backup og meta

Ketobest: Para Saan Ang Gamot Na Ito, At Kailan Ito Dapat Inumin?

Ketobest: Para Saan Ang Gamot Na Ito, At Kailan Ito Dapat Inumin?

Bawat gamot ay ginawa upang makatulong sa mga sakit na nararanasan ng isang tao. Gayundin, bawat iniinom natin ay may naibubunga sa ating katawan kaya mahalagang alam natin ang naidudulot nito bago inumin. Isa sa mga gamot ay ang ketobest. Para saan nga ba ang gamot na ito?

Ang ketobest ay gamot na naglalaman ng ketoanalogues at mahalagang amino acid. Hinahayaan nito ang paggamit ng mahahalagang amino acids habang pinalilit ang paggamit ng amino-nitrogen. Kinukuha nito ang nitrogen mula sa mga hindi mahahalagang amino acid upang mabawasan ang pagbuo ng urea sa pamamagitan ng muling paggamit ng amino.

Nababawasan ang paggamit ng nitrogen habang iniiwasan ang masasamang resulta ng hindi sapat na paggamit ng protina sa pagkain at malnutrisyon, kung ang ketobest ay kasabay ng diet na may mababang protina.

Wastong Pag-inom ng Ketobest

  • Ang mga nasa hustong gulang ay iinom ng 4-8 na tablet tatlong beses sa isang araw habang kumakain maliban kung inireseta ng doktor. Lunukin ito nang buo.
  • Ibinibigay ang ketobest hanggat ang GFR ay <25 mL/min at sinusunod ang diet na may maximum na 40 g na protina kada araw para sa mga matatanda.
  • Huwag uminom ng mga gamot kasabay ng ketobest na bumubuo ng mga natutunaw na compound na may calcium tulad ng tetracyclines, quinolones, ciprofloxacin at norfloxacin, iron-fluoride at estramustin. Kung hindi maiiwasan ang pag-inom ng mga nabanggit, kinakailangang lumipas muna ang hindi bababa sa 2 oras.
  • Kailangang inumin ang ketobest na may laman ang tiyan upang maging wasto ang pagsipsip ng amino acid.
  • Ang antas ng serum calcium ay dapat regular na subaybayan. Tiyakin na sapat ang suplay ng mga calorie.
  • Alamin kung ikaw ay allergic sa ketobest bago uminom nito.
  • Mabuting kumausap muna ng doktor bago uminom nito kung ikaw ay buntis o nagpapadede ng sanggol.
  • Alamin kung kailan dapat ihinto ang pag-inom nito.
  • Iwasan ang pag-inom ng alak kasabay ng pag-inom nito.
  • Palaging sabihin sa iyong doktor ang mga nararanasan habang umiinom ng ketobest.

Epekto ng Pag-inom ng Ketobest

  • Tumataas na antas ng calcium
  • Pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Pagtatae
  • Pananakit ng tiyan

Ang mga nabanggit na epekto ng pag-inom ng ketobest ay hindi naman nangangailangan ng medikal na atensyon at unti-unti itong mawawala. Gayunpaman, kung iyong naoobserbahan na patuloy mo itong nararanasan sa mahabang panahon, mabuting kumonsulta kaagad sa iyong doktor.

Alpha Ketoanalogue

Ang alpha ketoanalogue ay kabilang sa klase ng gamot na tinatawag na nutritional o dietary supplements. Ginagamit ito sa paggamot ng Chronic Kidney Disease (CKD). Ito ay sakit sa bato kung saan ang mga bato ay hindi gumagana ayon sa dapat nitong nagagawa. Kadalasan nitong sanhi ang iba’t ibang kondisyon tulad ng mataas na presyon ng dugo, diabetes, mataas na kolesterol, impeksyon sa bato, mga kidney stone na bumabalik lamang, o regular na paggamit ng ilang mga gamot tulad ng lithium at non-steroidal anti-inflammatory drugs.

Gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan ng pagpigil sa hindi kinakailangang pagtaas ng mga antas ng urea sa ating dugo sanhi ng paggamit ng hindi mahalagang amino acid sa mga pasyente ng kidney failure.

Key Takeaways

  • Ang Ketobest ay tumutulong sa pagbabawas ng pagbuo ng urea sa pamamagitan ng paggamit ng amino acid.
  • Mayroon din uri ito na alpha ketoanalogue, na ginagamit panggamot sa mga taong may Chronic Kidney Disease.
  • Mainam na inumin ang ketobest kasabay ng diet na may mababang protina sapagkat nakatutulong ito na mapabagal pag-unlad ng sakit sa bato.
  • Mahalagang ilagay ang ketobest sa isang malamig at tuyong lugar na hindi direktang nasisikatan ng araw.
  • Ang mga nabanggit sa artikulong ito ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo, diagnosis at panggamot.
  • Mahalagang kumonsulta sa iyong doktor bago uminom ng gamot upang mabigyan nang wastong dosage.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Ketobest

https://www.mims.com/philippines/drug/info/ketobest?type=full

Accessed August 2, 2022

The Effect of Ketoanalogues on Chronic Kidney Disease Deterioration: A Meta-Analysis

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC6566830/

Accessed August 2, 2022

Ketobest

https://pillintrip.com/medicine/ketobest

Accessed August 2, 2022

Ketobest Uses

https://www.ndrugs.com/?s=ketobest

Accessed August 2, 2022

Alpha Ketoanalogue

https://www.apollopharmacy.in/salt/ALPHA%20KETOANALOGUE

Accessed August 2, 2022

Kasalukuyang Version

05/25/2023

Isinulat ni Marenila Bungabong

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Marenila Bungabong · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement