May iba’t ibang paraan kung papaano matutukoy kung ang madalas bang pag-ihi ay isa sa maagang senyales ng pagkakaroon ng type 2 diabetes. Isa sa posibleng paraan upang matiyak na ikaw ay mayroon nang ganitong chronic disease ay sa pamamagitan ng urine test para sa diabetes. Narito ang mga dapat mong malaman.
Ano Ba Ang Ibig Sabihin Ng Madalas Na Pag-ihi?
Ang madalas na pag-ihi ay tumutukoy sa pangangailangang umihi nang mas madalas kumpara sa karaniwan. Maaaring makaranas ang isang tao ng madalas na pag-ihi sa araw o gabi (nocturia).
Minsan, ang madalas na pag-ihi ay resulta ng pag-inom ng sobrang tubig o pagkonsumo ng diuretic foods at inumin.
Ang pag-ihi ay isang paraan lamang ng pagtatanggal ng dumi at sobrang tubig sa ating katawan na hindi kailangang ipangamba. Gayunpaman, kung nakararanas ka nito, at naaapektuhan na ang pang-araw-araw mong gawain, maaaaring ito ay isa nang maagang senyales ng pagkakaroon ng type 2 diabetes.
At risk ka ba sa diabetes? Alamin dito:
Senyales Na Ba Ng Type 2 Diabetes Ang Madalas Na Pag-Ihi?
Bukod pa sa pagkauhaw at gutom, isa sa mga pinakakaraniwan at maagang senyales ng type 2 diabetes ang madalas na pag-ihi.
Kapag may abnormal na pagtaas ng glucose sa iyong katawan, gumagawa ng paraan ang kidneys upang matanggal ang sobrang asukal sa pamamagitan ng ihi.
Nagreresulta ito sa sobrang paggawa ng ihi (polyuria) na dahilan kung bakit madalas ang pag-ihi.
Ang madalas na pag-ihi dahil sa type 2 diabetes ay nagtatanggal hindi lamang ng mahahalagang tubig sa iyong katawan ngunit nagreresulta rin ito sa dehydration.
Paano Malalaman Kung Ito Ay Diabetes?
Maraming paraan upang malaman kung ang sintomas na ito ay dahil sa diabetes. Isang paraan upang malaman habang nasa bahay ay sa pamamagitan ng pagtingin sa iyong glucose level gamit ang glucometer.
Ngunit kung wala kang glucometer, ang pinakamainam na gawin ay bantayan ang madalas mong pag-ihi sa pamamagitan ng mga sumusunod:
- Ilang beses kang umiihi sa isang araw?
- Gaano karami ang iniihi mo sa isang araw?
- Naaapektuhan ba nito ang iyong mga ginagawa sa araw-araw?
Sa oras na magpunta ka sa doktor, ang dapat mong gawin ay sabihin ang mga sagot sa tanong na nasa itaas upang maipaliwanag kung ano ang nararanasan mo.
Kung ipinayo ng doktor na magkaroon ng dagdag na pagsusuri, mahalagang malaman na ang abnormal na pagtaas ng level ng ketones ay maaaring isang senyales ng diabetic ketoacidosis, isang life threatening complication ng diabetes na maaaring magresulta sa coma o pagkamatay.
Sapat Na Ba Ang Urine Test Upang Malaman Kung May Diabetes?
Isang magandang paraan ang urine test upang ma-monitor ang blood sugar level at ketones ng isang tao.
Gayunpaman, hindi sapat ang resultang ito upang matiyak ang diagnosis. Hindi inirerekomenda sa screening ang pagsukat sa urine glucose dahil sa insensitivity nito sa pag-alam kung may type 2 diabetes nga ba ang isang tao.
Upang makapagbigay ng tamang diagnosis at prognosis ang mga doktor, kailangang sumailalim sa iba pang test ang isang pasyente. Ilan sa mga pagsusuri na ito ay blood tests at glucose tolerance tests.
Kadalasang nakukumpirma ng isang doktor kung ang pasyente ay may diabetes o wala pagkatapos ng blood test.
Key Takeaways
Senyales ba ng madalas na pag-ihi ang type 2 diabetes? Oo, puwede ngunit maaari ding dulot ito ng iba pang kondisyong pangkalusugan na nagbubunsod ng parehong problema. Kaya’t kung nakararanas ka ng sintomas na ito, mabuting kumonsulta na sa doktor.
Mahalagang tandaan na ang pagsasagawa ng urine test ay hindi ipinapayo. Lalo na kung gagamitin mo ito upang mag-self-diagnose. Mas maganda at mas affordable pa ring pagpatingin sa doktor tungkol sa madalas mong pag-ihi.
Sa oras na makuha mo na ang iyong urine test, ang susunod na dapat gawin ay kumonsulta sa doktor para sa tamang diagnosis.
Tandaan, huwag mag-self-diagnose at palaging humingi ng payong medikal sa mga health care professionals.
Matuto ng higit pa tungkol sa Type 2 Diabetes, dito.
[embed-health-tool-bmi]