Ang Enervon-C ay karaniwang ginagamit na pampataas ng lebel ng enerhiya, pampalakas ng immune system, at lunas para sa kakulangan sa bitamina B (hal. anemia) at kakulangan sa bitamina C. Alamin dito kung para saan ang Enervon-C.
Para saan ang Enervon-C? Alamin ang basics
Paano ko iinumin ang Enervon-C?
Kailangan mong inumin ang Enervon-C kasama ng meals para sa mas mainam na absorption o kung nakaramdam ng sakit sa gastrointestinal. Ang supplement na ito ay hindi pamalit sa mga pagkain at proper meals.
Paano ko itatago ang Enervon-C?
Ang Enervon-C ay mainam na itago sa temperatura ng isang kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag mong itago ang Enervon-C sa banyo o freezer. Maaaring may ibang brand ng Enervon-C na maaaring may ibang kinakailangan paraan ng storage. Mahalaga na tingnan ang package ng produkto para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan. Kailangan mong itabi ang iyong mga gamot malayo sa iyong mga anak at mga alagang hayop.
Huwag mo ring i-flush ang Enervon-C sa inidoro o itapon ito sa drain maliban na lang kung sinabihan na gawin. Mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung ito ay expired o hindi na kailangan. Kunsultahin ang iyong pharmacist para sa maraming detalye tungkol sa ligtas na pagtapon ng produkto.
Para saan ang Enervon-C? Alamin ang mga pag-iingat at babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Enervon-C
- Huwag inumin ng higit na beses ang gamot na ito mula sa label o inireseta ng doktor.
- Tanungin ang iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng Enervon-C kung ikaw ay may ibang medikal na kondisyon o allergies.
- Ang kinakailangan mong dose ay maaaring iba habang nagbubuntis. Huwag inumin ang gamot nang hindi sinasabi sa iyong doktor na ikaw ay buntis o nagpaplano na mabuntis
Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Walang sapat na impormasyon sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso. Ang supplement na ito ay ligtas na inumin habang buntis at nagpapasuso sa normal na doses. Pakiusap na laging kunsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang potensyal na benepisyo at banta bago ikonsumo ang gamot na ito.
Para saan ang Enervon-C? Alamin ang side effects
Ano ang side effects na maaaring makuha mula sa Enervon-C?
Ang produkto na ito ay bihira na mag sanhi side effects. Gayunpaman, ang ilang side effects matapos ang pagkonsumo ng maraming doses at matagal na paggamit ay:
- Paresthesia
- Hyperesthesia
- Sakit sa mga buto
- Panghihina ng mga muscles
- Spasms o twitching
- Manhid o tingling
- Allergic reactions
Hindi lahat ay nakararanas ng mga side effects na ito. Karagdagan, maaaring may mga side effects na hindi nakalista sa itaas. Kung may mga tanong pa tungkol sa side effect, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Para saan ang Enervon-C? Alamin ang interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Enervon-C?
Ang Enervon-C ay maaaring mag-interact sa iba pang mga gamot na kasalukuyang iniinom, na maaaring baguhin ang bisa ng iyong gamot at pataasin ang banta ng seryong side effects. Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interactions sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang ang mga nireseta, hindi nireseta, at ang mga herbal na produkto) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist. Para sa iyong kaligtasan, huwag magsimula, huminto o magbago ng dosage ng kahit na anong gamot nang walang pahintulot ng iyong doktor.
Ilang mga gamot na maaaring mag-interact sa produktong ito:
- Levodopa
- Methotrexate
- Phenytoin
- Statins
Ang mga pagkain ba at alak ay maaaring mag-interact sa Enervon-C?
Ang Enervon-C ay maaaring mag-interact sa pagkain at alak sa pagbabago ng bisa ng gamot o pagtaas ng banta ng seryosong side effects. Nakatutulong ang pagkain sa absorption ng Enervon-C at kailangan na ikonsumo kasama ng pagkain. Pakiusap na talakayin ang mga potensyal na pagkain o alak na interactions sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Enervon-C?
Ang Enervon-C ay maaaring mag-interact sa iyong kondisyon sa kalusugan. Maaaring lumala ang interaction sa iyong kalusugan o baguhin ang bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging ipaalam sa iyong doktor at pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan.
Para saan ang Enervon-C? Unawain ang dosage
Ang impormasyon na ibinigay ay hindi kapalait para sa kahit na anong medikal na payo. LAGING komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng Enervon-C.
Ano ang dose para sa matanda?
- Orally, isang tableta araw-araw o kung anong panuto ng doktor
Ano ang dose para sa bata?
Edad 1-3: 2.5-5 ml ng syrup kada araw matapos kumain
Edad 4-12: 5 ml ng syrup kada araw matapos kumain
Para saan ang Enervon-C? Paano nabibili ang Enervon-C?
Ang Enervon-C ay mabibili sa mga sumusunod na porma ng dosage at tapang:
- Caplet: vitamin B1 50mg, vitamin B2 20mg, vitamin B6 5mg, vitamin B12 mcg, vitamin B3 niacinamide 50 mg, Ca pantothenate 20 mg, vitamin C 500 mg.
- Syrup: 60 mL, 120 mL, 250 mL, 500 mL
Ano ang gagawin kung magkaroon ng emergency o overdose?
Kung nangyari ang emergency o overdose, tawagan ang emergency service o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung sakaling nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at uminom ng regular na dose batay sa schedule. Huwag uminom ng dalawang dose.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.