backup og meta

Diprospan: Para Saan ang Gamot na Ito?

Ang Diprospan ang brand name ng kombinasyon ng betamethasone dipropionate at betamethasone sodium phosphate. Ang betamethasone ay isang corticosteroid na gamot. 

Mga Gamit

Para Saan ang Diprospan?

Ginagamit ang diprospan sa paggamot ng acute at chronic corticosteroid-responsive disorders, tulad ng:

  • Mga kondisyon sa musculoskeletal at soft tissue kasama ang rheumatoid arthritis, osteoarthritis, bursitis, ankylosing spondylitis, epicondylitis, radiculitis, coccydynia, sciatica, lumbago, torticollis, ganglion cyst, exostosis at fasciitis.
  • Mga kondisyon tulad ng chronic bronchial asthma (adjunctive therapy para sa status asthmaticus), hay fever, angioneurotic edema, allergic bronchitis, seasonal o perennial allergic rhinitis, drug reactions, serum sickness at mga kagat ng insekto.
  • Mga kondisyon sa balat kabilang ang atopic dermatitis (nummular eczema), neurodermatitis (circumscribed lichen simplex), contact dermatitis, malubhang solar dermatitis, urticaria, hypertrophic lichen planus, necrobiosis lipoidica diabeticorum, alopecia areata, discoid lupus erythematosus, psoriasis, keloids, pemphigus, dermatitis herpetiformis at cystic acne
  • Mga sakit sa collagen kabilang ang disseminated lupus erythematosus, scleroderma, dermatomyositis and periarteritis nodosa
  • Neoplastic na mga sakit kabilang ang palliative management ng mga leukemia at lymphomas sa matatanda at acute leukemia sa mga bata
  • Iba pang kondisyon kabilang ang adrenogenital syndrome, ulcerative colitis, regional ileitis, sprue, podiatric conditions (bursitis sa ilalim ng heloma durum, hallux rigidus, digiti quinti varus), kondisyon na nangangailangan ng subconjunctival injection, corticosteroid-responsive blood dyscrasias, nephritis at nephrotic syndrome

Para Saan ang Diprospan: Paano Ko Dapat Gamitin ang Diprospan?

Inirerekomenda ang diprospan para sa IM injection sa mga kondisyong tumutugon sa systemic corticosteroids.

Para Saan ang Diprospan: Paano dapat mag-imbak ng Diprospan?

Pinakamagandang iimbak ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o sa freezer.

Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruksyon. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.

Para Saan ang Diprospan: Mga Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Diprospan?

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang/ikaw ay:

  • Buntis o nagpapasuso
  • May iniinom na iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang inireseta, over-the-counter (OTC), at herbal na remedyo
  • May allergy sa anumang sangkap ng produktong ito
  • May iba pang karamdaman, disorders, o kondisyong medikal

Bukod dyan, may espesyal na pag-iingat na dapat tandaan:

  • Ang diprospan ay hindi puwedeng ipadaan sa ugat (intravenous) o sa taba (subcutaneous). Mahigpit at malinis na teknik ang kailangan sa paggamit nito.
  • Kung posible, dapat na lumipat sa oral corticosteroid therapy ang mga pasyente
  • Huwag kailan mang biglaang huminto sa corticosteroid therapy. Maaari itong maging sanhi ng withdrawal o adrenal insufficiency.
  • Dahan-dahang bawasan ang dose patungo sa pagtatapos ng gamutan.
  • Kayang pigilan ng corticosteroids ang immune system, kaya’t pinakamainam na lubusang palakasin ang resistensya at iwasan ang hindi kinakailangang exposure. Maaaring magkaroon ng opportunistic infection habang gumagamit ng corticosteroids. 

Ligtas ba ito para sa mga buntis at nagpapasuso?

Wala pang sapat na impormasyon tungkol sa ligtas na paggamit ng gamot na ito sa mga buntis at nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa inyong doktor upang matimbang ang potensiyal na benepisyo nito at panganib bago gamitin ang anumang gamot.

Ang mga sanggol na ipinanganak ng mga nanay na tumanggap ng sapat na doses ng corticosteroids habang nagbubuntis ay kailangang maobserbahang mabuti para sa mga senyales ng hypoadrenalism.

Para Saan ang Diprospan: Mga Side Effect

Ano ang mga side effect na puwedeng mangyari sa paggamit ng Diprospan?

Gaya ng lahat ng gamot, maaaring may side effect ang produktong ito. Kung mangyari ang mga ito, kadalasang mild lamang ang side effect at nawawala rin sa oras na matapos na ang gamutan o kapag binabaan ang dose. Ilan sa mga naiulat na side effect ang:

  • Problema sa tubig at electrolytes tulad ng pananatili ng sodium sa katawan, pagkawala ng potassium, hypokalemic alkalosis, pananatili ng fluids sa katawan, congestive heart failure sa mga madaling kapitang mga pasyente, hypertension
  • Problema sa kalamnan at buto-buto tulad ng panghihina ng mga kalamnan, corticosteroid myopathy, pagliit ng muscle, paglala ng mga sintomas ng myasthenia gravis, osteoporosis, mga bali sa buto sa likod, aseptic necrosis ng femoral at humeral heads sa ating mga galamay, bale sa mahahabang buto, pagkasira ng litid, kahinaan ng kasu-kasuan (mula sa paulit-ulit na intra-articular injections)
  • Problema sa tiyan at bituka gaya ng peptic ulcer na posibleng may kasunod na pagkabutas ng tiyan at pagdurugo o hemorrhage, pancreatitis, abdominal distention, ulcerative esophagitis
  • Problema sa balat tulad ng mabagal na paghilom ng sugat, skin atrophy, manipis na balat, mga rashes na parang tuldok-tuldok ang itsura, pagkapasa, pamumula sa mukha, sobrang pagpapawis, hindi nakikita ang reaksyon sa skin tests, reactions e.g., allergic dermatitis, urticaria, angioneurotic edema
  • Problema sa utak tulad ng kombulsiyon, pagtindi ng intracranial pressure na may papilledema (pseudotumor cerebri) kadalasan matapos ang gamutan, vertigo, pananakit ng ulo

Iba pang Side Effect ng Diprospan

  • Endocrine tulad ng iregularidad sa regla; pagkakaroon ng cushingoid state; pagpigil sa paglaki ng sanggol sa loob ng tiyan or paglaki ng bata; secondary adrenocortical at pituitary unresponsiveness, lalo na kapag stress, may  trauma, operasyon o karamdaman; pagbaba ng carbohydrate tolerance, mga senyales ng latent diabetes mellitus, pagtaas ng pangangailangan sa insulin or oral hypoglycemic agents sa diabetics
  • Sa mata gaya ng posterior subcapsular cataracts; pagtaas ng intraocular pressure, glaucoma; exophthalmos
  • Metabolic tulad ng negative nitrogen balance dulot ng protein catabolism
  • Psychiatric tulad ng euphoria, mood swings; malubhang depression hanggang frank psychotic manifestations; pagbabago sa personalidad; hirap sa pagtulog
  • Iba pa tulad ng anaphylactoid o hypersensitivity at hypotensive o shock-like reactions

Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.

Mga Interaksyon

Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa Diprospan?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.

Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.

Mga gamot na napag-alamang may interactions:

  • Phenobarbital
  • Phenytoin
  • Rifampin
  • Ephedrine
  • Estrogen
  • Potassium-depleting diuretics
  • Cardiac glycosides
  • Amphotericin B
  • Coumarin-type anticoagulants
  • NSAIDs
  • Antidiabetic drugs
  • Somatotropin

Kung makaranas ka ng masamang interaksyon ng gamot, ihinto ang pag-inom nito at ituloy ang pag-inom ng iba mo pang gamot. Agad na ipaalam sa iyong doktor upang muling masuri ang iyong treatment plan. Kabilang sa maaaring gawin ang pagbabago sa dose ng gamot, pagpapalit ng gamot, o paghinto ng therapy.

May interkasyon ba ang pagkain o alak sa Diprospan?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Pag-usapan kasama ng iyong doktor o parmasyutiko ang anumang posibleng interaction sa pagkain o alak bago gamitin ang gamot na ito.

Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Diprospan?

Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaction na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka.

Huwag gamitin ang gamot na ito sa mga sumusunod na kondisyon:

Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ng doktor ang impormasyong ibinigay dito. Palagi kang dapat kumonsulta sa doktor o pharmacist bago gumamit ng Diprospan.

Ano ang dose ng Diprospan para sa nasa hustong gulang?

Kabilang sa inirerekomendang dose ang mga sumusunod:

  • Para sa systemic therapy, sinisimulan ang gamutan sa 1-2 ml sa karamihan sa mga kondisyon nito, at ulitin kung kinakailangan. Ang pagsasagawa nito ay sa pamamagitan ng malalim na inhiksyon sa muscle sa may pwetan. 
  • Maaaring kailanganin ang 2ml sa simula ng malalang karamdaman. Halimbawa, lupus erythematosus o status asthmaticus na nareresolba sa pamamagitan ng tamang life-saving procedures. 
  • Maraming magkakaibang kondisyon sa balat ang epektibong tumutugon sa 1 ml ng IM injection, inuulit ayon sa response ng kondisyon.
  • Sa mga respiratory tract disorder, nagsimulang guminhawa mula sa mga sintomas ilang oras matapos ang IM injection.
  • Epektibong pagkontrol sa mga sintomas na may 1-2 ml ay nakuha sa bronchial asthma, hay fever, allergic bronchitis, at allergic rhinitis.
  • Sa paggamot ng acute o chronic bursitis, nakakakuha ng pinakamagandang resulta gamit ang 1-2 ml IM injection, inulit batay sa pangangailangan.
  • Ang intra-articular injection ng Diprospan ay pinapayagan sa kasukasuan at periarticular tissues. Ang inirerekomendang dose ay:
    • Large joints (tuhod, bewang, balikat) 1-2 ml
    • Medium joints ( siko, pupulsuhan, bukong-bukong) 0.5-1 ml
    • Small joints (paa, kamay, dibdib) 0.25 – 0.5 ml

Para Saan ang Diprospan: Iba Pang Kondisyong Pangkalusugan

Maaaring gamitin nang epektibo ang Diprospan sa mga disorder sa paa na tumutugon sa corticosteroid therapy. Maaaring makontrol ang bursitis sa ilalim ng heloma durum gamit ang 2 magkasunod na injection ng 0.25 ml bawat isa.

Sa ilang kondisyon tulad ng hallux rigidus, digiti quinti varus at acute gouty arthritis, maaaring maging mabilis ang pagsisimula ng ginhawa. Ang tuberculin syringe na may 25-gauge na karayom ay akma para sa karamihan sa injection. Ang inirerekomendang dose ng 0.25 hanggang 1 mL na may tinatayang 1 linggong intervals. 

Kapag nagkaroon ng magandang response, panatilihin ang therapy sa pinakamababang epektibong dose at dalas ng paggamit. Sa pagtatapos ng therapy, bawasan ang dose nang dahan-dahan upang maiwasan ang adrenal insufficiency

Ano ang dose para sa bata?

Wala pang naitatakdang dose para sa mga bata. Mayroon itong alcohol, na maaaring hindi ligtas sa mga bata. Palaging mahalagang unawain ang kaligtasan ng gamot bago gamitin. Kumonsulta sa doktor o pharmacist para sa karagdagang impormasyon.

 Paano makakukuha ng Diprospan?

Available ang Diprospan sa mga sumusunod na dosage forms at strengths:

  •  Solusyon para sa injection, 1 ml ampule at 2 ml ampule

Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?

Kung nakaligtaan mo ang isang dose, inumin na ito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang hindi nainom na dose at inumin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag iinom ng dobleng dose.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diprospan https://www.mims.com/philippines/drug/info/diprospan Accessed June 11, 2021

Betamethasone injection https://my.clevelandclinic.org/health/drugs/19531-betamethasone-injection Accessed June 11, 2021

The impact of intra-articular injection of diprospan at the knee joint on blood glucose levels in diabetic patients https://eurjrheumatol.org//en/the-impact-of-intra-articular-injection-of-diprospan Accessed June 11, 2021

Betamethasone dipropionate https://pubchem.ncbi.nlm.nih.gov/compound/Betamethasone-dipropionate Accessed June 11, 2021

Betamethasone Sodium Phosphate Injectable Suspension Rx https://www.empr.com/drug/betamethasone-sodium-phosphate-injectable-suspension/ Accessed June 11, 2021

Kasalukuyang Version

08/12/2022

Isinulat ni Daniel de Guzman

Sinuri ang mga impormasyon ni Jaiem Maranan

In-update ni: Jaiem Maranan


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Sinuri ang mga impormasyon ni

Jaiem Maranan


Isinulat ni Daniel de Guzman · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement