Para saan ang Daktarin? Ang Daktarin gel at Daktarin cream ay mga brand name ng topical miconazole. Ang miconazole ay isang antifungal na gamot na may antibacterial na epekto.
Mga Gamit
Para saan ang Daktarin?
Ginagamit ang Daktarin cream upang maiwasan at magamot ang fungal at ilang bakteryal na impeksyon sa balat at mga kuko. Kabilang dito ang tinea infections (halimbawa ang alipunga, an-an, buni) at napkin o diaper rash.
Ang Daktarin gel naman ay para labi. Lubos na kapaki-pakinabnag ito para sa mga kondisyong tulad ng oral thrush (candidiasis) at singaw (mouth sores).
Paano ko dapat gamitin ang Daktarin?
Palaging gamitin ang gamot na ito ayon sa eksaktong sinasabi ng leaflet o ng iyong doktor o parmasyutiko. Tanungin sa iyong doktor o parmasyutiko kung hindi ka sigurado.
- Ang bawat tube ng Daktarin cream ay selyado. Kailangan mong gumamit ng cap upang butasin ang selyo. Ipahid ang cream sa apektadong bahagi at paligid ng balat gamit ang malinis na daliri.
- Huwag ipahid ang Daktarin cream malapit o sa mismong mata. Para lamang ito sa balat at kuko.
- Huwag kakainin ang cream.
- Hindi dapat gamitin ang Daktarin cream sa bibig. Ang ginagamit para sa singaw at iba pang impeksyon sa bibig ay Daktarin oral gel.
Paano ko dapat iimbak ang Daktarin?
Ilayo ito sa makikita at maaabot ng mga bata. Ilagay ang cream ang orihinal nitong packaging. Huwag iimbak sa mas mataas pa sa 25°C. Huwag gamitin ang produktong ito kapag expired na na nakasulat sa karton at tube nito. Ang expiry date ay ang huling araw ng buwang ito.
Huwag itong itapon sa lababo o sa regular na basurahan. Itanong sa iyong parmasyutiko kung paano ang tamang pagtatapon ng mga gamot na hindi mo na ginagamit.
Para Saan ang Daktarin: Mga Pag-iingat at Paalala
Ano ang dapat kong malaman bago gumamit ng Daktarin?
Bago gumamit ng Daktarin, ipaalam sa iyong doktor kung:
- Nagkaroon ka na ng allergic reaction: sa Daktarin, mga excipient para sa dosage form na may Daktarin. Nakasulat ang impormasyong ito sa leaflet.
- May allergy ka sa alinmang mga gamot, pagkain, dye, preservatives, o hayop.
- May iba ka pang sakit, mga gamot na may panganib ng interaksyon sa Daktarin.
Ligtas ba ito sa buntis o nagpapasuso?
Kung buntis ka o nagpapasuso, iniisip mong buntis ka o nagpaplanong magkaanak, tanungin muna ang iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit nito. Maaari ka pa ring gumamit ng Daktarin cream kung ipapayo ng iyong doktor.
Para Saan ang Daktarin: Mga Side Effect
Ano ang mga side effect na maaaring makuha mula sa Daktarin?
Maaaring magdulot ng ilang side effect ang Daktarin. Karamihan sa mga ito ay bihira lang at hindi na kailangan ng karagdagang gamutan. Gayunpaman, palaging mahalaga ang kumonsulta sa iyong doktor sakaling magkaroon ng problema matapos gumamit ng gamot na ito.
Kabilang sa ilang side effect ang:
Oral gel
- Pagbabago sa panlasa
- Xerostomia (pagkatuyo ng bibig)
- Pagduduwal, pagsusuka
- Pagtatae (sa matagalang paggamit)
- Pagbabago sa kulay ng dila o mucosa
Cream
- Iritasyon sa balat
- Mahapding pakiramdam
Para Saan ang Daktarin: Interaksyon
Anong mga gamot ang may interaksyon sa Daktarin?
Maaaring mag-interact ang gamot na ito sa iba pang gamot na kasalukuyan mong iniinom na maaaring makapagpabago sa epekto ng gamot o makapagpataas ng panganib ng mga seryosong side effect.
Huwag gumamit ng Daktarin kasabay ng mga gamot na ito:
- Anti-allergy medications (e.g. terfenadine, astemizole, mizolastine)
- Cisapride
- Statins
- Midazolam
- Pimozide, sertindole
- Quinidine, dofetilide
- Ergotamine
Upang maiwasan ang anumang maaaring interaksyon, marapat na magtabi ng listahan ng lahat ng gamot na iniinom at ipagbigay-alam ito sa iyong doktor at parmasyutiko.
May mga pagkain o alak ba na may interaksyon sa Daktarin?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang Daktarin sa pagkain o alak sa pamamagitan ng pagbabago sa kung paano gumagana ang gamot o pataasin ang panganib ng mga seryosong side effect. Bilang pamahid na gamot, maliit ang tsansang magdulot ito ng interaksyon sa pagkain at alak. Makipag-usap sa iyong doktor o parmayutiko sa anumang potensyal na interaksyon sa pagkain o alak ng gamot na ito bago gamitin.
Anong mga kondisyong pangkalusugan ang maaaring may interaksyon sa Daktarin?
Maaaring magkaroon ng interaksyon ang gamot na ito sa may iba pang sakit. Maaaring mapasama pang lalo ng interaksyon na ito ang iyong kalusugan o baguhin ang epekto ng gamot. Kaya naman, mahalagang palaging ipaalam sa iyong doktor o parmasyutiko ang lahat ng kondisyong pangkalusugan na mayroon ka.
Para Saan ang Daktarin: Dosage
Hindi pamalit para sa anumang medikal na payo ang mga impormasyong ibinigay dito. Kaya naman, palaging kumonsulta sa doktor o parmasyutiko bago gumamit ng anumang gamot.
Ano ang dose para sa nasa hustong gulang?
Kumonsulta sa iyong doktor para sa impormasyon tungkol sa dose ng Daktarin.
Daktarin cream
Para sa mga impeksyon sa balat
Gamitin ang cream dalawang beses sa isang araw – isa sa umaga at isa sa gabi. Ituloy lang ang paggamit nito nang hindi bababa sa 7 araw matapos mawala ang lahat ng senyales ng impeksyon. Pinahihinto nito ang pagbabalik ng impeksyon.
Para sa impeksyon sa kuko
Gamitin ang cream isa o dalawang beses kada araw. Sasabihin ng iyong doktor kung ilang beses. Ituloy ang paggamit nito sa loob ng 10 araw matapos mawala ang lahat ng senyales ng impeksyon. Pinahihinto nito ang pagbabalik ng impeksyon.
Daktarin gel
Maglagay ng gel gamit ang malinis na daliri o cotton swab direkta sa apektadong bahagi. Magpahid nito 4 na beses kada araw matapos kumain. Ipagpatuloy ang paggamit ng gel ng hindi bababa sa isang linggo matapos mawala ang mga sintomas.
Iwasang kumain o uminom sa loob ng 30 minuto matapos magpahid nito.
Kung gumagamit ka ng pustiso o retainer, maglagay ng gel matapos tanggalin (pustiso) upang maalis ang fungus o bacteria sa mga ito.
Ano ang dose para sa bata?
Kumonsulta sa iyong doktor para malaman ang dose ng Daktarin.
Huwag ipagamit ang produktong ito sa batang wala pang 2 taong gulang liban na lang kung sinabi ng iyong doktor.
Sa anong dosage nakakakuha ng Daktarin?
Available ang Daktarin sa mga sumusunod na dosage form at strength:
- Oral gel 20 mg/g
- Topical cream 2%
Ano ang dapat kong gawin sakaling magkaroon ng emergency o overdose?
Sa panahon ng emergency o overdose, tawagan ang iyong local emergency services o magtungo sa pinakamalapit na emergency room.
Ano ang dapat kong gawin kapag nakaligtaan ko ang pag-inom ng dose?
Kung nakaligtaan mo ang isang dose, gumamit na nito agad. Gayunpaman, kung halos oras na para sa susunod mong dose, lagtawan na ang nakaligtaang dose at sundin ang regular na dose ayon sa iskedyul. Huwag magdobleng dose.