Alam ng mga Pinoy na ang niyog, o coconut, ay “Tree of Life” ng bansa. Maraming mga benepisyo ng niyog ang pinakikinabangan natin.
Kahit hanggang ngayon, nahihirapan ang mga bata sa pagkakategorya ng niyog. Ito ba ay prutas, buto, o nut? Ang nakakatuwa ay ang niyog ay pwede sa tatlong ito. Ngunit para maging tumpak, ito ay isang drupe. Ang drupe na ito ay may berdeng panlabas na takip (exocarp) at brown sa loob na kadalasang tinutukoy bilang “husk” o mesocarp. Ang huling layer, ang endocarp, ay puti at madalas na itinuturing na “meat” dahil ito ay nakakain. Puno rin ng maiinom na coconut water ang loob ng niyog.
Maaaring nalilito ka kung ano ang niyog at paano ito naiiba sa “buko.” Ang totoo ay pareho sila, ngunit ang pagkakaiba ay nasa kanilang edad. Habang ang buko ay mas bata, berdeng niyog, ang niyog naman ay ang mature, brown na prutas. Ang laman ng buko ay kadalasang manipis (medyo transparent) at napakalambot. Mas matigas at mas makapal ang niyog, na maaaring gamitin sa paggawa ng gata ng niyog at cream.
Gamit
Ang mga sumusunod ay ang scientifically-backed na benepisyo ng niyog para sa ating kalusugan:
Ito ay masustansya
Ang niyog ay naglalaman ng maraming bagay na kailangan ng ating katawan. Kung kumonsumo ka, sabihin nating, 100 grams o 1 tasa ng niyog, makakakuha ka ng 7.5 grams ng protina, 18 grams ng fiber, 25 grams ng carbohydrates, at 65 grams ng taba – lahat ng mga macro ay naroon. Sa kabuuan, makakakuha ka ng 650 calories. Kasama rin sa benepisyo ng niyog ay mayroon itong manganese, selenium, magnesium, at copper ang niyog.
Ito ay posibleng mahusay na anti-obesity agent
Ayon sa isang pag-aaral, ang MCT o medium-chain triglyceride oil (na nagmula sa niyog) ay maaaring gamitin bilang isang anti-obesity agent, nang nag-iisa. Maaari ding kasama ng ibang mga supplement tulad ng prebiotics. Dahil ang labis na katabaan ay isa sa mga pangunahing dahilan ng mga kondisyon ng puso, ligtas na sabihin na ang mga niyog ay maaari ding magsulong ng kalusugan ng puso. Kasama na ang ilang pag-aaral na nagpapakita na maaari itong makaapekto sa cholesterol level.
Makakatulong ito sa pamamahala ng diabetes
Ang isa pang mahalagang benepisyo ng niyog ay nakatutulong ito sa ating katawan na gumawa ng mas maraming insulin. Ang insulin ang hormone na nagpapahintulot sa mga cell na gumamit ng asukal bilang enerhiya. Bukod pa rito, itinataguyod din nito ang paggamit ng asukal sa loob ng mga cell, tinitiyak na ang glucose ay hindi mananatili sa dugo.
Pinapalakas nito ang immune system at nagtataguyod ng pangkalahatang kalusugan
Alam mo ba na ang isa pang benepisyo ng niyog ay ang mataas na antioxidant content nito? Bukod pa rito, mayroon din itong mga antimicrobial na katangian. Ang mga ito ang tumutulong sa atin na labanan ang mga pathogen na maaaring magdulot ng mga sakit. Halimbawa, kung ikaw ay dumaranas ng matinding impeksyon, tulad ng Urinary Tract Infection (UTI), pinapayuhan kang uminom ng tubig ng niyog. Dahil sa antimicrobial at moisturizing properties nito, ginagamit din ang niyog sa balat.
Pinapanatili kang hydrated
Ang dahilan kung bakit tinatawag ng maraming tao ang niyog na “Ang Puno ng Buhay” ay dahil halos lahat ng bagay mula sa puno ay kapaki-pakinabang. Ngunit ang pinakamahalagang himala ay maaari nitong mapanatili ang buhay dahil hindi ka magugutom at mapapawi ang iyong uhaw. Isa pang benepisyo ng niyog ay ang tubig nito na puno ng mga electrolyte. Kaya kung pakiramdam mo ay natuyo ka pagkatapos ng mabigat na aktibidad, ang pag-inom ng tubig ng niyog ang sagot.
Mga pag-iingat at Babala
Bago gamitin ang niyog, mangyaring tandaan ang mga sumusunod:
Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang niyog?
Generally, ligtas ang niyog kainin. Gayunpaman, walang sapat na pag-aaral para matiyak kung ang pag-inom ng masyadong maraming niyog ay ligtas, kaya para makasigurado, kumain ng katamtaman.
Kung gusto mong gamitin ang niyog bilang gamot, kailangan mo munang tanungin ang iyong doktor lalo na kung may underlying health conditions o umiinom ng mga gamot. Ganito rin kung ikaw ay buntis at/o nagpapasuso. Kung may alam kang allergy sa coconut oil at palm pollen, hindi ipinapayong gumamit ng niyog.
Mga side effect at Interactions
Kakaunti lang ang kilalang epekto at interactions pagdating sa paggamit ng niyog. Gayunpaman, dapat mag-ingat kung mayroong mga problema sa iyong cholesterol at kasalukuyang umiinom ng mga gamot para dito. Ito ay dahil maaari nitong pataasin ang cholesterol level.
Dosage
Isa sa mga benepisyo ng niyog ay maaari itong isama sa iyong diet at pamumuhay sa maraming paraan. Sa palengke, makakakita ka ng mga bote ng virgin coconut oil na maaaring inumin nang mag-isa para maging malusog. Kung hindi okay sa iyo ang lasa, maaari mong ihalo ang langis ng niyog sa iyong pagkain o inumin.
Isa pang bagay: maaaring mag-apply ng langis ng niyog sa balat kung gustong gamutin ang ilang kondisyon ng balat, tulad ng mga sugat at eksema. Isa rin itong pangunahing sangkap sa ilan sa mga common products ng DIY skincare tulad ng lotion at deodorant. Ang iba ay nagmumumog din ng langis ng niyog dahil ito ay mabuti sa kalusugan ng ngipin. Gayunpaman, ang pinakamura at maginhawang paraan ng paggamit ng niyog ay ang kainin ang laman nito at inumin ang sabaw. Madali mong magagawa ito. Hanapin lang ang lokal na vendor. Gayundin, maaari mong gamitin ang laman sa paghahanda ng mga pagkain, tulad ng lumpiang ubod. Ang gata (gatas) ay maaaring gamitin sa iba’t ibang ulam at dessert.