backup og meta

Alamin: Saan Ginagamit Ang Hexaspray?

Alamin: Saan Ginagamit Ang Hexaspray?

Ang Hexaspray ay brand name ng isang produktong naglalaman ng biclotymol at ng iba pang mga sangkap. Ito ay may mga sangkap na local antimicrobial na nakagagamot ng malubhang impeksyon sa bibig at lalamunan.

Sa kasalukuyan, ang gamot na ito ay hindi mabibili sa Pilipinas. Ang mga impormasyong ito ay para lamang magbigay ng kaalaman.

Saan ginagamit ang Hexaspray? Paggamit nito

Para saan ang Hexaspray?

Ang hexaspray ay gamot sa lokal na sintomas ng malubhang sakit na oropharyngeal.

Paano gamitin ang Hexaspray?

Basahin ang mga panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.

Mga hakbang sa paggamit ng produktong ito:

  1. Suminga upang mailabas ang sipon.
  2. Hugasan nang mabuti ang mga kamay gamit ang sabon at tubig.
  3. Dahan-dahang alugin ang bote at tanggalin ang takip nang hindi hinahawakan ang dulo ng spray.
  4. Ibaling ang ulo paunahan at takpan ang isang butas ng ilong gamit ang iyong daliri.
  5. Ipasok ang dulo ng spray sa bukas na butas ng ilong.
  6. Panatilihin ang bote sa patayong posisyon habang inilalagay ang dulo ng spray sa dulong bahagi ng ilong.
  7. Pindutin ang spray habang humihinga nang normal.
  8. Ulitin ang mga hakbang na ito sa isa pang butas ng ilong.
  9. Hugasan ang iyong mga kamay matapos gamitin ang produktong ito.

Paano itago ang Hexaspray?

Ang gamot na ito ay mainam na itago sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at kahalumigmigan. Upang maiwasang masira, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng pagtatago. Mahalagang laging tingnan ang packaging upang alamin ang panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Bilang pag-iingat, dapat ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat ito itapon sa inodoro o sa lababo maliban kung pinayuhang gawin ito. Dagdag pa, mahalagang itapon ito nang mabuti kung expired o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong pharmacist para sa karagdagang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon nito.

Saan ginagamit ang Hexaspray? Mga pag-iingat at babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Hexaspray?

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay o may:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang gamot. Kabilang dito ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot.
  • Allergy sa anomang sangkap ng produktong ito
  • Ibang sakit, disorders, o medikal na kondisyon

Ligtas ba itong gamitin habang nagbubuntis o nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng pagamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Laging kumonsulta sa iyong doktor upang malaman ang mga posibleng benepisyo at panganib ng pag-inom ng anumang gamot.

Saan ginagamit ang Hexaspray? Side effects

Anu-anong side effects ang maaaring maranasan sa paggamit ng Hexaspray?

Katulad ng lahat ng mga gamot, ang hexaspray ay maaaring may side effects. Kung mangyari ito, kadalasang ang mga ito ay hindi gaanong malubha at nawawala kung tapos na ang gamutan o kung ibinaba ang dose. Ang ilang mga naitalang side effects ay ang mga sumusunod:

  • Pamamaga ng labi
  • Pantal
  • Rashes
  • Erythema
  • Edema
  • Angioedema
  • Cutaneous disorders (bihirang mangyari)

Gayunpaman, ang side effects ay hindi nararanasan ng lahat ng umiinom nito. Dagdag pa, may ilang nakararanas ng iba pang side effects. Kaya kung ikaw ay may alalahanin tungkol sa mga ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Saan ginagamit ang Hexaspray? Mga interaksyon

Ano-anong mga gamot ang maaaring may interaksyon sa Hexaspray?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang gamot na kasalukuyang mong iniinom. Ito ay maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot sa iyo o makapagpataas ng tyansa ng malubhang side effects.

Upang maiwasan ang anomang posibleng drug interactions, mahalagang magkaroon ng listahan ng mga gamot na iyong iniinom (kabilang na ang gamot na may reseta, gamot na walang reseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.

May interaksyon ba ang pagkain at alak sa Hexaspray?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa pagkain o alak. Dahil dito, maaaring mabago ang epekto ng gamot o tumaas ang tyansa ng malubhang side effects. Itanong sa iyong doktor o pharmacist ang anomang posibleng interaksyon ng pagkain o alak bago ito inumin.

Ano-anong mga medikal na kondisyon ang maaaring may interaksyon sa Hexaspray?

Ang gamot na ito ay maaaring may interaksyon sa iba pang mga medikal na kondisyon. Maaari nitong mapalubha ang kondisyon o mabago ang epekto ng gamot. Mahalagang laging ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon.

Saan ginagamit ang Hexaspray? Dosage

Ang mga impormasyong ito ay hindi pamalit sa anomang payong medikal. Laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago uminom ng anomang gamot.

Ano ang dose para sa isang nakatatanda?

Magsagawa ng dalawang spray sa bawat butas ng ilong. Huwag itong gamitin nang higit sa 5 araw.

Ano ang dose para sa isang bata?

Para sa mga batang higit 30 buwang taon: Magsagawa ng dalawa sprays tatlong beses sa isang araw.

Anong Hexaspray ang maaaring mabili?

Ang hexaspray ay maaaring mabili sa mga sumusunod na anyo at lakas ng dosage:

  • Oromucosal spray 0.75 g/30 g

Ano ang maaari kong gawin kung emergency o kung na-overdose?

Kung emergency o na-overdose, tumawag ng ambulansya o pumunta sa pinakamalapit na ospital.

Ano ang maaari kong gawin kung nakalimutan kong uminom?

Kung nakalimutang uminom, inumin ito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na rin namang inumin ang kasunod na dose, huwag nang inumin ang nakalimutang dose at inumin na lamang ang regular na dose sa tamang oras. Huwag uminom ng dalawang dose sa isang pagkakataon.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Hexaspray, https://www.mims.com/hongkong/drug/info/hexaspray?type=full, Accessed July 27, 2021

Biclotymol, https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Biclotymol, Accessed July 27, 2021

Role of biclotymol-based products in the treatment of infectious sore throat, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/28925466/, Accessed July 27, 2021

Hexaspray (HK). Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL., http://online.lexi.com, Accessed July 27, 2021.

Biclotymol. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL., http://online.lexi.com, Accessed July 27, 2021.

Kasalukuyang Version

10/13/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement