backup og meta

Para Saan Ang Obimin Plus, At Gaano Kadalas Ito Dapat Inumin?

Para Saan Ang Obimin Plus, At Gaano Kadalas Ito Dapat Inumin?

Ang obimin ay isang brand name ng multivitamins na dinisenyo para sa prenatal at postpartum supplementation. Naglalaman ang obimin ng multivitamins at minerals, habang ang Obimin Plus ay naglalaman ng multivitamins, minerals, docosahexaenoic acid (DHA), at eicosapentaenoic acid (EPA). Ang mga supplements na ito ay mabibili na over-the-counter (OTC), kaya’t hindi na kailangan ng reseta nito.

Para Saan Ang Obimin? Alamin Ang Basics

Saan ginagamit ang Obimin?

Ang obimin ay isang multivitamin, na karaniwang ginagamit para sa:

  • Pagdaragdag ng bitamina at ilang pinagkukunan ng ion na bitamina para sa mga babae bago at pagkatapos magbuntis.
  • Nagbibigay ng kontribusyon upang i-calibrate ang mga karaniwang sakit sa pagbubuntis tulad ng pagkahilo at pagsusuka, anemia, beriberi, inflammation ng nerves at cramps.

Paano ko ikokonsumo ang Obimin?

Para sa pagkonsumo nang oral, kailangan mong:

  • Direktang inumin ang Obimin gaya ng panuto ng doktor: dose at schedule
  • Basahin nang maigi ang label bago gamitin ang Obimin
  • Kumonsulta sa iyong doktor para sa kahit na anong impormasyon mula sa label na hindi masyadong maunawaan.

Paano ko itatabi ang Obimin?

Ang produktong ito ay mainam na itabi sa temperatura ng kwarto na hindi direkta sa init ng araw at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o sa freezer. Maaaring may ibang mga brand ng gamot na ito na may ibang kinakailangang storage.

Sa gayon, mahalaga na laging tingnan ang package ng produkto para sa panuto sa paglalagyan, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilagay lahat ng mga gamot na malayo sa mga bata o alagang hayop.

Huwag din i-flush ang produkto sa inidoro o ilagay ito sa drain maliban kung sinabihan na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung nag-expire na o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa maraming detalye tungkol sa paano ligtas na itatapon ang produkto.

Para Saan Ang Obimin? Alamin Ang Pag-Iingat At Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Obimin?

Bago gumamit ng Obimin, sabihin sa doktor kung ikaw ay may:

  • Allergic reaction sa iba pang gamot, pagkain, dyes, preservatives o hayop
  • Gumamit ng ibang gamot para sa ibang kondisyon sa kalusugan na maaaring maging banta ng interaction ng Obimin

Ligtas ba ito habang buntis o nagpapasuso?

Oo, ang Obimin at Obimin Plus ay ligtas at nirerekomenda habang buntis. Gayunpaman, ang mga supplements na ito ay hindi pamalit ng normal na diet. Gamitin lang ang mga supplements kung inaprubahan ito ng iyong doktor o OB-GYN.

Para Saan Ang Obimin? Alamin Ang Side Effects

Anong mga side effects ang maaaring mangyari mula sa Obimin?

Katulad ng pag-inom ng ibang mga gamot, ang pag-inom ng Obimin ay maaaring mag sanhi ng side effects. Karamihan sa mga ito ay madalang na mangyari at hindi kinakailangan ng supplementary na lunas. Gayunpaman, laging mahalaga na konsultahin ang iyong doktor kung nagkaroon ka ng problema matapos ikonsumo ang gamot na ito.

Ilan sa mga side effects ay nakalista sa ibaba:

Hindi lahat ay nakararanas ng side effects. Karagdagan, maaaring may iba pang side effects na hindi nakalista sa itaas. Kung may iba ka pang alalahanin tungkol sa side effects, pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Para Saan Ang Obimin? Alamin Ang Interactions

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Obimin?

Ang supplement na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom, na maaaring makapagbago sa bisa ng iyong gamot o magpataas ng banta ng serysong side effects.

Upang maiwasan ang potensyal na interaction sa gamot, kailangan mong ilista ang mga gamot na iyong ginagamit (kasama na ang niresetang gamot, hindi niresetang gamot, at halamang gamot na produkto) at sabihin ito sa iyong doktor at pharmacist.

Para sa iyong kaligtasan, huwag magsimula, huminto, o magbago ng dosage ng kahit na anong gamot na walang pahintulot ng doktor at pharmacist.

Nagkakaroon ba ng interaction ang pagkain o alak sa Obimin?

Ang supplement na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagtaas ng banta ng seryosong side effects. Itong supplement ay hindi pamalit sa mga pagkain at regular meals. Pakiusap na talakayin kasama ng iyong doktor o pharmacist ang kahit na anong potensyal na pagkain o alak na magkakaroon ng interaction bago gumamit ng gamot na ito.

Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Obimin?

Maaaring mag-interact ang supplement na ito sa iyong kondisyon sa kalusugan. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon o baguhin ang bisa ng gamot. Mahalaga na palaging ipaalam sa iyong doktor at pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon sa kalusugan.

Para Saan Ang Obimin? Unawain Ang Dosage

Ang impormasyon na binigay ay hindi kapalit ng kahit na anong medikal na payo. Sa gayon laging konsultahin ang iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.

Ano ang dose para sa matanda?

Uminom ng isang tableta o softgel kada araw, mas mainam kung may kasamang meal.

Ano ang dose para sa mga bata?

Ang dosage ay hindi pa naipatutupad sa mga pediatric patients. Maaaring hindi ito ligtas sa mga bata. Mahalaga na laging ganap na unawain ang kaligtasan ng gamot bago gamitin. Pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist para sa marami pang impormasyon.

Ano ang nilalaman ng Obimin?

  • Ang Obimin oral tablets, ay may laman na: bitamina A, 3,000 IU, bitamina D 400 IU, bitamina C 100 mg, bitamina B1 10 mg, bitamina B2 2,5 mg, bitamina B6 15 mg, bitamina B12 4 mcg, niacinamide 20 mg, pantothenic acid 7.5 mg, folic acid 1 mg, Fe 30 mg, Ca 32.5 mg, copper 100 mcg, iodine 100 mcg
  • Ang Obimin Plus soft-gel na capsules ay naglalaman ng: retinol palmitate (bitamina A) 3000 IU, bitamina D3 200 IU, bitamina E 30 IU, bitamina B1 2 mg, bitamina B2 2 mg, bitamina B6 3 mg, bitamina B12 3 mcg, biotin 35 mcg, niacinamide 20 mg, calcium pantothenate 8 mg, folic acid 1000 mcg, vitamin C, 100 mg, ferrous sulfate 30 mg, calcium carbonate 40 mg, zinc sulfate 15 mg, copper 1000 mcg, iodine 150 mcg, magnesium 5 mg, manganese 1 mg, natural fish oil 500 mg (omega-3 135 mg, DHA 105 mg, EPA 20 mg)

Ano gagawin ko kung magkaroon ng emergency o overdose?

Sa oras ng emergency o overdose, tawagan ang inyong local emergency service o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang gagawin ko kung nakalimutan ko ang isang dose?

Kung nakalimutan ang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa sunod na dose, hayaan ang nalimutan na dose at inumin ang regular na dose base sa schedule. Huwag uminom ng dalawang dose.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Obimin™, https://www.unilab.com.ph/products/obimin, Accessed May 28, 2021

Obimin, https://www.mims.com/philippines/drug/info/obimin, Accessed May 28, 2021

Obimin® Plus, https://www.unilab.com.ph/products/obimin-plus, Accessed May 28, 2021

Obimin Plus, https://www.mims.com/philippines/drug/info/obimin%20plus?type=full, Accessed May 28, 2021

Obimin Plus Product Insert, https://assets.unilab.com.ph/uploads/Common/Products/Obimin_Plus/obimin_plus.pdf, Accessed May 28, 2021

Kasalukuyang Version

01/20/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement