backup og meta

Paano Gumamit Ng Insulin? Tips Para Sa May Type 2 Diabetes

Paano Gumamit Ng Insulin? Tips Para Sa May Type 2 Diabetes

Isa sa mga una nating naiisip kapag may nakapagbabanggit ng tungkol sa diabetes management ay ang insulin. Mula nang madiskubre ito noong 1920’s, maraming mga buhay na ang nailigtas nito. Maraming mga dekada na ang lumipas, at ang crude extracts mula sa pancreas ng isang cattle ang nagbigay-daan para sa mas puro at maayos na uri ng nakapagbibigay-buhay na uri ng insulin na ginagamit sa kasalukuyan. Tatalakayin natin mamaya kung paano gumamit ng insulin. 

Bago tayo dumako sa tips kung paano gumamit ng insulin, mahalagang malaman muna natin ang kaibahan sa pagitan ng type 1 at type 2 diabetes mellitus (DM).

Bilang pangkalahatang gabay: 

Type 1 Diabetes Type 2 Diabetes
Edad  Kadalagahan o Kabinataan (4 hanggang 7 o 10 hanggang 14)   Adult (lagpas sa 40 taong gulang) 
Dahilan  Kakulangan sa Insulin  Resistance sa Insulin 
Risk Factors 
  • genetics
  • namamana 
  • autoimmune response o sakit 
  • di-aktibong paraan ng pamumuhay 
  • sobrang katabaan o obesity 
  • pagkonsumo ng mataas na antas ng carbohydrates
  • namamana 
  • etnisidad 
Senyales at Sintomas 
  • pagpayat o mapayat na pangangatawan 
  • madalas na pagka-uhaw 
  • pagtaas ng gana sa pagkain 
  • madalas na pag-ihi 
  • matagal na paghilom ng sugat 
  • madalas o matinding impeksyon 
  • problema sa paningin 
  • ketoacidosis 
  • pangangayayat o pagtaba 
  • maiitim na marka sa balat 
  • madalas na pagkagutom 
  • pag-ihi nang madalas
  • madalas na pagka-uhaw 
  • matagal na paghilom ng sugat 
  • madalas o matinding impeksyon 
  • problema sa paningin 
  • pagkamanhid ng mga binti 
Paggamit ng Insulin Bilang first-line therapy (insulin-dependent), dapat na naituturok ang insulin sa mga tiyak na iskedyul sa buong araw.  Kung hindi epektibo ang mga pagbabago sa paraan ng pagkain at pamumuhay at mga oral hypoglycemic medications, kakailanganin ang supplementary therapy (non-insulin-dependent)

Gayunpaman, napakahalaga nito para sa management ng type 1 DM. Ang mga pasyenteng may type 2 DM ay nirerekomendahan naman ng iba pang paraan ng paggagamot bago pa ang insulin sa pangkalahatan.

Gaya ng nabanggit sa talahanayan sa itaas, ang insulin ay maaaring gamitin para gamutin ang parehong uri ng diabetes mellitus.

Ngayong natalakay na natin ang mga pangunahing kaalaman, alamin naman natin ang mga mahahalagang paalala para sa pagtuturok ng insulin.

Paano Gumamit Ng Insulin? Mga Hakbang sa Pagtuturok

Bago magturok, siguraduhing mahuhugasan nang mabuti ang mga kamay.  Sunod, i-disinfect ang balat at pati ang ibabaw ng bote ng insulin.  Ilagay ang eksaktong dami ng insulin sa syringe. 
Pisilin ang iyong balat sa lugar kung saan magtuturok.  Ipasok ang karayom sa 45- digring anggulo at iturok ang insulin.  Bitawan ang pagpisil at bumilang ng 1 hanggang 5, at hilahin palabas ang karayom. 

Maaari mong kunin ang maliit na bahagi ng balat, pisilin ito, at iturok ang insulin sa 90° na anggulo. Ang mga payat na indibidwal o bata ay maaaring gumamit ng maiikling karayom. Maaari ding kailanganin sa kanila na pisilin ang balat at iturok sa 45° na anggulo para maiwasan ang intramuscular injection, lalo na sa bahagi ng hita.

Tip 1: Manatiling “Cool”

Ang insulin, natural man o hindi ang pagkakagawa, ay binubuo ng mga protina dahil isa itong uri ng hormone.

Sensitibo ang mga protina sa iba’t ibang mga salik pangkapaligiran gaya ng matinding temperature, sinag ng araw, o pagka-expose sa hangin.

Ang mga salik na ito ay maaaring makapagpabawas ng protina at amino acid na taglay ng insulin, na nagiging dahilan para ito ay maging hindi stable, hindi epektibo, at posibleng maging mapanganib.

Karamihan sa mga gumagawa ng insulin ay nirerekomenda ang pagtatabi ng mga vials, pens, at cartridges sa mga refrigerator (2° hanggang 8° na temperatura) habang hindi pa ginagamit ang mga ito.

Ang pagtuturok ng malamig na insulin ay maaaring maging masakit kaya naman mas mainam kung hahayaan muna itong manatili sa room temperature sa loob ng 15 hanggang 30 minuto bago iturok.

Kung nabuksan mo na ang multi-use na vial o wala kang refrigerator, maraming mga uri ng insulin na puwede namang itabi sa lugar na may room temperature (<30° C) hanggang sa loob ng isang buwan.

Ang mga benepisyo ng pagtatago nito sa room temperature ay:

  • maaari mo na kaagad ito iturok kung kinakailangan nang hindi inaalala kung masakit ba ito kapag itinurok, dahil sa taglay na lamig
  • maaari mo itong itago sa kung saan malapit sa’yo; maaaring sa iyong opisina o sa bahay

Isa sa mga pinakamahalagang paalala sa pagtuturok ng insulin: Huwag na huwag patitigasin o iinitin ang insulin gamit ang pinakuluang tubig o microwave. Ang sobrang tinding temperatura ay makasisira sa chemical structure ng insulin at magiging dahilan para ito ay hindi na dapat maiturok.

Tip 2: Tamang Tyempo

Isa sa mga pinakamahahalagang gabay para sa pagtuturok ng insulin ay may kinalaman sa tyempo.

Gawing habit ang pagtuturok ng iyong insulin sa parehong oras sa araw-araw, gaya ng ipinapayo ng iyong doktor.

Bagaman ang pagiging maaga o pagkahuli ng 15 minuto ay hindi naman magdudulot ng matinding epekto, kung mas lalaki pa o tatagal ang pagkahuli o pagiging mas maaga nito, maaari itong makaapekto nang malaki sa iyong insulin at blood sugar levels. Ito, syempre, ay nakadepende sa lala ng iyong diabetes at sa uri ng insulin.

Ang hindi pagtuturok o ang pagtuturok nang sobrang huli sa itinakdang oras ay maaaring makapagpataas ng iyong blood sugar, ngunit ang pagsosobra naman sa ituturok na insulin ay mas mapanganib.

Ang matataas na doses o ang sobrang dalas na pagtuturok ay maaari namang magresulta sa mababang blood sugar o hypoglycemia na maaaring magdulot ng panginginig, kumbulsyon, pagkabahala, pagkahimatay, o maging ng pagkamatay.

Sa pangkalahatang, ang multi-dose na pagtuturok ng insulin at isinasagawa bago kumain para makontrol ang postprandial (pagkatapos kumain) na pagtaas ng blood sugar. Ang mga insulin na isang beses sa isang araw ang iskedyul ay pinakamainam na iturok pagkagising sa umaga.

Tip 3: Huwag Maging “Stick-to-One”

Bagaman normal sa mga tao na pumili ng kanilang mga paborito, hindi dapat ganito kapag pinag-uusapan na ang insulin injection site sa iyong katawan.

Para maiwasan ang pagpapasa, pangangati ng balat, at pagkabuo ng mga fat deposits (lipohypertrophy), mainam kung ililipat lipat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang lugar kung saan ituturok ang insulin.

Ang pinakamagandang mga bahagi ng katawan para sa pagtuturok ng insulin ay ang mga hita, tiyan, at itaas na bahagi ng braso. At ang mga bahaging ito ay easy-access at hindi gaanong masakit turukan dahil na rin sa mas mataas na fat distribution na nagsisilbing cushion o buffer.

Ang ibang mga bahagi pa na pwedeng pagturukan ay ang baywang, likod, and puwetan, gayunpaman, ang mga bahaging hindi ay hindi gaanong accessible kung ikaw ang magtuturok sa iyong sarili at nangangailangan ito ng mas matinding pag-iingat habang tinuturukan para hindi matamaan ang mga kalamnan at nerves.

Tip 4: Sharing IS NOT Caring

Kung hindi ka naman na-stranded sa isang isla kasama ang isang tao, huwag na huwag kang magshe-share ng iyong insulin needles. Hindi lang dahil magkaiba ang inyong insulin requirements kundi ang paghihiraman ng karayom na panturok ay isang malaking pagbabawal sa lahat ng kontekstong medikal.

Hindi rin inaasahan ang muling paggamit ng iyong mga needles. Kapag pinag-uusapan naman na ang kakayahang pinansyal, may iilang mga doktor na maaaring maintidihan ang muling paggamit ng sarili mong needles. Gayunpaman, huwag na huwag mong gagamitin ulit ang isang karayom o syringe, kahit pa sa iyo ito, kung mayroon kang impeksyon.

Tip 5: Magtala

Patuloy na sukatin ang iyong blood glucose levels nang palagian para matiyak na ang iyong diabetes management ay epektibo para sa iyo. Bukod sa iyong blood sugar levels, magtala sa iyong dyornal kung may mga pagbabago man sa iyong pisikal at mental na kalusugan.

Kung aksidente mong naitapon ang mainit na kape sa iyong paa at wala kang naramdaman, madalas kang nakararanas ng yeast infections, o napapansin mong mas nagiging mainisin ka, ang mga ito ay mga maaring komplikasyong dulot ng diabetes at mga senyales na ang iyong insulin therapy ay maaaring hindi sapat para makontrol ang iyong diabetes.

Ang pagtatala sa iyong dyornal ay makatutulong sa iyo at sa iyong doktor para masubaybayan ang iyong paggaling at makagawa ng mga pagbabago sa paggagamot kung kinakailangan.

Matuto nang higit tungkol sa Type 2 Diabetes dito.

Isinalin mula sa orihinal na Ingles na sinulat ni Stephanie Nicole Nera, RPh, PharmD.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

This History of a Wonderful Thing Called Insulin https://www.diabetes.org/blog/history-wonderful-thing-we-call-insulin Accessed October 13, 2020

The Differences Between Type 1 and Type 2 Diabetes https://www.diabetes.org.uk/diabetes-the-basics/differences-between-type-1-and-type-2-diabetes Accessed October 13, 2020

What is Diabetes? https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/what-is-diabetes/prediabetes-insulin-resistance#causes Accessed October 13, 2020

Insulin Storage and Syringe Safety https://www.diabetes.org/diabetes/medication-management/insulin-other-injectables/insulin-storage-and-syringe-safety Accessed October 13, 2020

Kasalukuyang Version

06/11/2023

Isinulat ni Bianchi Mendoza, R.N.

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Regina Victoria Boyles


Mga Kaugnay na Post

Paano Nagiging Reversible Ang Renal Disease Sa Diabetes?

Pinakamainam Na Vitamins Para Sa Mga Diabetic


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Bianchi Mendoza, R.N. · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement