backup og meta

Alamin: Para saan ang kaleorid, at kailan ito nirereseta ng doktor?

Para Saan ang Kaleorid: Mga Gamit

Para saan ang Kaleorid? Ang Kaleorid® LP ay karaniwang ginagamit para sa:

Paano ko iinumin ang Kaleorid® LP?

Available ang Kaleorid LP bilang oral tablet. Ang oral tablet ay dapat inumin nang hindi nginunguya o dinudurog.

Paano ako mag-iimbak ng Kaleorid® LP?

Ang gamot na ito ay dapat nakaimbak sa room temperature (<30°C) at protektado mula sa liwanag at moisture. Huwag hayaang mag-freeze ang produktong ito. Palaging suriin ang label bago ito gamitin at alamin kung para saan ang Kaleorid® LP. Para sa kaligtasan, iwasang maabot ng mga bata at alagang hayop.

Huwag gamitin kung ang naka-print na expiration date ay lumipas na, sira ang selyo ng produkto, o nagbago ang kulay, amoy, o consistency ng produkto. 

Huwag itapon ang produktong ito sa pamamagitan ng pagbuhos nito sa drain, palikuran, o sa paligid. Tanungin ang iyong pharmacist  tungkol sa tamang paraan at lokasyon ng pagtatapon.

Mga pag-iingat at babala

Para saan ang Kaleorid® LP: Ano ang dapat kong malaman bago gamitin ang Kaleorid® LP?

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa doktor mo kung:

  • Ikaw ay buntis o nagpapasuso. Ito ay dahil, habang ikaw ay buntis o nagpapasuso, tanging mga gamot na inirerekomenda ng isang doktor ang iinumin mo.
  • Umiinom ka ng iba pang gamot. Kabilang dito ang anumang mga gamot na iniinom mo na mabibili nang walang reseta, tulad ng mga herbal at pantulong na gamot.
  • Mayroon kang allergy sa alinman sa mga aktibo o hindi aktibong sangkap ng Kaleorid® LP o iba pang mga gamot.
  • Mayroon kang anumang iba pang sakit, karamdaman, o kondisyong medikal.

Gayundin, huwag gamitin ang gamot na ito upang gamutin ang:

  • Ilang sakit sa bato
  • Ilang sakit sa endocrine glands (tulad ng Addison’s disease o uncontrolled diabetes)

Para Saan ang Kaleorid: Ligtas ba ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso?

Walang sapat na impormasyon tungkol sa kaligtasan ng paggamit ng Kaleorid® LP sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Mangyaring palaging kumunsulta sa iyong doktor para sa mga potensyal na benepisyo at panganib bago gamitin ang Kaleorid® LP.

Mga side effect

Anong mga side effect ang maaaring mangyari mula sa Kaleorid® LP? Para saan ang Kaleorid® LP?

Ang lahat ng mga gamot ay may potensyal na magkaroon ng mga side effect kahit na sa normal na paggamit. Maraming mga side effect ang dose-related at malulutas kapag ito ay naayos o sa pagtatapos ng therapy.

Mga potensyal na side effects habang ginagamit ang gamot na ito:

  • Pagduduwal
  • Pagsusuka
  • Pananakit ng Tiyan/Cramps
  • Weight Gain
  • Heartburn/Reflux
  • Pagkapagod
  • Pagtatae
  • Electrolyte Problems
  • Pagkaantok
  • Constipation
  • Grogginess / Pagkalito
  • Light Sensitivity

Maaaring makaranas ka ng ilang side effects o hindi, o iba pang mga side effect na hindi nabanggit sa itaas. Kung may anumang mga alalahanin sa isang side effect o ito ay nakakaabala, kumunsulta sa iyong doktor o pharmacist upang malaman kung para saan ang Kaleorid® LP.

Interactions

Anong mga gamot ang maaaring magkaroon ng interaction sa Kaleorid® LP?

Maaaring mag-interact ang Kaleorid® LP sa iba pang mga gamot na kasalukuyang  iniinom mo. Dapat alamin kung para saan ang Kaleorid. Ito ay pwedeng magpabago sa paggana ng gamot mo o dagdagan ang panganib para sa malubhang epekto. Para maiwasan ang anumang potensyal na interaction sa gamot, dapat kang magkaroon ng listahan ng lahat ng gamot na iyong ginagamit ( kasama dito ang prescription drugs, nonprescription drugs, at herbal products). At ibahagi ito sa iyong doktor at pharmacist. Para sa kaligtasan mo, huwag magsimula, huminto, o baguhin ang dosage ng anumang gamot ng walang pahintulot ng iyong doktor.

Ito ay lalo na kung umiinom ka ng:

  • Mga gamot para mapataas ang blood-potassium level mo (tulad ng ilang potassium-retaining diuretics)
  • Angiotensin-converting-enzyme (ACE) inhibitors

May interaction ba ang pagkain o alcohol sa Kaleorid® LP?

Maaaring may interaction ang Kaleorid® LP sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa paraan ng paggana ng gamot o pagtaas ng risk para sa malubhang epekto. Mangyaring talakayin sa iyong doktor o pharmacist ang anumang potensyal na interaction sa pagkain o alkohol bago gamitin ang gamot na ito.

Anong mga health condition ang maaaring mag-interact sa Kaleorid® LP?

Ang gamot na ito ay dapat inumin nang may pag-iingat kung may alinman sa mga sumusunod na kondisyon o risk factors: 

  • Hyperkalemia (elevated blood potassium levels)
  • Dehydration na may electrolyte imbalance
  • Ilang mga kondisyon ng puso
  • Congenital myotonia ( minanang sakit, nailalarawan na pagkaantala ng muscle relaxation)

Ipaalam sa iyong doktor o pharmacist kung may anumang mga alalahanin tungkol sa mga partikular na health conditions.

Dosage

Ang impormasyon ay hindi kapalit ng anumang medikal na payo. Dapat kang LAGING kumunsulta sa iyong doktor o pharmacist bago gamitin ang Kaleorid® LP. Mabuting alamin kung para saan ang Kaleorid.

Para saan ang Kaleorid: Ano ang dose ng Kaleorid® LP para sa adult?

Upang iwasto ang hypokalemia 

Bilang prophylaxis: 20 mEq araw-araw.

Bilang paggamot: 40-100 mEq araw-araw sa 2-4 na hinating doses.

Maximum dose: 40 mEq/dosis, hanggang 150 mEq araw-araw. 

Lahat ng mga doses at treatment plan ay individualized batay sa mga antas ng serum potassium ng bawat pasyente, na tinutukoy ng isang physician. Maaaring ang dose mo ay iba sa nakasaad dito. Kumunsulta sa iyong doktor para sa karagdagang impormasyon.  

Ano ang dose ng Kaleorid® LP para sa bata?

Upang iwasto ang hypokalemia 

Bilang prophylaxis: 1 mEq/kg araw-araw hanggang 3 mEq/kg araw-araw.

Bilang paggamot: Sa umpisa, 2-4 mEq/kg araw-araw hanggang 100 mEq araw-araw.

Maximum dose: 1 mEq/kg/dose o 40 mEq/dose.

Lahat ng mga doses at treatment plan ay individualized batay sa mga antas ng serum potassium ng bawat pasyente, na tinutukoy ng isang physician. Maaaring ang dose mo ay iba sa nakasaad dito. Kumunsulta sa iyong doktor para sa karagdagang impormasyon. 

Para saan ang Kaleorid ® LP: Paano ito magagamit?

Available ang Kaleorid® LP sa mga sumusunod na dosage forms and strengths: 

  • Coated Tablets 600 mg, 1000 mg

Ano ang dapat kong gawin kung sakaling magkaroon ng emergency o overdose?

Sa kaso ng isang emergency o overdose, tawagan ang iyong  local emergency services o pumunta sa pinakamalapit na emergency room.

Ano ang dapat kong gawin kung makaligtaan ko ang isang dose?

Kung napalampas mo ang isang dose ng Kaleorid® LP, inumin ito sa lalong madaling panahon. Gayunpaman, kung malapit na ang oras para sa susunod na dose mo, laktawan ang napalampas na dose at inumin ang regular dose mo ayon sa naka-iskedyul. Huwag mag-double dose. Alamin kung para saan ang Kaleorid.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

https://www.mims.com/philippines/drug/info/potassium%20chloride

https://sante.lefigaro.fr/medicaments/3321733-kaleorid-lp-600mg-cpr-30

Kasalukuyang Version

10/17/2022

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Stephanie Nera, RPh, PharmD

In-update ni: Corazon Marpuri


Mga Kaugnay na Post

Alamin: Para Saan Ang Metamizole?

Ozempic Para Sa Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Malaman!


Narebyung medikal ni

Stephanie Nera, RPh, PharmD

Pharmacology


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement