         Mga underlying health condition
  •         Buntis o nagpapasuso

Ligtas ba Ito sa Nagbubuntis o Nagpapasuso?

Ang drogang ito ay pregnancy category C drug. Wala pang sapat na ebidensya mula sa mga pag-aaral na nagpapakitang maaari itong maging sanhi ng kapahamakan sa sanggol kung iinumin habang nagbubuntis. Kaya naman, gamitin lamang ang gamot na ito kapag nagbubuntis kung inaprubahan ito ng doktor.

Maaaring mailabas ang gamot na ito sa breastmilk. Kaya naman, parating kumonsulta sa iyong doktor upang matimbang ang mga posibleng benepisyo at panganib nito sa bata bago uminom ng gamot kapag nagpapasuso, batay sa pagsusuri ng doktor.

Mga Side Effect   

Anong mga side effect ang puwedeng mangyari dulot ng Lipway?

Lahat ng gamot ay may potensiyal na side effect kahit sa normal na gamit. Maaaring makaranas ng mas maraming side effect ang mga taong umiinom ng mas mataas na dose. Pagkatapos bawasan ang dose o matapos makompleto ang gamutan, kadalasang nawawala na ang mga side effect.

Kabilang sa mga potensiyal na side effect habang gumagamit ng gamot nito ang:

  •         Nausea, pagsusuka, pagtatae
  •         Fatigue
  •         Myopathy
  •         Pamumulikat ng kalamnan
  •         Pananakit ng ulo
  •         Pagkahilo
  •         Pantal
  •         Photosensitivity

Agad na humingi ng medikal na atensiyon kung makaranas ka ng anuman sa mga seryoso, at potensiyal na nakamamatay na drug reactions na ito:

Maaari kang makaranas ng ilan, hindi makaranas, o makaranas ng iba pang side effect na hindi nabanggit sa itaas. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa mga side effect, o kung nakababahala na ito para sa iyo, kumonsulta sa iyong doktor at pharmacist.

Mga Interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Lipway?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamutan. Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor o pharmacist.

Kabilang sa mga gamot at interactions nito sa fenofibrate ang:

  •         Colchicine, statins, at iba pang fibrates
    • Pinatataas ang panganib ng myopathy at rhabdomyolysis
  •         Ciclosporin
    • Pinatataas ang panganib ng nephrotoxicity
  •         Oral anticoagulants
    • Pinatataas ang panganib ng pagdurugo
  •         Ezetimibe
    • Maaaring palakasin ang masamang epekto ng drogang ito
  •         Bile acid sequestrants
    • Maaaring mapababa ang pagsipsip ng mga drogang ito

Kung nakaranas ka ng masamang drug interaction, ihinto ang paggamit nito at ipagpatuloy ang paggamit ng iba mo pang gamot. Ipaalam agad ito sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Maaaring mabawasan ng doktor ang dose nito, palitan ang gamot, o ihinto ang gamutan.

Nag-i-interact ba ang pagkain at alak sa Lipway?

Inumin ang gamot na ito nang may pag-iingat kung mayroon kang anumang sumusunod na kondisyon o panganib:

  •         Matinding renal impairment
  •         Aktibong sakit sa atay
  •         Sakit sa gallbladder
  •         Pancreatitis

Ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa tiyak na health conditions.

Dosage

Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ang mga ibinibigay na impormasyon. Kaya naman, parating kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose para sa matanda?

Para sa primary hypercholesterolemia o mixed dyslipidemia

  •           Uminom ng 160 mg kada araw
  •           Kung umiinom ka ng Lipway-SR capsule, limitahan ang pag-inom nito ng 1 capsule kada araw

Para sa elevated serum triglyceride levels

  •           Sa simula: uminom ng 54-160 mg kada araw
  •           Maintenance: mag-adjust ng dose na may pagitang 4 – 8 linggo
  •           Pinakamataas na dose kada araw: 160 mg
  •           Kung umiinom ka ng Lipway-SR capsule, limitahan ang pag-inom nito ng 1 capsule kada araw

Ano ang dose para sa bata?

Sa kasamaang palad, hindi pa naitatakda ang rekomendadong dose at paggamit ng drogang ito sa mga bata. Kaya naman, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist para sa mga alternatibo o para sa dagdag na impormasyon.

Paano makukuha ang Lipway?

Available ang drogang ito sa mga sumusunod na dosage forms at strengths:

  •         Lipway tablet 160 mg
  •         Lipway-SR capsule 250 mg

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?

Kung nakaligtaan mo ang isang dose ng drogang ito, inumin na agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang hindi nainom na dose at inumin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag iinom ng dobleng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Lipway/Lipway SR https://www.mims.com/philippines/drug/info/lipway-lipway%20sr Accessed May 28, 2021

Fenofibrate https://www.mims.com/philippines/drug/info/fenofibrate Accessed May 28, 2021

Fenofibrate (Oral Route) https://www.mayoclinic.org/drugs-supplements/fenofibrate-oral-route/proper-use/drg-20068427 Accessed May 28, 2021

Fenofibrate – Fenoflex https://assets.unilab.com.ph/uploads/Common/Products/Fenoflex/fenoflex.pdf Accessed May 28, 2021

Fenofibrate https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK559219/ Accessed May 28, 2021

Kasalukuyang Version

06/21/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Mia Dacumos, MD

In-update ni: Mia Labrador, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Mia Dacumos, MD

Nephrology · Makati Medical Center


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement