backup og meta

Para saan ang Methyl Salicylate? Heto ang Dapat mong Tandaan

Ang Methyl salicylate, menthol, at camphor ay tatlong sangkap na makikita sa mga over-the-counter (OTC) na topical na produkto.

Methyl salicylate (oil of wintergreen) ito ay isang analgesic at counterirritant na nakatatanggal ng sakit.

Menthol (peppermint oil) ito ay isang flavoring agent kung ginagamit sa mga oral na produkto. Kung gagamitin externally, ang menthol ay nakapagpapagaling ng congestion, ubo, at iritasyon. 

Ang Camphor ay extract mula sa sanga ng puno ng camphor o turpentine oil. Kung ilalagay sa balat, nakapagpapagaling ito ng mild hanggang moderate na sakit at iritasyon.

Paraan ng Paggamit

Para saan ang methyl salicylate, menthol at camphor?

  • Arthritis o joint pain
  • Sakit sa likod
  • Ubo
  • Sakit sa ngipin
  • Chest congestion
  • Sakit sa dibdib
  • Abdominal pain
  • Sakit sa tiyan
  • Muscle stiffness
  • Soreness
  • Kagat ng lamok

Paano ko gagamitin ang methyl salicylate, menthol, at camphor?

Basahin ang panuto sa pagkaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.

Para sa topical, maglagay ng manipis na layer sa apektadong bahagi. Hugasan nang maigi ang iyong kamay matapos gumamit ng produkto. Iwasan ang contact sa mga mata, nostrils, at bibig.

Para sa transdermal patches, maglagay ng patch sa malinis, tuyo, at walang buhok na bahagi ng balat. Tanggalin ang backing nang dahan-dahan bago ilagay.

Paano ko itatago ang methyl salicylate, menthol, at camphor?

Itago ang produkto sa temperatura ng kwarto na malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong ilagay sa banyo o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang product package para sa panuto sa pagtatago nito, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.

Huwag i-flush ang produkto sa inidoro o itapon ito sa drain maliban na lamang kung sinabihan na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung expired o hindi na kailangan. Konsulathin ang iyong pharmacist para sa marami pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.

Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng methyl salicylate, menthol, at camphor?

Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso
  • May bukas na sugat
  • Umiinom ng ibang gamot. Kabilang dito ang nireseta, OTC, at halamang gamot.
  • May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito
  • May ibang mga sakit, disorders, o medikal na kondisyon

Ligtas ba ito habang buntis o nagpapasuso?

Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Gayunpaman, ito ay ligtas na gamitin. Iwasan ang paglalagay ng produkto na direkta sa bahagi ng utong. Hugasan nang maigi ang kamay matapos maglagay nito at linisin ang balat bago magpasuso.

Pakiusap na laging konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at banta bago gumamit ng kahit na anong gamot.

Side Effects

Ano ang side effects ng methyl salicylate, menthol, at camphor?

Tulad ng ibang mga gamot, ang produktong ito ay maaaring may side effects. Kung ito ay nangyari, ang side effects ay kadalasan na mild at nasosolusyonan kung matapos na ang paglunas o nabawasan ang dose. Ang ilang mga naiulat na side effects ay:

  • Mahapding pakiramdam
  • Skin rash
  • Hypersensitivity reaction

Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng mga side effects na ito. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng ibang mga side effects. Kaya’t kung may tanong pa tungkol sa side effects, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Interaction

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa methyl salicylate, menthol, at camphor?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa kahit na anong gamot na kasalukuyang ginagamit, na makapagpapabago sa bisa o magpapataas ng banta ng seryosong side effects.

Gamot na may interactions:

  • Anticoagulants (hal. warfarin)

Kung nakaranas ng ibang interaction ng gamot, sabihan agad ang doktor upang ma-evaluate muli ang plano sa lunas. Maaaring gawin ang dose adjustment, drug substitution, o pagtatapos ng therapy.

Ang pagkain o alak ba ay maaaring mag-interact sa methyl salicylate, menthol, at camphor?

Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagpapataas ng banta ng seryosong side effects. Pakiusap na talakayin sa iyong doktor o pharmacist ang kahit na anong potensyal na pagkain o alcohol interactions bago gumamit ng gamot na ito.

Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa methyl salicylate, menthol, at camphor?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng kondisyon sa kalusugan o magpabago ng bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na sabihin sa iyong doktor o pharmacist ang iyong kasalukuyang kondisyon.

Dosage

Ang impormasyon na ibinigay ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.

Ano ang dose para sa matanda?

Ilagay ang produkto sa iyong palad at marahan na ikuskos ito sa apektadong bahagi. Maglagay hangga’t kailan kailangan sa buong araw. Hugasan nang maigi ang iyong kamay matapos gamitin ang produkto.

Kung ikaw ay gumagamit ng transdermal patch, maglagay sa malinis, tuyo, at walang buhok na balat. Tanggalin ang patch matapos ang 8 hanggang 12 oras, maglagay muli ng patch kung kinakailangan. Huwag gumamit ng 3 patches kada araw o iwanan nang matagal kaysa sa nasabi sa panuto. Iwasan ang paglalagay sa bukas o hindi pa gumagaling na sugat.

Ano ang dose ng methyl salicylate, menthol, at camphor para sa bata?

Ang dosage ay hindi pa natitiyak sa mga pediatric na pasyente. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Laging mahalaga na unawain ang kaligtasan ng gamot bago gamitin. Pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist para sa mas marami pang impormasyon.

Paano mabibili ang methyl salicylate, menthol, at camphor?

Ang mga produkto na naglalaman ng mga sangkap na ito ay karaniwang mabibili sa mga sumusunod na dosage forms:

  • Aerosol spray
  • Balm
  • Body oil
  • Ointments
  • Creams
  • Gels
  • Lotions
  • Transdermal patches

Ano ang gagawin kung magkaroon ng emergency o overdose?

Ang overdose sa topical na produkto ay hindi kadalasang nangyayari. Kung sakaling malunok o malason ang produkto, tawagan ang iyong local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room. 

Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?

Kung nakalimutan ang dose, maglagay nito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at maglagay ng regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag maglagay ng doble.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Begesic https://www.mims.com/philippines/drug/info/begesic Accessed July 25, 2021

Methyl Salicylate https://www.knowyourotcs.org/ingredient/methyl-salicylate/ Accessed July 25, 2021

Menthol https://www.knowyourotcs.org/ingredient/menthol/ Accessed July 25, 2021

Efficacy and safety profile of a topical methyl salicylate and menthol patch in adult patients with mild to moderate muscle strain: a randomized, double-blind, parallel-group, placebo-controlled, multicenter study https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/20171409/ Accessed July 25, 2021

Topical Pain Relief: What Is It + How Does It Work? https://health.clevelandclinic.org/topical-pain-relief-what-is-it-and-how-does-it-work/ Accessed July 25, 2021

Camphor. Lexi-Drugs. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 25, 2021. http://online.lexi.com

Methyl Salicylate and Menthol. Lexicomp. Wolters Kluwer Health, Inc. Riverwoods, IL. Accessed July 25, 2021. http://online.lexi.com

Kasalukuyang Version

01/05/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Lorraine Bunag, R.N.


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement