backup og meta

Para Saan Ang Solmux Broncho? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para Saan Ang Solmux Broncho? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Tinatawag na Solmux Broncho ang branded na gamot na kumbinasyon ng salbutamol sulfate (isang bronchodilator) at carbocisteine (isang mucolytic). Para saan ang Solmux Broncho?

Nakatutulong ang mga bronchodilator na ma-relax at mapaluwag ang mga daanan ng hangin upang maging mas madali ang paghinga. Kadalasang kailangan ito ng mga taong may asthma (hika) o COPD. Gumagana ang mucolytic sa pamamagitan ng pagpapanipis at pagpapalambot ng makapal na mucus o plema upang mas madali itong mailabas at maalis sa daanan ng hangin.

para saan ang solmux broncho

Paano Ito Gamitin

Para saan ang Solmux Broncho? Paano dapat ito inumin?

Basahin ang mga direksyon sa pakete para sa kumpletong impormasyon. Suriin ang label at petsa ng expiration.

Lunukin nang buo ang capsule nang hindi nginunguya, dinudurog, o tinitunaw sa tubig. Pinakamainam na inumin ito nang may kinain. Para sa mga oral suspension, ihalo ang inirekomendang dami ng tubig upang mabuo ito. Gumamit lang ng medical-grade na measuring cup, at huwag ng kutsara sa bahay.

Paano itabi ang Solmux Broncho?

Pinakamainam na ilagay ang produktong ito sa room temperature na malayo sa sinag ng araw at moisture. Para maiwasan ang pagkasira ng gamot, hindi dapat ito itinatago sa banyo o freezer.

Maaaring may ibang storage needs ang iba pang brand ng gamot na ito. Kaya mahalagang parating tingnan ang pakete ng produkto para sa mga gabay sa pagtatabi nito, o magtanong sa pharmacist. Para sa kaligtasan, kailangang ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi dapat itinatapon ang produktong ito sa inidoro o binubuhos sa drain maliban kung sinabing gawin ito. Mahalagang maayos na maitapon ang produktong ito kapag nag-expire na o hindi na kinailangan pa. Kumonsulta muna sa pharmacist para sa iba pang detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produktong ito.

Mga Pag-iingat At Babala

Ano ang dapat malaman bago gumamit ng Solmux Broncho?

Bago gumamit ng gamot na ito, ipagbigay-alam sa doktor kung ikaw ay o mayroon ng mga sumusunod:

  • Patuloy na pag-ubo na tumatagal ng higit sa 3 linggo
  • Pabalik-balik na lagnat na may kasamang pag-ubo
  • Nagbubuntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang mga gamot. Kasama dito ang iba pang mga reseta, OTC, at halamang gamot.
  • Allergy sa alinmang sangkap ng produktong ito
  • Anumang sakit, karamdaman o kondisyong medikal

Ligtas ba ito tuwing nagbubuntis o nagpapasuso?

Pagbubuntis

May mga ulat ng congenital abnormalities sa mga anak ng mga nanay na gumamit ng Salbutamol. Gayunpaman, umiinom din ng iba pang mga gamot ang mga nasabing nanay kaya hindi pare-pareho ang ebidensya na salbutamol ang sanhi sa mga depektong ito. Maaaring makaapekto ang Salbutamol sa uterine contraction at hindi dapat ibigay sa oras ng panganganak. Hindi pa napag-aralan sa mga pasyenteng buntis ang paggamit ng carbocisteine at hindi pa rin nasasabi ang kaligtasan nito.

Gamitin lamang ang produktong ito kung mas malaki ang makukuhang potensyal na benepisyo kaysa sa mga potensyal na panganib, ayon sa payo ng iyong doktor.

Pagpapasuso

Kilala ang Salbutamol na naipapasa sa breastmilk. Huwag inumin ang gamot na ito kung nagpapasuso at nagpaplanong magpasuso, maliban kung ipinayo ng iyong doktor.

Alamin Ang Mga Side Effect

Ano ang mga side effect na maaaring magmula sa Salbutamol?

Tulad ng lahat ng gamot, maaarng may mga side effect ito. Kung mangyari ang mga side effect, karaniwang mild at nawawala matapos ang gamutan o mababa na ang dose. Kabilang ang mga sumusunod sa ilang mga naitalang side effect:

  • Skin rashes
  • Pagduduwal
  • Pagsakit ng ulo
  • Muscle cramps o pain (pulikat)
  • Pagkahilo
  • Urinary incontinence (hindi mapigilang pag-ihi)
  • Panginginig o pagkabalisa
  • Anxiety
  • Palpitation
  • Paradoxical bronchospasm (maaaring mapanganib sa buhay, ihinto kaagad ang pag-inom ng gamot)

Gayunpaman, hindi nakararanas ang lahat ng mga side effect. Dagdag pa rito, maaaring ibang mga side effect ang maranasan ng ibang tao. Kaya kung may ipinag-aalala tungkol sa side effect, ipinapakiusap na komunsulta sa iyong doktor o pharmacist.

Mga Interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Solmux Broncho?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Puwedeng mabago nito ang epekto ng gamot o mapataas ang tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring drug interaction, magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na ginagamit (kabilang na ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products). Ipagbigay-alam ito sa iyong doktor o pharmacist.

Mga gamot na kilalang may interaction sa Solmux

  • Sodium amoxicillin
  • Cimetidine
  • Salbutamol

Kung makaramdam ng masamang drug interaction, agad na ipagbigay-alam sa iyong doktor upang masuri uli ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang dose adjustment, drug substitution, o ending therapy.

Nag-i-interact ba ang Solmux Broncho sa pagkain at alak?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng epekto ng gamot o pagtaas ng tsansa ng pagkakaroon ng mga seryosong side effect. Ipinapakiusap na makipag-ugnayan sa iyong doktor o pharmacist para sa anumang potensyal na mga food o alcohol interaction bago gamitin ang gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Solmux Broncho?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa mga underlying condition. Maaaring palubhain ng interaksyon na ito ang kondisyon ng iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Samakatuwid, mahalagang parating ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na kasalukuyang mayroon ka, lalo na ang:

  • Cardiovascular disorders
  • Seizure disorders
  • Hyperthyroidism
  • Diabetes mellitus
  • Hypersensitive to sympathomimetics
  • Stomach o intestinal ulcers
  • Gastrointestinal bleeding
  • Bronchial asthma

Unawain Ang Dosage

Hindi pamalit sa anumang medical advice ang mga ibinibigay na impormasyon. Samakatuwid, parating kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng anumang gamot.

Ano ang dose para sa matanda?

Uminom ng 1 capsule o 1 teaspoon (5 mL) tuwing 6-8 na oras.

Tandaan: Haluing mabuti ang suspension sa bote bago ito inumin.

Ano ang dose para sa bata?

Higit sa 12 na taong gulang: katulad ng dose para sa matanda.

Edad 6 hanggang 12 na taon: magbigay ng 2.5 mL (1/2 teaspoon) tuwing 6-8 na oras.

Mas mababa sa 6 na taong gulang: huwag bigyan ng gamot na ito.

Tandaan: Haluing mabuti ang suspension sa bote bago ito inumin.

Paano nakukuha ang Solmux Broncho?

Available ang Solmux Broncho sa mga sumusunod na uri ng dosage at kalakasan:

  • Capsule, oral: naglalaman ang bawat capsule ng 2 mg ng salbutamol sulfate + 500 mg ng carbocisteine
  • Suspension, oral: naglalaman ang bawat 5 mL ng 2 mg ng salbutamol sulfate + 500 mg ng carbocisteine

Ano ang dapat gawin sa panahon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tumawag sa local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat gawin kung makalimutan ang dose?

Kung makalimot ng dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Ngunit kung malapit na sa oras ng sunod na dose, laktawan na ang nalimutang dose. Ipagpatuloy na lang ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag uminom ng dalawang dose.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Solmux® Capsule, https://www.unilab.com.ph/products/solmux, Accessed June 30, 2021

Solmux, https://www.mims.com/philippines/drug/info/solmux, Accessed June 30, 2021

Carbocisteine, https://www.mims.com/philippines/drug/info/carbocisteine?mtype=generic, Accessed June 30, 2021

Carbocisteine, https://www.nhs.uk/medicines/carbocisteine Accessed June 30, 2021

Carbocisteine [Carbocysteine]. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL, http://online.lexi.com, Accessed June 30, 2021

Kasalukuyang Version

01/11/2023

Isinulat ni Daniel de Guzman

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement