backup og meta

Para Saan Ang Menthol? Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Para Saan Ang Menthol? Heto Ang Dapat Mong Tandaan

Mga Gamit Ng Menthol

Para saan ang menthol? Ang menthol ay isang sangkap na matatagpuan sa maraming topical at oral preparation. Bilang pampalasa, counterirritant, mild local anesthetic. Ginagamit ito para sa minor pain at sintomas ng sipon. Ang menthol ay isang compound nagmula sa mga halaman ng mint — tulad ng peppermint oil. Kabilang sa iba pang pinagmumulan ng menthol ang spearmint at corn mint.

Para Saan Ang Menthol: Paano Ito Nakukuha?

Dahil ang menthol ay available sa combination products. Dapat itong i-aplay ayon sa itinuro sa packaging.

Para Saan Ang Menthol: Topical Preparations (Hal. Mga Langis, Cream, Ointment):

Madalas na tanong kung para saan ang menthol at paano ito ginagamit. Una, maglagay ng manipis na layer ng produkto sa apektadong lugar. Dahan-dahang kuskusin ang balat. Para ma-absorb ang produkto. Pagkatapos, hugasang mabuti ang iyong kamay gamit ang sabon at tubig.

Bilang karagdagan, iwasang hawakan ang iyong mga mata, mucous membrane, o anumang bukas na sugat. Kung sakaling makapasok ang ilang produkto sa mga lugar na ito. Mabilis na banlawan ito ng malinis at umaagos na tubig.

Para Saan Ang Menthol: Oral Preparations (Hal. Mouthwashes, Langis, Lozenges):

Para saan ang menthol? Nagagamit din ba ito orally? Ang sagot ay “oo”. Ito ay nasa form ng mouthwash at toothpaste. Gumamit ng humigit-kumulang 20 ML ng solusyon o pea-sized amount ng mouthwash. Dahan-dahang i-swish at magmumog ng mouthwash solution sa loob ng 30 hanggang 60 segundo. Para sa toothpaste, dahan-dahang magsipilyo gamit ang toothbrush sa loob ng 2 minuto. Huwag lunukin.

Para sa mga lozenges, ilagay ang isang piraso sa’yong dila o pisngi. At hayaan itong matunaw nang dahan-dahan. Huwag kagatin o nguyain ang lozenge. Bilang karagdagan, iwasang bigyan ang mga bata ng lozenges. Dahil napagkakamalan nilang kendi ito at maaari silang mabulunan.

Para sa oils, maaaring kailanganin na paghaluin ang menthol sa isa pang liquid. Paghaluin at inumin ang solusyon ayon sa itinuro.

Proper Storage Conditions

I-istore sa room temperature — malayo dapat sa moisture at direktang sikat ng araw. Para maiwasan ang drug damage. Hindi mo ito dapat itabi sa banyo o sa freezer. Maaaring may iba’t ibang brand ang gamot. Na maaaring may iba’t ibang pangangailangan sa pag-iimbak. Samakatuwid, mahalagang laging suriin ang pakete ng produkto. Para sa instructions sa pag-iistore o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, dapat mong ilayo ang lahat ng gamot sa mga bata at alagang hayop.

Hindi mo ito dapat i-flush sa banyo o ibuhos ang mga ito sa kanal. Maliban kung naka-instruct gawin ito. Bukod pa rito, huwag gamitin ito kung nag-expire na. Kumonsulta sa’yong pharmacist para sa higit pang mga detalye. Tungkol sa kung paano ligtas na itapon ang iyong produkto.

Mga Pag-Iingat At Mga Babala

Ano ang dapat kong malaman kung para saan ang menthol at kanino?

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa’yong doktor kung ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso
  • Umiinom ng iba pang mga gamot
  • Nagkaroon na ba ng allergic reaction sa anumang gamot
  • Magkaroon ng anumang allergy sa sangkap na ginagamit o ginamit sa paghahanda
  • Sa kasalukuyan ay mayroong anumang mga hiwa o sugat

Mga Side Effect

Para saan ang menthol: Ano ang mga side effect ng menthol?

Ngayong alam na natin kung para saan ang menthol. Dapat nating alamin ang mga side effect nito. Tulad ng ibang mga gamot, ang gamot na ito ay maaaring may mga side effect. Gayunpaman, ang karamihan sa mga side effect ay hindi pangkaraniwan at kadalasang nalulutas pagkatapos mong ihinto ang pag-inom ng gamot.

Ang mga potensyal na epekto habang ginagamit ang gamot na ito ay kinabibilangan ng:

  • Iritasyon (ilong, mata, balat)
  • Pamumula ng balat
  • Burning sensation
  • Gastrointestinal disturbances (kapag tina-take bilang oral)

Hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Maaaring may ilang mga side effect na hindi nakalista sa itaas. Kung mayroon kang anumang mga alalahanin tungkol sa isang side effect. Mangyaring kumonsulta sa’yong doktor o pharmacist.

Para Saan Ang Menthol: Mga Interaksyon

Anong mga gamot ang maaaring makipag-interact sa menthol?

Ang gamot na ito ay maaaring makipag-interact sa iba pang mga gamot na siyang kasalukuyan iniinom. Maaaring magbago kung paano gumagana ang iyong gamot o dagdagan ang iyong risk. Para sa pagkakaroon ng malubhang epekto.

Upang maiwasan ang anumang potensyal na pakikipag-interact sa gamot. Dapat kang magtago ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit. Kabilang ang prescription drugs, nonprescription drugs, at mga produktong herbal. At ibahagi ito sa’yong doktor at pharmacist.

Para sa’yong kaligtasan, huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dosis ng anumang gamot nang walang pag-apruba ng iyong doktor.

Nakikipag-interact ba ang pagkain o alkohol sa menthol?

Ang Menthol ay maaaring makipag-interact sa pagkain o alkohol sa pamamagitan ng pagbabago sa paraan ng paggana ng gamot. O pagtaas ng risk para sa malubhang epekto. Mangyaring makipag-usap sa’yong doktor o pharmacist. Tungkol sa anumang potensyal na pakikipag-ugnayan sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.

Anong mga kondisyon sa kalusugan ang maaaring makipag-interact sa menthol?

Maaaring hindi angkop ang Menthol para sa mga taong may sensitibong balat o mga sugat. Ito ay maaaring lumala ang iyong kondisyon sa kalusugan. O baguhin ang paraan ng paggana ng gamot. Samakatuwid, mahalagang palaging ipaalam sa’yong doktor at pharmacist ang lahat ng mga kondisyong pangkalusugan na mayroon ka sa kasalukuyan.

Dosis

Ang impormasyong ibinigay ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Dapat kang LAGING kumunsulta sa’yong doktor o pharmacist bago gamitin ang gamot na ito.

Ano ang dosis para sa isang adult?

Para Sa Ubo

  • Menthol topical – oral lozenge:
    • Sore Throat: I-dissolve ang 1 drop nang dahan-dahan sa bibig tuwing 2 oras kung kinakailangan.
    • Ubo: I-dissolve ang 1 drop nang dahan-dahan sa bibig bawat oras kung kinakailangan.

Para Sa Pain

  • 2% gel, 2.5% gel, menthol topical 5% pad, 1.4% pad, at 1.25% pad.
  • 7% topical gel: I-aplay topically sa apektadong lugar 3 hanggang 4 na beses araw-araw.
  • 6% spray at 10% spray: I-spray topically sa apektadong lugar. Kung saan kinakailangan na hindi hihigit sa 4 na beses sa isang araw.

Para Sa Pruritus (Makating Balat)

  • 0.15% o 0.5% topical lotion: I-aplay topically sa apektadong lugar ng 3 hanggang 4 na beses araw-araw.

Ano ang dosis para sa isang bata?

Para Sa Ubo

  • Menthol topical – oral lozenge: 4 na taon o mas matanda:
  • Sore Throat: I-dissolve ang 1 drop nang dahan-dahan sa bibig tuwing 2 oras kung kinakailangan.
  • Ubo: I-dissolve ang 1 drop nang dahan-dahan sa bibig bawat oras kung kinakailangan.

Para Sa Pain

  • Menthol topical 1.4% pad, 1.25% pad, at menthol 7% topical gel:
    • 12 taong gulang o mas matanda: Ilapat nang topically sa apektadong lugar 3 hanggang 4 na beses araw-araw.
  • Menthol topical 5% pad:
    • 10 taon o mas matanda: I-aplay topically sa apektadong lugar 3 hanggang 4 na beses araw-araw.
  • Menthol topical 6% spray:
    • 13 taong gulang o mas matanda: I-spray topically sa apektadong lugar at kinakailangan na hindi hihigit sa 4 na beses sa isang araw.
  • Menthol topical 2% topical gel:
    • 2 taon o mas matanda: Ilapat topically sa apektadong lugar ng 3 hanggang 4 na beses araw-araw.
  • Menthol topical 2.5% topical gel:
    • 12 taong gulang o mas matanda: Ilapat topically sa apektadong lugar nang hindi hihigit sa 4 na beses araw-araw.

Para Sa Pruritus (Makating Balat)

  • 2 taon at mas matanda:
    • Menthol 0.15% o 0.5% topical lotion: Ipahid topically sa apektadong lugar ng 3 hanggang 4 na beses araw-araw.

Paano Available Ang Menthol?

Available ang Menthol sa mga sumusunod na form ng dosis at strenghts:

  • Ointment, Topical: 27 mg/g.
  • Lozenge, oral: 3 mg

Ano Ang Dapat Kong Gawin Sakaling Magkaroon Ng Emergency o Overdose?

Sa kaso ng isang emergency o loverdose. Tawagan ang iyong mga local emergency services o pumunta sa’yong pinakamalapit na emergency room.

Ano Ang Dapat Kong Gawin Kung Makaligtaan Ko Ang Isang Dosis?

Kung napalampas mo ang isang dosis. Take it as soon as possible. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa’yong susunod na dosis. Laktawan ang napalampas na dosis at kunin ang iyong regular na dosis ayon sa naka-iskedyul. Huwag kumuha ng dobleng dosis.

Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Menthol, https://www.mims.com/philippines/drug/info/menthol?mtype=generic, Accessed January 25, 2021

Peppermint oil, https://www.mims.com/philippines/drug/info/peppermint%20oil?mtype=generic, Accessed January 25, 2021

Kasalukuyang Version

11/17/2022

Isinulat ni Lornalyn Austria

Sinuri ang mga impormasyon ni Jan Alwyn Batara

In-update ni: Vincent Sales


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jan Alwyn Batara


Isinulat ni Lornalyn Austria · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement