Paraan ng Paggamit
Para saan ang Hydrite?
Para saan ang Hydrite? Ang gamot na ito ay ginagamit na panlunas sa mga bata at matanda na dehydrated dahil sa diarrhea (maliban sa mga may malalang dehydration). Pinapalitan nito ang fluid at electrolytes (body salts) na nawala dahil sa diarrhea at/o pagsusuka.
Paano ko ikokonsumo ang Hydrite?
Una, tukuyin ang lebel ng dehydration ng pasyente. Maaari mong tingnan ang leaflet sa packaging para sa chart. Kung siya ay may malalang dehydration, komunsulta sa doktor o magtungo sa emergency room.
Sunod, buksan ang sachet at tunawin ang granules sa tamang dami ng malinis na tubig. Muli, tingnan ang panuto sa pagkaging upang malaman kung gaano karaming sachet at dami ng tubig ang gagamitin.
Karagdagan, huwag gumamit ng ibang inumin tulad ng tsaa, soda, gatas, o fruit juice. Ang caffeine, sodium, at sugar content ng mga inumin na ito ay magpapalala sa dehydration.
Panghuli, siguraduhin na ang buong baso ng tubig na naihalo sa granules ay maubos. Maaari kang maghanda ng malaking container at itabi ito sa refrigerator ng 24 na oras. Itapon ang mga natitiring granules o solution.
Tamang Pagtatago ng Gamot
Itago ang produktong ito sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o sa freezer. Maaaring may ibang brand ng ganitong gamot na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang product package para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.
Huwag itong i-flush sa inidoro o itapon sa drain maliban kung sinabihan na gawin. Karagdagan, huwag itong gamitin kung expired. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.
Pag-Iingat at Babala
Para saan ang hydrite? Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Hydrite?
Bago gumamit ng produktong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Gumagamit ng iba pang gamot
- May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito
- May karamdaman, disorders o medikal na kondisyon
- Patuloy na lumalala ang diarrhea o pagkawala ng tubig sa katawan
Ligtas ba ito habang buntis o nagpapasuso?
Walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng Hydrite habang nagbubuntis at nagpapasuso. Kaya’t laging konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang potensyal na benepisyo at banta bago uminom ng gamot na ito.
Side Effects
Ano ang side effects ng Hydrite?
Walang inaasahang side effects mula rito kung ang nirekomendang dilution at volume ng solution ay masusunod. Gayunpaman, ipaalam sa iyong doktor kung nakaranas ng hindi komportableng side effects. Kung may mga katanungan tungkol sa side effects, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Hydrite?
Ang Hydrite at iba pang oral rehydration salt solutions ay hindi inaasahan na magkaroon ng interaction sa gamot. Gayunpaman, ipaalam sa iyong doktor o pharmacist ang tungkol sa kahit na anong gamot na iniinom.
Ang pagkain o alak ba ay may interaction sa Hydrite?
Walang naitalang pagkain na may interaction sa Hydrite. Gayunpaman, kailangan na iwasan ang alak dahil nagpapawala ito ng tubig sa katawan at nagpapalala ng dehydration. Talakayin sa iyong doktor o pharmacist ang mga potensyal na pagkain o alcohol interactions bago gumamit ng gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Hydrite?
Maaaring mag-interact ang Hydrite sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction na ito ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o baguhin ang bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging sabihin sa iyong doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan.
Ang mga kondisyon sa kalusugan na maaaring mangyari sa gamot na ito ay:
- Allergy sa phenylalanine
- Congestive heart failure
- Malalang dehydration
- Kondisyon na makaaapekto sa pag-absorb ng glucose
Dosage
Ang ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. LAGING komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Upang Maiwasan ang Dehydration (Planong Panlunas A):
Tunawin ang isang sachet sa isang baso (200 mL) ng malinis na tubig. Magbigay ng maraming tubig sa bata o matanda kung nais pa hanggang sa tumigil ang diarrhea at pagsusuka.
Upang Maiwasan ang Dehydration (Planong Panlunas B): Upang Mapalitan ang Mild hanggang Moderate na Pagkawala ng Tubig
Tunawin ang isang sachet sa kada baso (200 mL) ng iniinom na tubig.
Ano ang dose para sa bata?
Tingnan ang dose at panuto para sa matanda.
Paano nabibili ang Hydrite?
Ang Hydrite ay nabibili sa mga sumusunod na dose at tapang:
- Granules para sa solution, ang kada sachet ay naglalaman ng: sodium chloride 520 mg, trisodium citrate dihydrate 580 mg, potassium chloride 300 mg, glucose, anhydrous 2.7 g
Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?
Kung nangyari ang emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.