Mga Gamit
Ano ang citrulline malate? Ang Citrulline malate, na tinatawag ding l-citrulline, ay isang non-essential amino acid at kung saan nagsisimula ang amino acid arginine.
Dinadagdagan ng citrulline ang dami ng ornithine at arginine sa katawan at pinagaganda ang ammonia recycling process at nitric oxide metabolism.
Nagsisilbing vasodilator ang nitric oxide na nagpapaluwag ng blood vessels na binabawasan ang blood pressure at nagpapaganda ng daloy ng dugo sa mga kalamnan. Mahalaga ang properties na ito sa pagpapanatili ng cardiovascular health, ginagamot ang erectile dysfunction, at nagpapahusay ng athletic performance at endurance.
Paano ko dapat gamitin ang citrulline malate?
Available ang citrulline malate o l-citrulline sa mga food supplement powder at capsule. Madalas itong binebenta bilang workout supplement.
Ang powdered form nito ay dapat isama sa tubig o juice at haluin o i-shake nang maigi. Dapat namang lunukin kasabay ng isang basong tubig ang capsule nito. Pareho itong puwedeng inumin nang walang laman ang tiyan.
Pinakamainam itong inumin bago o habang isinasagawa ng matinding aktibidad o high-intensity workouts upang makuha ang buong benepisyo.
Paano dapat iimbak ang citrulline malate?
Iimbak ang produktong ito sa room temperature na malayo sa direktang liwanag at moisture. Upang maiwasan ang pagkasira ng gamot, huwag itong iimbak sa palikuran o sa freezer.
Maaaring may ibang brand ang gamot na ito na nangangailangan ng magkakaibang paraan ng pag-iimbak. Kaya’t mahalagang palaging tingnan at basahin ang lalagyan ng produkto kung paano ito iiimbak, o magtanong sa parmasyutiko. Para sa kaligtasan, laging ilayo ang mga gamot sa lugar na maaabot ng mga bata at alagang hayop.
Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos sa drainage o palikuran maliban kung sinabi sa instruksyon. Mahalaga ang tamang pagtatapon ng produktong ito kapag expired na o hindi na kailangan. Kumonsulta sa iyong parmasyutiko upang malaman ang ligtas na pagtatapon nito.
Ano ang citrulline malate: Mga Pag-iingat at Babala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng citrulline malate?
Likas na nagaganap ang citrulline sa katawan at karaniwang hindi na kailangan ng supplement para sa normal na paggana ng karamihan sa mga tao. May ilang pagkain na may taglay na kaunting citrulline. Kabilang dito ang:
- Pakwan
- Kalabasa
- Ampalaya
- Upo, kundol
- Mga buto ng nabanggit na prutas
Mahalagang tandaan na habang ikinokonsiderang bumubuo sa protina ang amino acids, mas kaunti ang catabolic effects ng citrulline sa mga kalamnan. Kung nais mong magpalaki ng kalamnan, mas mainam na gumamit ng protein supplement o dagdagan ang protinang kinokonsumo mula sa mga pagkain.
Ligtas ba ito para sa mga buntis at nagpapasuso?
Wala pang sapat na impormasyon tungkol sa ligtas na paggamit ng citrulline malate sa mga buntis at nagpapasuso. Palaging kumonsulta sa inyong doktor upang matimbang ang potensiyal na benepisyo nito at panganib bago gamitin ang gamot na ito.
Ano ang citrulline malate: Mga Side Effect
Ano ang mga side effect na pwedeng mangyari sa paggamit ng citrulline malate?
At dahil natural na mayroong citrulline ang katawan, maaaring hindi magkaroon ng side effect kahit sa mataas na dose. May ilang mga taong nakararanas ng gastric upset dahil sa arginine at ornithine supplement. Gayunpaman, mas mababa ang panganib nito pagdating sa citrulline.
Gayunpaman, hindi lahat ay nakakaranas ng mga side effect na ito. Dagdag pa, maaaring makaranas ang mga tao ng iba pang side effect na hindi nabanggit dito. Kaya’t kung mayroon kang iba pang alalahanin hinggil sa side effect, kumonsulta sa doktor o parmasyutiko.
Ano ang citrulline malate: Mga Interaksyon
Anong mga gamot ang maaaring mag-interact sa citrulline malate?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.
Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom (kabilang na ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products) at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.
Para sa iyong kaligtasan, huwag simulan, ihinto, o baguhin ang dosage ng anumang gamot nang walang pahintulot ng doktor.
May interaksyon ba ang pagkain o alak at citrulline malate?
Walang interkasyon ang citrulline malate sa alinmang pagkain. Maaaring mapataas ng alak ang vasodilatory effect ng citrulline at maaaring maapektuhan ng nitric oxide ang metabolismo ng alak. Kaya naman, mainam kung umiwas sa pag-inom ng alak kasabay ng citrulline. Bago gamitin, makipag-usap sa iyong doktor o parmasyutiko tungkol sa anumang maaaring interactions ng gamot na ito sa pagkain o alak.
Anong kondisyong pangkalusugan ang maaaring mag-interact sa citrulline malate?
Maaaring hindi angkop ang citrulline malate supplementation sa mga taong may hypovolemic o may mababang blood pressure. Maaaring mapalala nito ang iyong kondisyon o mabago ang paraan ng pagtalab ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor ang lahat tungkol sa iyong kalagayang pangkalusugan.
Ano ang citrulline malate: Dosage
Hindi pamalit sa anumang medikal na payo ng doktor ang impormasyong ibinigay dito. Kumonsulta PALAGI sa doktor o pharmacist bago gumamit ng gamot na ito.
Ano ang dose ng citrulline malate para sa nasa hustong gulang?
Para sa pagpapaganda ng athletic performance
Uminom ng 2.4 – 5g araw-araw sa loob ng isang linggo o 2g araw-araw sa loob ng hanggang 2 buwan. Ang isang dose ng 8g bago ang matinding aktibidad ay maituturing na ligtas at epektibo.
Para sa cardiovascular health
Uminom ng 3 g araw-araw sa loob ng 2-4 na buwan.
Ano ang dose ng citrulline malate para sa mga bata?
Wala pang naitatakdang dose para sa bata. Maaaring hindi ito ligtas para sa iyong anak. Kaya naman, napakahalaga ng palaging pagkonsulta sa doktor o parmasyutiko para sa karagdagang impormasyon.
Paano makakukuha ng citrulline malate?
Available ang gamot na ito sa mga sumusunod na dosage forms, at strengths:
- MyProtein “100% Citrulline Malate Amino Acid” pre-workout supplement powder
- Muscletech-Platinum “100% Citrulline Malate” pre-workout supplement powder containing 2.32 g of L-citrulline per scoop
- Now Foods-L-Citrulline 750 mg capsules
- Swanson L-citrulline malate 750 mg capsules
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?
Kung nakaligtaan mo ang isang dose, inumin na ito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang hindi nainom na dose at inumin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag iinom ng dobleng dose.