Maging totoo ka: gaano kadalas ka uminom ng pain relievers, tulad ng non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs)? Kung nararamdaman mong masyado kang nagre-rely sa mga gamot na ito, basahin ito. Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang tungkol sa epekto ng NSAID sa pangmatagalang gamit.
Ano ang NSAIDs?
Ang NSAIDs, na non-steroidal anti-inflammatory drugs, ay ginagamit ng karamihan upang mawala ang sakit, mapababa ang lagnat, at mabawasan ang pamamaga.
Maraming mga brand ng NSAIDs na mabibili bilang over the counter. Ibig sabihin, hindi na kailangan ng reseta ng doktor upang bumili nito. Halimbawa ng OTC ay:
- Ibuprofen
- Mefenamic acid
- High-dose aspirin
Karamihan ng mga kaso, ang mga tao ay karaniwang gumagamit ng painkillers upang mawala ang sakit sa likod, sakit sa ulo, sakit sa ngipin, menstrual cramps, at muscle pain.
Gayunpaman, may mga pagkakataon na nagre-rely na sila rito; kung gumamit sila ng gamot sa unang sintomas. Ngunit ito ba ay ligtas? Ano ang epekto ng NSAID?
Karaniwang side-effects ng paggamit ng NSAID
Bagaman ang mga gamot na ito ay nagtatanggal ng sakit mula sa pamamaga, lagnat, at sakit, sumang-ayon ang mga eksperto na may kasama itong side-effects.
Ang epekto ng NSAID na ito ay kabilang ang gastrointestinal na sintomas tulad ng indigestion, sakit sa tiyan, pagkahilo, at pagtatae. Maaaring humantong din ang NSAIDs sa dizziness, salt at fluid retention, at drowsiness.
Nakababahala, ang pangmatagalan paggamit ng NSAID dahil maaaring magresulta sa mas malalang side effects tulad ng:
Hypertension
Ayon sa mga pag-uulat na lahat ng NSAIDs, sa doses ay nagtatanggal ng sakit at pamamaga, at nakapagpapataas ng blood pressure sa mga tao na may normal na BP at mga may kasalukuyang hypertensive na kondisyon.
Karagdagan, ang painkillers na ito ay nakababawas ng epekto ng mga BP-lowering na gamot maliban sa calcium-channel blockers.
Nakapagpapataas ng banta ng atake sa puso at stroke
Binalaan din ng mga health authority ang publiko na lahat ng NSAIDs, maliban sa aspirin, ay nakapagpapataas ng banta ng stroke at sakit sa puso.
Nabanggit din nila na ang patuloy na pagtaas ng banta ay maaaring mangyari sa unang mga linggo gamit ang painkillers. Karagdagan, mas matagal na paggamit nito at mas mataas ang konsumo ng dose, mas mataas din ang banta nito.
Nakapipinsala sa mga bato
Isa sa mga inaalalang side effects na pangmatagalang gamit ng NSAID ay ang pinsala sa bato. Ayon sa mga eksperto, ang pangmatagalan at maraming paggamit ng pain relievers na ito ay maaaring maging sanhi ng chronic kidney diseases kahit na sa mga tao na may normal na function ng bato.
Para sa rason na ito, pinapayuhan ang mga pasyente na may problema sa kidney na huminto sa paggamit ng NSAIDs maliban na lamang kung tinalakay muna nila ito sa kanilang doktor.
Pagbalik ng sakit ng ulo
Kabalintunaan man, ang NSAIDs ay maaaring magpabalik ng sakit ng ulo.
Ang pagbalik ng sakit ng ulo o labis na paggamit ng gamot ay nangyayari dahil sa sobrang pagkonsumo ng gamot na ito.
Sa isang pag-uulat, nabanggit na ang mga taong may migraine na gumagamit ng gamot tulad ng naproxen at ibuprofen sa humigit na 15 araw kada buwan ay may banta ng pagkakaroon ng pagbalik ng sakit ng ulo.
Ulcers at pagdurugo
Sa huli, ang pangmatagalang paggamit ng NSAID ay maaaring humantong sa peptic ulcers at pagdurugo.
Sa isang pag-aaral, nabanggit ng mga mananaliksik na ang chronic users ng gamot ay may nakikitang pinsala sa kanilang bituka at pagtaas ng banta sa pagdurugo.
Isa pang pag-uulat na nabanggit na 1% ng mga kalahok na gumamit ng NSAIDs ng 3 hanggang 6 na buwan ay nakaranas ng stomach ulcers, perforation, at pagdurugo. Tumataas ang percentage sa mga kalahok na gumagamit ng gamot sa isang buong taon.
Paano ligtas na gumamit ng NSAID
Ang pinaka mainam na paraan upang ligtas na gumamit ng NSAID ay konsultahin muna ang iyong doktor. Lalo na kung nag-aalala ka tungkol sa side effects sa pangmatagalang paggamit nito.
Kung nais mong gumamit nito nang walang reseta o payo ng doktor, laging gumamit ng pinakamababang posibleng dose sa pinaka maikling panahon.
Para sa lagnat, huwag gumamit ng NSAIDs ng higit sa 3 araw. Para sa sakit, pakiusap na huwag gumamit nito ng higit sa 10 araw. Ang kaisa-isang beses na lalagpas ka sa araw ay kung nagbigay ng tiyak na panuto ang doktor sa kung gaano katagal mo iinumin ang gamot.
Pamalit sa NSAIDs
May mga side effects ang pangmatagalang paggamit ng NSAID. Ikonsidera muna ang mga sumusunod na pamalit bago kumonsumo ng painkiller:
- Init, kung ito man ay mula sa hot compress o hot shower.
- Cold compress
- Yoga o ibang stretching na ehersisyo
Sa huli, para sa pagtanggal ng sakit, ikonsidera muna ang paglalagay ng creams, oils, o gels. Sa maraming mga pagkakataon, nagiging mabisa ang mga ito.
Matuto pa tungkol sa Gamot at Supplements dito.