Ang Antiox ay pangalan ng brand ng mebendazole. Para saan ang Antiox? Ito ay isang anthelmintic o deworming agent. Maaaring inumin ang mebendazole upang lunasan at maiwasan (prophylaxis) ang iba’t ibang bulate sa tiyan (intestinal worm infestations) sa mga matanda at bata.
Para Saan Ang Antiox? Mga Gamit
Para saan ang Antiox?
- Upang maiwasan ang mga bulate sa katawan na lumaki o dumami
- Panggamot sa infections na sanhi ng mga bulate tulad ng whipworm, pinworm, roundworm, at hookworm.
Paano ko iinumin ang Antiox?
Ang Antiox ay formulated sa oral dosage na form tulad ng tableta at suspension. Kung ikaw ay umiinom ng tableta, nguyain itong mabuti at lunukin. Sundan ito ng isang basong tubig.
Kung ikaw ay umiinom ng oral suspension, sundin ang panuto sa package upang i-dilute ang produkto. Gumamit lamang ng malinis na tubig. Alugin nang mabuti ang bote upang ganap na mahalo ang content. Gumamit ng medical-grade measuring cup para sa dose, dahil ang mga kutsara ay hindi eksakto.
Tamang pagtatago ng gamot
Itago ang produktong ito sa temperatura ng kwarto malayo sa direktang init at moisture. Upang maiwasan ang pinsala sa gamot, huwag itong itago sa banyo o sa freezer. Maaaring may ibang brand ng mebendazole na may ibang paraan ng storage. Mahalaga na laging tingnan ang product package para sa panuto sa storage, o tanungin ang iyong pharmacist. Para sa kaligtasan, ilayo ang mga gamot sa mga bata at alagang hayop.
Huwag itong i-flush sa inidoro o itapon sa drain maliban kung sinabihan na gawin. Karagdagan, huwag itong gamitin kung expired. Konsultahin ang iyong pharmacist para sa mas marami pang detalye tungkol sa ligtas na pagtatapon ng produkto.
Side Effects
Ano ang side effects ng Antiox?
Tulad ng lahat ng gamot, ang Antiox ay may side effects. Kadalasan ang side effects ay may kaugnayan sa dose. Nasosolusyonan ito pagkatapos ng paggamot o kung mabawasan ang dose. Gayunpaman, mahalaga na laging komunsulta sa iyong doktor kung ikaw ay nagkakaroon ng problema matapos uminom nito.
Ang ilang mga naiulat na side effects ay:
- Sakit sa tiyan at discomfort
- Diarrhea
- Flatulence (gas)
- Bawas sa gana ng pagkain (anorexia)
- Skin rash
- Sakit sa ulo
- Pagkahilo
- Pinsala sa atay
Gayunpaman, hindi lahat ay nakararanas ng side effects na ito. Karagdagan, ang ilang mga tao ay maaaring maranasan ang ibang mga side effects. Kaya’t kung may mga tanong pa tungkol sa side effect, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.
Pag-Iingat At Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Antiox?
Bago gumamit ng Antiox, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay:
- Nagkaroon ng allergy sa Antiox o mebendazole
- May allergy sa ibang substance (hal. gamot, dyes, iba pang sangkap)
- May karamdaman tulad ng Crohn’s disease, sakit sa atay o ulcerative colitis
Ligtas ba ang produktong ito habang buntis o nagpapasuso?
Walang sapat na impormasyon upang matukoy sa mga babae ang banta ng paggamit ng Antiox habang nagbubuntis at nagpapasuso. Gayunpaman, ang mebendazole ay nagpakita ng embryotoxic at teratogenic activity sa mga daga at bubwit sa isang oral dose. Kaya’t laging konsultahin ang iyong doktor upang timbangin ang potensyal na benepisyo at banta bago gumamit ng kahit na anong gamot. Hindi pa alam kung ang mebendazole ay naipapasa sa pagpapasuso at kung paano maapektuhan ang sanggol. Huwag uminom ng mebendazole nang hindi kumokonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay nagpapasuso ng sanggol.
Ang Antiox ay may pregnancy risk category C ayon sa US Food and Drug Administration (FDA).
Nasa ibaba ang sanggunian ng FDA pregnancy risk:
- A= No risk
- B= No risk in some studies
- C= There may be some risk
- D= Positive evidence of risk
- X= Contraindicated
- N= Unknown
Interactions
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Antiox?
Ang gamot na ito ay maaaring mag-interact sa ibang mga gamot na kasalukuyang iniinom. Makaapekto ito sa bisa o magpapataas sa banta ng seryosong side effects. Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, maglista ng mga gamot na ginagamit (kabilang na rito ang nireseta, hindi nireseta, at halamang gamot) at sabihin ito sa iyong doktor o pharmacist. Para sa iyong kaligtasan, huwag magsimula, huminto, o magbago ng dosage ng kahit na anong gamot nang walang payo ng doktor.
Ang pagkain o alak ba ay may interaction sa Antiox?
Ang Antiox ay maaaring mag-interact sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago ng bisa ng gamot o pagtaas ng banta ng seryosong side effects. Pakiusap na talakayin sa iyong doktor o pharmacist ang mga potensyal na pagkain o alcohol interaction bago gumamit ng gamot na ito.
Dosage
Ang ibinigay na impormasyon ay hindi pamalit sa kahit na anong medikal na payo. Kaya’t laging komunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng kahit na anong gamot.
Ano ang dose para sa matanda?
1-dose na lunas: uminom ng 500 mg, isang dose
3 araw na lunas: uminom ng 100 mg, dalawang beses kada araw (sa umaga at sa gabi), para sa tatlong sunod-sunod na araw
Ano ang dose para sa bata?
Para sa mga bata na 2 taon at mas matanda, magbigay ng parehong dose gaya sa matanda.
Para sa mga bata na mas bata ang edad sa 1 taon ay hindi pa tiyak ang dose. Kaya’t kumonsulta sa iyong pediatrician para sa tamang dosage.
Paano nabibili ang Antiox?
Ang antiox ay nabibili sa mga sumusunod na dose at tapang:
- Chewable tablet (chocolate flavor) 500 mg
- Oral suspension 50 mg/mL in a 10 mL bottle
- Oral suspension (chocolate flavor) 20 mg/mL in a 30 mL bottle
Ano ang gagawin kung nagkaroon ng emergency o overdose?
Kung nangyari ang emergency o overdose, tawagan ang local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Kabilang sa mga sintomas ng overdose ay:
Ano ang gagawin kung nakalimutan ang dose?
Kung nakalimutan ang isang dose, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose, hayaan ang nakalimutan na dose at inumin ang regular na dose gaya ng nasa schedule. Huwag magdoble ng dose.
Matuto pa tungkol sa Drugs at Supplements dito.