backup og meta

Ano ang Ackee Fruit, at Mabuti ba ito sa Kalusugan?

Mga Gamit

Saan ginagamit ang Ackee fruit?

Ano ang Ackee fruit? Ang Ackee fruit (Blighia sapida) ay makikita sa West Africa, sa Caribbean islands, southern Florida, at Central America. Sa katunayan, ito ay isang pambansang prutas sa Jamaica.

Bilang tradisyon, ito ay ginagamit upang lunasan ang anemia, pangangati, epilepsy, edema, at constipation. Ito rin ay ginagamit upang gumawa ng fragrances, sabon, ink ng tattoo at ibang cosmetic.

Gayunpaman, kahit na marami itong potensyal na benepisyo, ang sariwang Ackee fruit ay kailangan na gamitin na may pag-iingat. Kung ang prutas ay hindi pa hinog, ito ay kinokonsiderang toxic dahil sa nilalaman nitong hypoglycin A at maaaring humantong sa kondisyon na tinatawag na “Jamaican vomiting sickness.”

Paano ito tumatalab?

Walang sapat na pananaliksik o impormasyon na makikita upang matukoy kung gaano kaaktibo ang epekto ng constituents ng Ackee fruit.

Pag-iingat at Babala

Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Ackee fruit?

Komunsulta sa iyong doktor o pharmacist kung:

  • Kung ikaw ay buntis o nagpapasuso. Ito ay sa kadahilanan, na kung ikaw ay may inaasahang anak o nagpapasuso ng sanggol, kailangan mo lamang na uminom ng mga gamot na nirekomenda ng doktor.
  • Ikaw ay umiinom ng iba pang mga gamot. Kabilang dito ang kahit na anong gamot na kailangan mong inumin na mabibili nang walang reseta.
  • Ikaw ay mayroong allergy sa kahit na anong substances ng ackee o ibang mga gamot o ibang herbals.
  • Mayroon kang ibang mga sakit, disorders, o medikal na kondisyon, tulad ng diabetes, sakit sa atay, o compromised kidney function.
  • Mayroon kang ibang mga uri ng allergies, tulad sa pagkain, dyes, preservatives, o mga hayop.

Ang regulasyon para sa herbal supplement ay hindi gaanong istrikto kaysa sa regulasyon para sa gamot. Maraming mga pag-aaral na kailangan upang matukoy ang kaligtasan nito. Ang benepisyo ng pagkonsumo ng herbal supplement na ito ay kailangan na mas matimbang kaysa sa mga banta bago gamitin. Konsultahin ang iyong herbalist o doktor para sa mas maraming impormasyon.

Gaano kaligtas ang Ackee fruit?

Pagbubuntis at pagpapasuso

Dahil sa potensyal na toxicity kung hindi hinog ang bunga kung ikokonsumo, mainam na iwasang kainin ito ng mga buntis. Ang mga supplement ay kailangan na gamitin kung nagbubuntis lamang kung ang potensyal na benepisyo nito ay sapat kaysa sa mga potensyal na banta sa fetus, gaya ng natukoy ng iyong doktor.

Kilala ito kung ang aktibong compound ay inilabas mula sa breast milk. Ang supplement na ito ay kailangan na gamitin kung nagbubuntis lamang. At kung ang potensyal na benepisyo nito ay sapat kaysa sa mga potensyal na banta sa fetus, gaya ng natukoy ng iyong doktor.

Side Effects

Anong mga side effects ang maaari kong makuha mula sa Ackee fruit?

Sa paggamit ng ackee, maaari itong maging dahilan ng side effects tulad ng:

  • Pinsala sa atay
  • Sakit sa tiyan
  • Intermittent diarrhea
  • Hypotonia (pagbawas sa muscle tone)
  • Pagkahina
  • Pagkahilo
  • Pagsusuka
  • Stupor
  • Hemorrhaging
  • Pagkalilto
  • Kombulsyon
  • Tachypnea (mabilis na paghinga)
  • Tachycardia (mabilis na pagtibok ng puso)
  • Labis na pangangati
  • Hypoglycemia

Maaari kang makaranas ng ilan, wala, o ibang mga side effects na hindi nabanggit sa itaas. Kung ikaw ay may katanungan tungkol sa side effect o nakaaabala ang mga ito, konsultahin ang iyong doktor o pharmacist.

Interactions

Anong mga interactions ang mayroon sa Ackee fruit?

Upang maiwasan ang kahit na anong potensyal na interaction sa gamot, kailangan mong maglista ng lahat ng mga gamot na ginagamit (kabilang dito ang inireseta, hindi inireseta, at herbal na produkto) at ipaalam sa iyong doktor at pharmacist.

Iwasan ang paggamit ng ibang diuretics habang gumagamit ng supplement, dahil maaari itong maging sanhi ng labis na pag-ihi at kalaunan ay dehydration. Maaari ding magdulot ang ackee fruit ng gluconeogenesis na maaaring humantong sa mababang blood sugar o hypoglycemia. Ito ay maaaring mag-interact sa mga gamot para sa diabetes tulad ng metformin at insulin.

Ang ibang mga pagkain ay hindi kilalang may interaction sa Ackee fruit. Dahil sa potensyal na epektong hepatotoxic ng Ackee fruit, mainam na iwasan ang pag-inom ng alak.

Kung ikaw ay nakararanas ng adverse na interaksyon sa gamot, ihinto ang pag-inom ng gamot na ito at ipagpatuloy ang pag-inom ng iyong gamot. Ipaalam agad sa iyong doktor upang matukoy muli ang iyong plano sa paggamot. Ang iyong dose ay maaaring ma-adjust, mapalitan ng ibang mga gamot, o ihinto ang paggamit ng gamot.

Dosage

Ang impormasyon na ibinigay ay hindi kapalit ng payong medikal na propesyonal. Kailangan mong LAGING komonsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gumamit ng Ackee fruit.

Ano ang kadalasang dose para sa Ackee fruit?

Ang inirekomendang dosage para sa gamot na ito ay hindi pa tiyak para sa paggamot ng kahit na anong tiyak na sakit o kondisyon. Konsultahin ang iyong doktor para sa akmang indikasyon at dosage.

Anong porma ng Ackee fruit ang mayroon?

Ang ackee fruit ay mabibili bilang sariwa at bilang canned fruit na produkto.

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot. 

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK431101/, Accessed Aug 24, 2020

Jamaican Ackee, http://wwwchem.uwimona.edu.jm/lectures/ackee.html, Accessed Aug 24, 2020

Blighia sapida, http://tropical.theferns.info/viewtropical.php?id=Blighia+sapida, Accessed Aug 24, 2020

Kasalukuyang Version

11/19/2022

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Mae Antalan, MD


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement