backup og meta

Saan Ginagamit Ang Cefaclor? Ito Ang Dapat Mong Malaman

Saan Ginagamit Ang Cefaclor? Ito Ang Dapat Mong Malaman

Ang cefaclor ay isang second generation cephalosporin antibiotic. Ang cephalosporins ay chemically-related sa penicillin, at nagiging mabisa ito sa pag-bind sa penicillin-binding proteins (PBPs) na embedded sa tiyan sa bacterial cell walls. Saan ginagamit ang cefaclor? Nakapipigil sa normal crosslinking ang binding na ito at nagreresulta ito sa paghina ng cell wall na pumapatay sa bacteria. Ito ay may dagdag na property na β-lactamase resistance, na nagpapataas ng efficacy laban sa tiyak na bacteria.

Paraan Ng Paggamit

Saan ginagamit ang cefaclor?

  • Otitis media
  • Respiratory tract infection
  • Skin and soft tissue infections
  • Urinary tract infections

Paano ko ikokonsumo ang cefaclor?

Basahin ang panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.

Para sa oral dosage form, lunokin ito nang buo nang hindi nginunguya, pinipiraso, o tinutunaw sa tubig.

Buuin muli at kalugin nang mabuti ang oral suspensions. Gamitin lamang ang medical-grade measuring cup, huwag ang kutsara sa bahay.

Paano ko itatago ang cefaclor?

Ang produktong ito ay mainam na itago sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng ganitong gamot na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang product package para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.

Huwag itong i-flush sa inidoro o itapon sa drain maliban kung sinabihan na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung ito ay expired o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.

Pag-Iingat At Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng cefaclor?

Bago gumamit ng produktong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Gumagamit ng iba pang gamot, kabilang na rito ang nireseta, OTC, at halamang gamot
  • May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito
  • May karamdaman, disorders o medikal na kondisyon

Ligtas bang inumin ang cefaclor habang buntis o nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Gayunpaman, ito ay ligtas na inumin. Pakiusap na laging konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang potensyal na benepisyo at banta bago gumamit ng kahit na anong gamot 

Ang gamot na ito ay may pregnancy risk category B ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).

Nasa ibaba ang sanggunian ng FDA pregnancy risk:

  • A= No risk
  • B= No risk in some studies
  • C= There may be some risk
  • D= Positive evidence of risk
  • X= Contraindicated
  • N= Unknown

Saan Ginagamit Ang Cefaclor? Alamin Ang Side Effects

Ano ang side effects ng cefaclor?

Tulad ng lahat ng gamot, ang produktong ito ay may side effects. Kadalasan ito ay mild at nasosolusyonan pagkatapos ng paggamot o kung mabawasan ang dose. Ang ilang mga naiulat na side effects ay:

  • Sakit sa ulo
  • Mild diarrhea
  • Pagkahilo
  • Sinus infection
  • Pagkapagod
  • Pagsusuka

Humingi agad ng medikal na atensyon kung nararanasan ang mga malalang side effects na ito:

  • Rash
  • Hives
  • Hirap sa paghinga
  • Paninikip ng dibdib
  • Pamamaga ng bibig, mukha, labi o dila
  • Pangangati
  • Dugo sa tae
  • Lagnat
  • Seizures
  • Malalang diarrhea
  • Sakit o cramps sa tiyan
  • Laging nais na tumae
  • Iritasyon sa puki o discharge

Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng side effects na ito. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring maranasan ang ibang mga side effects. Kaya’t kung may mga tanong pa tungkol sa side effect, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Alamin Ang Interactions

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa cefaclor?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom.  Makaapekto ito sa bisa o magpapataas sa banta ng seryosong side effects.

Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na rito ang nireseta, hindi nireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.

Mga gamot na may interactions:

  • Aminoglycosides
  • Live vaccines
  • Probenecid
  • Warfarin

Kung naranasan ang pagbabago ng bisa ng gamot, sabihan agad sa doktor upang mataya muli ang plano sa paggamot. Kabilang sa mga paraan ay dose adjustment, drug substitution, o pagtatapos ng therapy.

Ang pagkain o alak ba ay may interaction sa cefaclor?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagtaas ng banta ng seryosong side effects. Pakiusap na talakayin sa iyong doktor o pharmacist ang mga potensyal na pagkain o alcohol interaction bago gumamit ng gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa cefaclor?

Maaaring mag-interact ang gamot sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o baguhin ang bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging sabihin sa iyong doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan 

Dosage

Ang ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.

Ano ang dose para sa matanda?

Sa pangkalahatan, uminom ng 250 hanggang 500 mg kada 8 oras. Para sa extended release capsules, uminom ng 375 hanggang 750 mg kada 12 oras. Kausapin ang iyong doktor tungkol sa dosage at haba ng paggamot.

Ano ang dose para sa bata?

Para sa mild at moderate na infections, magbigay ng 20 hanggang 40 mg kada kg ng katawan kada araw. Ang dose na ito ay kailangan na mahati kada 8 o 12 oras. Ang maximum na dose kada araw ay 1500 mg. 

Paano nabibili ang cefaclor?

Ang cefaclor ay nabibili sa mga sumusunod na dose at tapang:

  • Capsule 250 mg, 500 mg
  • Powder o granules para sa oral suspension 50 mg/mL, 125 mg/5 mL, 250 mg/5 mL
  • Oral drops 50 mg/mL

Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?

Kung nangyari ang emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?

Kung nakalimutan ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Cefaclor https://www.mims.com/philippines/drug/info/cefaclor?mtype=generic, Accessed July 6, 2021

Cefaclor https://medlineplus.gov/druginfo/meds/a682729.html, Accessed July 6, 2021

Cefaclor https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Cefaclor, Accessed July 6, 2021

Clinical characteristics and risk factors for cefaclor-induced immediate hypersensitivity: a retrospective observation at two university hospitals in Korea https://aacijournal.biomedcentral.com/articles/10.1186/s13223-021-00523-8, Accessed July 6, 2021

Cefaclor. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL, http://online.lexi.com, Accessed July 6, 2021

Kasalukuyang Version

08/23/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement