backup og meta

Para Saan Ang Ponstan? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Para Saan Ang Ponstan? Heto Ang Dapat Mong Malaman

Ano at para saan ang Ponstan? Ang Ponstan ay brand name ng generic na gamot na kilalang mefenamic acid. Ang mefenamic acid ay parte ng gamot na tinatawag na nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs). Ginagamit ang mga NSAIDs tulad ng mefenamic acid upang gamutin ang mild hanggang moderate na sakit. Maaaring mabili ang ponstan bilang over-the-counter na walang reseta.

Para Saan Ang Ponstan? Alamin Ang Basics

Para saan ang Ponstan?

Ito ay karaniwan na ginagamit bilang lunas sa mild hanggang moderate na sakit at ng menstrual pain (dysmenorrhea).

Paano ko ikokonsumo ang Ponstan?

Ikonsumo ang Ponstan sa pamamagitan ng pag-inom nito kasama ng tubig, gaya ng panuto ng iyong doktor. Mainam na inumin ito kasama ng meal upang maiwasan ang sakit sa tiyan.

Paano ko itatabi ang Ponstan?

Ang produktong ito ay mainam na itabi sa temperatura ng kwarto na malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag ilalagay sa banyo o freezer.

Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang kinakailangan na storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang package ng produkto para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, kailangan mong itabi ang mga gamot na malayo sa mga bata at mga alagang hayop.

Huwag ding i-flush ang produkto sa inidoro o itapon ito sa drain maliban na lang kung sinabihan ng doktor na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung ito ay expired o hindi na ginagamit. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa maraming detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.

Para Saan Ang Ponstan? Alamin Ang Mga Pag-Iingat At Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Ponstan?

Huwag gamitin ang produkto kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng:

  • Allergy sa kahit na anong sangkap ng Ponstan
  • Malalang allergic reactions sa ibang NSAIDs (hal. ibuprofen, aspirin)
  • Bypass heart surgery
  • Problema sa mga bato, ulcers, o inflammation sa tiyan o bowel
  • Nasa ikalawa at ikatlong trimester ng pagbubuntis

Kumonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay:

  • Buntis, nagpaplano na mabuntis, o nagpapasuso
  • Gumagamit ng niresetang gamot o hindi nireseta, herbal preparation, o dietary supplement
  • Allergic sa mga gamot, pagkain, o ibang substance
  • May history ng sakit sa atay, diabetes, o problema sa bowel o tiyan
  • Pamamaga o pagkakaroon ng fluid, asthma, nasal polyps, o mouth sores
  • High blood pressure, blood disorders, pagdurugo o problema sa clotting, problema sa puso, o sakit sa blood vessel, o kung nasa banta ka ng kahit na anong sakit na ito
  • Mahinang pangangatawan, dehydration o mababang volume ng fluid o mababang lebel ng blood sodium, umiinom ng alak, o may history ng alcohol abuse

Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?

Walang sapat na pag-aaral sa mga babae upang matukoy ang banta sa paggamit ng Ponstan habang nagbubuntis o habang nagpapasuso. Pakiusap na laging konsultahin ang iyong doktor upang matimbang ang potensyal na benepisyo at banta bago gumamit ng kahit na anong gamot habang nagbubuntis o nagpapasuso.

Ang gamot na ito ay hindi dapat binibigay sa mga buntis. Maaari itong makaapekto sa fetus, lalo na sa ikalawa at ikatlong trimester. Karagdagan, ang gamot na ito ay maaaring mapasa sa pamamagitan ng pagpapasuso, kaya’t huwag magpasuso kung iinom ng gamot na ito.

Para Saan Ang Ponstan? Alamin Ang Side Effects

Ano ang side effects na maaaring maranasan mula sa Ponstan?

Karaniwang side effects: sakit sa tiyan, pagkahilo, pagsusuka, heartburn, constipation, diarrhea, rash, dizziness, ringing in your ear (tinnitus).

Seryosong side effects:

Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng mga side effects na ito. Karagdagan, ang ibang mga tao ay maaaring maranasan ang ibang mga side effects. Kaya’t kung ikaw ay may inaalala tungkol sa side effect, pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Para Saan Ang Ponstan? Alamin Ang Interactions

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Ponstan?

Ang ponstan ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom, na maaaring magpabago sa bisa nito o magpataas ng banta ng seryosong side effects. Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, kailangan kang maglista ng mga gamot na iyong ginagamit (kabilang na ang mga nireseta, hindi niresetang gamot, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor at pharmacist. Para sa iyong kaligtasan, huwag magsimula, huminto, o baguhin ang dosage ng kahit na anong gamot ng walang pahintulot ng doktor.

Mga gamot na kilalang may interactions sa Ponstan:

  • ACE inhibitors (e.g. captopril, enalapril)
  • Methotrexate
  • Magnesium hydroxide
  • Lithium
  • Blood thinners (e.g. aspirin, warfarin, coumarin)
  • Diuretics

Kung naranasan mo ang ang pagbabago ng epekto ng interaction ng gamot, agadna ipaalam ito sa iyong doktor upang muling mataya ang plano sa paggamot. Kabilang sa mga paraan ay adjustment, pagpapalit ng gamot, o pagtatapos ng therapy.

Ang pagkain at alak ba ay nag i-interact sa Ponstan?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagpapataas ng banta ng seryosong side effects. Huwag kumonsumo ng alak habang umiinom ng gamot na ito. Pakiusap na talakayin kasama ng iyong doktor o pharmacist ang mga potensyal na pagkain o alcohol interaction bago gumamit ng gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Ponstan?

Ang Ponstan ay maaaring mag-interact sa iyong kondisyong pangkalusugan. Maaring mapalala ng interaction nito ang iyong kondisyon o magbago ang bisa ng gamot. Mahalaga na laging ipaalam sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon sa kalusugan tulad ng:

  • Sakit sa atay, o problema sa bowel o tiyan;
  • History ng pamamaga o pagkakaroon ng fluid, asthma, paglaki ng ilong, o inflammation sa bibig
  • High blood pressure, blood disorders, pagdurugo, clotting problems, sakit sa puso, o sakit sa blood vessel
  • Mababang volume ng fluid, o mababang lebel ng blood sodium

Para Saan Ang Ponstan? Unawain Ang Dosage

Ang ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.

Anong dose ang para sa matanda?

Uminom ng 500 mg, tatlong beses sa isang araw o kada tapos ng 8 oras. Huwag uminom ng mefenamic acid na hihigit ng 7 araw.

Anong dose ang para sa bata?

Mga bata na edad 14 pataas:

Bigyan ng parehong dose gaya sa matanda. Huwag magbigay ng mefenamic acid na hihigit ng 7 araw.

Mga batang 6 na buwan pataas:

Bigyan sila ng 19.5 mg hanggang 25 mg per kg kada araw, sa tatlong hinating doses kada 8 oras.

Sa alternatibo, maaari kang magbigay ng suspension doses sa mga sumusunod:

  • 6 na buwan hanggang 1 taon: 1 kutsara (5 mL) tatlong beses kada araw
  • 2 hanggang 4 na taon: 2 kutsara (10 mL) tatlong beses kada araw
  • 5 hanggang 8 taon: 3 kutsara (15 mL) tatlong beses kada araw
  • 9 hanggang 14 na taon: 4 na kutsara (20 mL) tatlong beses kada araw

Para sa rectal suppositories:

  • Ang mga bata sa edad na 6 na buwan hanggang 2 taon (na nasa bigat na 10 kg o higit pa): magpasok ng 1 suppository kada 6 hanggang 8 oras. Hindi nirerekomenda na magbigay ng rectal suppositories ng higit sa isang araw.

Para Saan Ang Ponstan? Paano Mabibili Ang Ponstan?

Ang Ponstan ay mabibili sa mga sumusunod na porma at tapang ng dosage:

  • Capsules: 250 mg (Ponstan), 500 mg (Ponstan SF)/Forte)
  • Tablet :500 mg
  • Suspension: 50 mg/5 mL in bottles of 100 mL, 200 mL, and 2.5 L
  • Rectal suppository: 125 mg

Ano ang maaari kong gawin kung may emergency or overdose?

Sa oras ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang gagawin ko kung nakalimutan ko ang dose?

Kung nakalimutan ang dose, uminom nito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras ng susunod na dose, hayaan ang nakalimutang dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag uminom ng dobleng dose.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Mefenamic Acid, https://www.nps.org.au/medicine-finder/ponstan-capsules, Accessed May 25, 2021

Ponstan Capsules, http://labeling.pfizer.com/ShowLabeling.aspx?id=1118, Accessed May 25, 2021

Ponstan/Ponstan SF, https://www.mims.com/philippines/drug/info/ponstan-ponstan%20sf?type=full, Accessed May 25, 2021

Mefenamic Acid, https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Mefenamic-acid, Accessed May 25, 2021

Mefenamic Acid, https://www.uofmhealth.org/health-library/d00285a1, Accessed May 25, 2021

FDA recommends avoiding use of NSAIDs in pregnancy at 20 weeks or later, https://www.fda.gov/drugs/drug-safety-and-availability/, Accessed May 25, 2021

Kasalukuyang Version

12/20/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement