Ang sobrang ketones ay maaaring babala ng diabetes, pagkawala ng malay, at maging sanhi ng kamatayan. Maaaring magpasuri ka para sa ketones kung mayroon kang palatandaan ng fatigue, pagduduwal, tuyong bibig, atbp. Alamin dito kung ano ang ketones.
Ang pagkakaroon ng masyadong maraming ketones sa dugo ay naglalagay sa iyo sa panganib na magkaroon ng diabetic ketoacidosis (DKA). Ito ay kung saan ang dugo ay nagiging sobrang acidic at ang tao ay maaaring mawalan ng malay. Alamin natin kung ano ang ketones, mga sintomas kapag tumaas, at kung paano maiiwasan ang mga ito.
Ano ang Ketones?
Ang ketones ay isang klase ng organic compounds na nagagawa kapag ang katawan ay nagsusunog ng taba para sa enerhiya. Gumagamit ang katawan ng mga sustansya para sa enerhiya kabilang ang carbohydrates, taba, at protina.
Gagamit muna ang katawan ng carbohydrates, pero kung hindi ito available, ito ay magsusunog ng taba, at iyon ang oras na malilikha ang ketones.
Dahil sa popularidad ng keto diet, ang ketones ay nabigyang pansin sa mga nakalipas na taon. Ang keto diet ay low-carbohydrate diet na nagdudulot sa katawan na magsunog ng mas maraming taba sa halip na carbohydrates.
Sa kasalukuyan ay walang malinaw na patunay tungkol sa benepisyo ng keto diet. Bukod dito, maaaring makaranas ng ilang risks tulad ng pagtaas ng blood acid levels at muscle loss.
Mayroong 3 uri kung ano ang ketones sa dugo: Acetoacetate (AcAc), 3-β-hydroxybutyrate (3HB) at Acetone. Mag-iiba-iba ang levels ng ketone bodies, ngunit natural na nako-kontrol sa dugo.
Ang katawan ng tao ay pangunahing gumagana sa glucose. Kapag ang katawan ay kulang sa glucose, o may diabetes at walang sapat na insulin upang matulungan ang mga cell na sumipsip ng glucose, ang katawan ay magsisimulang magpiraso ng taba para sa enerhiya. Ang ketones ay isang by-product ng fatty acid breakdown.
Ang paggamit ng taba para sa enerhiya at paggawa ng ketones ay normal na proseso ng katawan. Sa mga taong walang diabetes, ang insulin glucagon at iba pang dahilan ang pumipigil sa blood ketone levels na tumaas nang sobra. Gayumpaman, para sa mga taong may diabetes, may mataas na risk ng pagdami nito sa dugo. Kung hindi magagamot, ang mga taong may type 1 diabetes ay nasa panganib na magkaroon ng diabetic ketoacidosis (DKA).
Ang urine ketones ay nagpapahiwatig ng risk para sa uncontrolled diabetes, fasting, low-carbohydrate diets, at pangmatagalang alkoholismo.
Paano Ko Malalaman?
Pagkatapos bumisita sa doktor, papayuhan ka kung kailan at kung gaano kadalas dapat kang magpa-test para sa ketones. Dapat magpasuri kung nakakaranas ka ng mga sintomas tulad ng:
- Matagal na pagkapagod
- Fruity breath
- Blood sugar na mas mataas sa 300 mg/dl
- Nakakaramdam ng pagduduwal, pagsusuka, o pagkakaroon ng pananakit ng tiyan
- Pagkalito, o nahihirapang mag-isip nang mabilis gaya ng dati
- Patuloy na nakakaramdam ng pagkauhaw o pagkakaroon ng tuyong bibig
Para sa taong may sakit, sipon, trangkaso, o impeksyon, inirerekomenda ng American Diabetes Association na suriin ang ketone levels tuwing 4-6 na oras. Ito ay dahil maaaring mapataas ng sakit ang panganib ng DKA. Ang mga taong na-diagnose ng diabetes ay dapat na masuri nang dalawang beses sa isang araw upang matiyak na sila may tamang insulin dose.
Maaari mong suriin ang ketones sa iyong dugo o ihi. Ang ilang blood glucose meters ngayon ay kayang suriin nang sabay ang blood sugar at ketone levels. Maaaring gawing acidic ng ketones ang dugo sa katawan na nagiging sanhi ng DKA.
Ang pinakamalubhang epekto ng DKA ay:
- Pamamaga ng tissue ng utak
- Pagkawala ng malay
Mahalagang magpatingin sa doktor nang maaga kapag ang readings ay nagsimulang maging moderate to moderate.
Paano haharapin ang mataas na ketones?
Isa pang dapat malaman kung ano ang ketones ay ang pagpapagamot sa mataas na ketone levels. Maaaring makatulong ito sa iyo sa mga problemang dulot ng DKA. Kailangan mong sundin ang reseta ng doktor upang mapanatili ang katamtamang lebel. Maaaring kabilang sa gamutan ang:
- Alternative intravenous (IV): Ang isang sintomas ng DKA ay ang madalas na pag-ihi, na maaaring humantong sa dehydration maaaring makatulong sa pagtunaw ng labis na glucose sa iyong dugo ang parenteral fluid rehydration.
- Electrolyte supplementation: Kapag ang isang tao ay may DKA, ang levels ng electrolyte ay malamang na mas mababa kaysa sa normal, kabilang ang potassium, sodium, at chloride. Ang labis na pagkawala ng mga electrolyte na ito ay maaaring makaapekto sa paggana ng puso at kalamnan.
- Insulin injection: Sa isang emergency na sitwasyon, ang mga tao ay madalas na binibigyan ng insulin upang mapabuti ang kakayahan ng dugo na gumamit ng labis na glucose sa dugo para sa enerhiya. Mahalagang suriin mo glucose levels kada oras. Kapag nagsimulang bumalik sa normal ang ketone levels at acid sa dugo, ipagpapatuloy mo ang iyong regimen ng insulin sa iyong normal na dose.
Paano Maiiwasan ang Mataas na Ketones
Ang mabuting kontrol sa diabetes ay isa pang dapat malaman kung ano ang ketones. Ito ay susi sa pagpigil sa mataas na ketone levels. Gawin ang mga sumusunod na hakbang upang mapanatiling malusog ang blood sugar at produksyon ng ketone sa pinakamababa:
- Regular na suriin ang iyong blood sugar: Bukod sa pagsukat ng iyong asukal sa dugo araw-araw, dapat mong suriin ang iyong blood sugar nang mas madalas sa mga sumusunod na kaso: may sakit, tumataas ang blood sugar, may mga sintomas ng mataas o mababang blood sugar.
- Sumunod sa healthy diet plan: Bantayan ang carbohydrate intake mo at paggamit ng insulin. Mahalaga ito para sa pamamahala ng diabetes. Makipag-usap sa iyong doktor upang mabigyan ng pinaka-makatwirang diyeta kabilang ang pagkain ng maraming gulay, at paglilimita sa mga mamantika na pagkain, mataas sa asukal, nakakapinsalang taba.
Key Takeaways
Habang ang pagsusuri para sa ketones ay madaling gawin sa bahay, magandang ideya na magpasuri nang regular, at mas madalas kung mayroon kang diabetes. Mahalaga na gumawa ka ng mga hakbang upang mapanatili ang blood sugar sa isang malusog na antas, kasama ang ehersisyo, pagkain at pagpapahinga nang maayos upang makatulong na maiwasan ang risks ng high ketone levels.
Matuto pa tungkol sa Type 2 Diabetes dito.
[embed-health-tool-bmi]