Ang drapolene ay pangalan ng brand ng diaper rash na produkto. Ito ay naglalaman ng benzalkonium chloride at cetrimide. Maaari din itong magamit ng mga matanda upang mawala ang sintomas ng urinary dermatitis.
Mga Gamit
Para saan ang Drapolene?
- Diaper rash
- Urinary dermatitis
- Minor burns at sugat
Paano ko gagamitin ang Drapolene?
Basahin ang panuto sa packaging para sa kumpletong impormasyon. Tingnan ang label at expiration date.
Para sa topical na paghahanda, maglagay ng manipis na layer sa apektadong mga bahagi. Hugasan nang maigi ang iyong kamay matapos gamitin ang produkto. Iwasan ang contact sa mga mata, nostrils, at bibig.
Paano ko itatago ang Drapolene?
Itago ang produkto sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ng gamot na ito na may ibang paraan ng storage. Kaya’t mahalaga na laging tingnan ang package ng produkto para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.
Huwag i-flush ang produktong ito sa inidoro o itapon ito sa drain maliban na lamang kung sinabihan na gawin. Karagdagan, mahalaga na maayos na itapon ang produkto kung expired o hindi na kailangan. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na paraan ng pagtatapon ng iyong produkto.
Para saan ang Drapolene: Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Drapolene?
Bago gamitin ang produktong ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Buntis o nagpapasuso
- Gumagamit ng ibang mga gamot. Kabilang dito ang nireseta, OTC, at halamang gamot
- May allergy sa kahit na anong sangkap ng produktong ito
- May ibang karamdaman, disorders, o medikal na kondisyon
Ligtas ba ito habang nagbubuntis o nagpapasuso?
Sa kasamaang palad, walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng gamot na ito habang nagbubuntis at nagpapasuso. Gayunpaman, ito ay ligtas na ikonsumo. Pakiusap na konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang mga potensyal na benepisyo at banta bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Side Effects
Ano ang side effects sa Drapolene?
Tulad ng lahat ng gamot, ang produktong ito ay may side effects. Kung nangyari ito, ang side effects ay pangkaraniwan na mild at masosolusyonan kung natapos na ang paggamot o nabawasan ang dose. Ang ilang mga naiulat na side effects ay:
- Burning
- Pangangati
- Contact dermatitis
Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng side effects. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng ibang side effects. Kaya’t kung may ibang tanong tungkol sa side effects, pakiusap na konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Drapolene?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang ginagamit, na maaaring magpabago ng bisa o magpataas ng banta ng seryosong side effects.
Upang maiwasan ang potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na ang niresetang gamot, hindi inireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist.
Ang pagkain o alak ba ay maaaring mag-interact sa Drapolene?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagpapataas ng banta ng seryosong side effects. Pakiusap na talakayin ang kahit na anong potensyal na pagkain o alcohol interactions bago gamitin ang gamot na ito.
Anong kondisyon sa kalusugan ang maaaring mag-interact sa Drapolene?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa kasalukuyang kondisyon. Ang interaction ay maaaring magpalala ng iyong kondisyon sa kalusugan o magpabago ng bisa ng gamot. Kaya’t mahalaga na laging ipaalam sa doktor o pharmacist ang kasalukuyang kondisyon sa kalusugan.
Para Saan ang Drapolene: Dosage
Ang impormasyon na ibinigay ay hindi kapalit ng kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
Hugasan at patuyuin ang apektadong bahagi bago maglagay ng cream. Maglagay ng manipis na layer ng cream sa apektadong mga bahagi, maraming beses sa isang araw. Maglagay muli kung kailangan.
Ano ang dose ng Drapolene para sa bata?
Basain at patuyuin ang apektadong bahagi bago maglagay ng cream. Maglagay ng manipis na layer ng cream sa apektadong mga bahagi kada pagpapalit ng diaper. Siguraduhin na maglagay sa pagitan ng folds ng balat.
Paano nabibili ang Drapolene?
Ang drapolene ay mabibili sa dosage form at tapang na:
- Topical cream, ang bawat gram ay naglalaman ng benzalkonium chloride 100 mcg at cetrimide 2 mg (0.01% at 0.2% w/w)
Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?
Ang overdose ay hindi karaniwang nangyayari sa topical na paghahanda. Gayunpaman, kung sakaling aksidenteng nalunok o nagkaroon ng malalang interaction, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang dose, lagyan ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa sunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at gawin ito nang regular ayon sa schedule. Huwag mag doble ng dose.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.