backup og meta

Gamot sa Type 1 Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Gawin

Gamot sa Type 1 Diabetes: Heto Ang Dapat Mong Gawin

Ang type 1 diabetes ay isang uri ng diabetes kung saan ang katawan ay hindi gumagawa ng insulin, o hindi sapat ang dami nito, na nagreresulta sa mataas blood sugar level. Kung hindi magagamot, ang diabetes ay maaaring magdulot ng mga sintomas ng type 1 diabetes. Kapag lumala, maari itong maging sanhi ng malubhang karamdaman o kamatayan. Ito ang dahilan kung bakit mahalagang malaman ng mga diabetic ang mga dapat sundin sa paggamot sa type 1 diabetes.

Mga dapat sundin sa gamot sa Type 1 diabetes

Dapat alalahanin na ang type 1 diabetes ay isang malalang sakit. Ibig sabihin, kung hindi magagamot ng maayos, ang mga sintomas ay puedeng mabilis lumala. Sa ilang mga kaso, maaaring humantong sa isang diabetic coma, at mauwi sa kamatayan.

Kaya mahalagang malaman ng mga diabetic pati na ng kanilang mahal sa buhay kung paano imanage ang kundisyong ito. Sa pagsunod sa mga alituntunin sa gamot sa type 1 diabetes, ang mga diabetic ay maaaring mamuhay ng masaya at kasiya-siya.

Insulin Therapy

Ang insulin therapy ay marahil ang pinakamahalaga sa mga dapat sundin sa gamot sa type 1 diabetes.

Ang totoo, bago pa naimbento ng artipisyal na insulin, ang mga diabetic ay halos walang pagkakataon na gumaling mula sa isang diabetic coma.

Itinatampok lamang nito ang kahalagahan ng insulin therapy para sa mga type 1 na diabetes.

Ang hormone insulin ay may mahalagang papel sa ating mga katawan, dahil ito ay tumutulong sa ating mga cells na magproseso ng asukal sa dugo.

Kung masyadong kakaunti ang insulin, ang blood sugar level ay maaaring tumaas ng husto, at ito ay maaaring makasira ng mga cells sa ating katawan.

Sa kabilang banda naman, ang sobrang insulin ay maaaring maging sanhi ng sobrang pagbaba ng blood sugar level , ito rin ay delikado. Ito ang dahilan kung bakit kailangang magkaroon ng iniresetang dami ng insulin batay sa kanilang kasalukuyang blood sugar level para manatiling malusog at ma-manage ang mga sintomas ng type 1 diabetes.

Ano ang mga uri ng insulin therapy?

Iba’t ibang uri ng insulin ang ginagamit ang mga diabetic. Narito ang ilan sa mga karaniwang ginagamit:

  • Rapid-acting insulin, o insulin na gumagana 15 minuto matapos itong iturok. Ang ganitong uri ng insulin ay karaniwang tumataas pagkatapos ng halos isang oras, at maaaring tumagal ng 2 hanggang 4 na oras.
  • Ang regular o short-acting na insulin naman ay gumagana mga 30 minuto pagkatapos ng iniksyon. Tumataas ito pagkatapos ng 2 hanggang 3 oras, at epektibo sa loob ng mga 3 hanggang 6 na oras.
  • Ang intermediate-acting insulin ay mas matagal gumana, mga 2-4 na oras pagkatapos ng iniksyon. Tumataas ito 4 hanggang 12 oras pagkatapos at tumatagal ng 12 hanggang 18 oras
  • Long-acting insulin ang huling uri ng insulin. Ang ganitong uri ng insulin ay umaabot sa daloy ng dugo mga 2 oras pagkatapos ng iniksyon, at tumatagal ng higit sa 24 na oras.

Ang insulin ay maaaring iturok ng pasyente nang mag-isa, at karaniwang tinuturuan sila ng kanilang doktor kung paano ito gawin nang ligtas. Ito ay napakahalagang sundin sa paggamot sa type 1 diabetes.

Mayroon ding mga device na maaaring awtomatikong magbigay ng insulin. Ang mga ito ay karaniwang konektado sa mga monitor ng blood sugar. Malaking tulong ito para sa mga matatanda, dahil maaaring makalimutan nila ang kanilang insulin.

Ang layunin ng insulin therapy ay panatilihing malapit sa normal ang blood sugar levels ng isang diabetic.

Upang matiyak na umiinom sila ng tamang uri at dosage ng insulin, ang pag monitor sa glucose o sa blood sugar ay napakahalaga.

Glucose monitoring

Kasama ng insulin therapy, ang glucose monitoring ay isa pang mahalagang bahagi ng gamot sa type 1 diabetes.

Ang ilang mga diabetic ay gumagamit ng isang device na tinatawag na glucometer. Ito ay kumukuha ng sample ng dugo at sinusuri ang antas ng glucose sa kanilang dugo. Maraming mga diabetic ang gumagamit nito, at maaaring nakita mo na sa telebisyon o pelikula, o kahit sa personal.

Ang continuous glucose monitor ay isa pang device na ginagamit. Mula na rin sa pangalan nito, ang continuous glucose monitor ay maaaring suriin ang sugar level ng isang diabetic nang tuloy tuloy. Bukod dito, hindi kailangan ng pagtusok sa kanilang balat para makakuha ng sample ng dugo. Sa halip, gumagamit ito ng manipis na karayom ​​na nananatili sa balat at tinutulungan itong patuloy na i-monitor ang blood sugar.

Gayunpaman, hindi perpekto ang uri ng monitor na ito. Dahil kumpara sa ibang paraan, hindi pa kasing accurate ng karaniwang blood sugar monitoring.

Karaniwan, sinusuri ng mga pasyente ng type 1 diabetes ang kanilang glucose levels nang hindi bababa sa 4-10 beses sa isang araw.

Hindi lamang ito nakakatulong na matiyak na normal ang kanilang blood sugar levels, ngunit tinutulungan din silang malaman kung epektibo o hindi ang therapy na ginagamit nila upang magamot ang diabetes.

Pagpapalit ng diet

Mahalaga rin para sa mga type 1 diabetic na baguhin ang kanilang mga diet upang umangkop sa tamang mga alituntunin sa gamot ng type 1 diabetes. Karamihan sa mga tao ay karaniwang iniuugnay ang “diabetic diet” sa walang lasang pagkain o ganap na pag-iwas sa asukal. Gayunpaman, ang “diabetic diet” ay hindi talaga kasing higpit ng iniisip ng karamihan.

Ang mga diabetic ay kailangang kumain ng maraming prutas at gulay, at bawasan ang mga matatabang pagkain, animal protein, at carbohydrates.

Ang ganitong uri ng diet ay talagang hindi gaanong naiiba sa ideal diet na inirerekomenda ng maraming doktor at nutritionists.

Exercise

Panghuli, ang mga diabetic ay kailangang mag ehersisyo ng hindi bababa sa 30 minutong araw-araw.

Ang pag-eehersisyo ay hindi lamang makakatulong na makontrol ang mga sintomas ng type 1 diabetes. Marami pa itong ibang mga benepisyo para sa iyong katawan.

Sila ay kailangang mag-ehersisyo dahil ang pisikal na aktibidad sa pangkalahatan ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng blood sugar levels. Ang ibig sabihin nito ay sa pamamagitan ng ehersisyo, natural na mapapababa ang blood sugar.

Benepisyo rin ng ehersisyo ay binabawasan nito ang panganib ng cardiovascular diseases. Ang mga diabetic ay partikular na madaling kapitan sa mga sakit sa cardiovascular, kaya ang ehersisyo ay kinakailangan.

Dapat mag ehersisyo ng halos isang oras araw-araw. Kung hindi ito posible, dapat silang mag ehersisyo ng hindi bababa sa 150 oras linggu-linggo.

Herbal Medicine

Ang ilang uri ng mga herbal na gamot ay maaari ding makatulong sa gamot sa type 1 diabetes. Isang halimbawa ang bitter melon o ampalaya na kilala sa Pilipinas.

Mainam na gumamit ng halamang gamot kasabay ng mas epektibong mga paraan ng paggamot. Depende sa herbal na gamot, maaaring hindi kasing epektibo, at posibleng magdulot ng mga problema sa hinaharap.

[embed-health-tool-bmi]

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Type 1 Diabetes Through the Life Span: A Position Statement of the American Diabetes Association | Diabetes Care, https://care.diabetesjournals.org/content/37/7/2034, Accessed August 7 2020

Managing type 1, https://www.diabetesaustralia.com.au/managing-type-1#:~:text=Type%201%20diabetes%20is%20managed,healthy%20diet%20and%20eating%20plan, Accessed August 7 2020

Mayo Clinic: Safe in-person and virtual care – Mayo Clinic, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/type-1-diabetes/diagnosis-treatment/drc-20353017, Accessed August 7 2020

Type 1 Diabetes: Management Strategies – American Family Physician, https://www.aafp.org/afp/2018/0801/p154.html, Accessed August 7 2020

Medication Management | ADA, https://www.diabetes.org/diabetes/medication-management, Accessed August 7 2020

The Management of Type 1 Diabetes – Endotext – NCBI Bookshelf, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK279114/, Accessed August 7 2020

Type 1 Diabetes Treatments – Learn about the different types of insulin for type 1 diabetes – Learn about the different types of insulin for type 1 diabetes and newer therapies to help you better manage your glucose better., https://www.endocrineweb.com/conditions/type-1-diabetes/type-1-diabetes-treatments, Accessed August 7 2020

Kasalukuyang Version

08/15/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Elfred Landas, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Pagkontrol Ng Type 1 Diabetes, Paano Nga Ba Gawin?

Ano Ang Type 1 Diabetes? Heto Ang Lahat Ng Dapat Mong Malaman


Narebyung medikal ni

Elfred Landas, MD

General Practitioner · Maxicare Primary Care Center


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement