Ano ang type 1 diabetes?
Mas malubha ba ang type 1 diabetes kaysa type 2 diabetes? Ano ang type 1 diabetes?
Bago natin sagutin ang tanong na ito, mahalagang malaman kung ano ang diabetes.
Ang diabetes ay isang metabolic disorder na nakakaapekto sa kakayahan ng katawan na iproseso ang asukal sa dugo, o glucose sa dugo. Ang glucose ay nasa mga pagkain tulad ng kanin, tinapay, cereal, pasta, patatas at ilang prutas at gulay. Lahat ng carbohydrates ay nahahati sa glucose sa daluyan ng dugo. Nagagawa nilang makapasok sa mga selula ng katawan sa tulong ng isang hormone na tinatawag na insulin at nagiging enerhiya.
Ang diabetes ay isang malalang sakit. Ito ay nangyayari dahil sa mataas na blood sugar levels o kapag ang pancreas ay hindi makagawa ng insulin o ang katawan ay hindi maaaring magamit nang maayos ang ginawang insulin.
Maaaring mabuo ang asukal sa dugo kung walang sapat na insulin, o kung huminto ang katawan sa pag-respond sa insulin.
Ang diabetes ay maaaring magdulot ng iba pang mga komplikasyon tulad ng stroke, atake sa puso, kidney failure, at pagputol ng lower limb.
422 milyong tao ang na-diagnose na may diabetes noong 2014. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang diabetes ang ikapitong nangungunang sanhi ng kamatayan noong 2016.
Sa Pilipinas, 7.2% ng populasyon o 6.3 milyong Pilipino ang naiulat na may diabetes batay sa 2008 Philippine medical review.
Ano ang Type 1 Diabetes?
Ang type 1 diabetes, na mas kilala bilang juvenile diabetes o insulin-dependent diabetes, ay isa sa tatlong pangunahing uri ng diabetes.
Mailalarawan ang type 1 diabetes na kawalan ng kakayahan ng pancreas na gumawa ng insulin, ang hormone na nagpapahintulot sa katawan na mag-imbak ng asukal o glucose sa cells para sa enerhiya.
Ang mga may Type 1 Diabetes ay gumagawa ng kaunti o walang insulin.
Kung mananatili ang blood sugar sa daluyan ng dugo, maaari itong makapinsala sa katawan at humantong sa maraming komplikasyon.
Maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa kalusugan sa mahabang panahon ang mataas na glucose levels sa dugo. Maaari rin itong maging sanhi ng organ failure. Dahil sa kakulangan sa insulin, ang mga may type 1 diabetes ay kailangang mag-take ng insulin araw-araw.
Kaya ano ang type 1 diabetes? Mas malubha ba ito kaysa type 2? Sa type 2, ang katawan ay gumagawa ng insulin, ngunit hindi ito magagamit.
Mga Palatandaan at Sintomas
Ang mga sintomas kung ano ang type 1 diabetes ay pwedeng madevelop sa loob ng ilang linggo o buwan. Gayunpaman, maaari silang biglang lumitaw at malubha. Ang mga karaniwang sintomas ng type 1 diabetes ay:
- Madalas uhaw at tuyo ang bibig
- Madalas na pag-ihi at bedwetting
- Palaging gutom
- Pagbaba ng timbang
- Pagbabago ng mood
- Labis na pagkapagod at kahinaan
- Malabong paningin
Bukod dito, ang pisikal na katangian ng mga taong na-diagnose ng type 1 diabetes ay payat o normal. Dahil sa pagiging idiopathic nito, maaaring kailanganin ang mga karagdagang tests para kumpirmahin ang diagnosis ng type 1 diabetes. Mas malubha ba ang type 1 diabetes kaysa type 2? Sa paghahambing, ang mga may type 2 na diabetes ay posibleng maging obese, mas matanda, o namumuhay nang mas laging nakaupo.
Kailan ako dapat magpatingin sa aking doktor?
Kung palagi kang nakakaranas ng alinman sa mga sintomas sa itaas, pinakamahusay na kumunsulta sa isang doktor para sa tamang diagnosis.
Malamang na kailangan mong magpa-check up sa iyong doktor ng 3-4 na beses sa isang taon. Ito ay para i-manage ang sintomas ng diabetes at makasiguro ng tamang blood sugar control.
Sa iyong check-up, ang blood sugar mo ay susukatin at ang treatment ay maaaring iakma ng naaayon.
Common ba ang Type 1 Diabetes?
Habang ang type 1 diabetes ay maaaring ma-develop sa anumang stage, ito ay mas karaniwan sa mga bata, teens, at young adults. Gayunpaman, ang kung ano ang type 1 diabetes ay bumubuo lamang ng 5-10% ng kabuuang bilang ng mga na-diagnose ng diabetes.
Mga Sanhi at Risk Factors
Hindi alam ang dahilan kung ano ang type 1 diabetes. Ito ay itinuturing na idiopathic – isang kondisyong medikal na maaaring kusang lumalabas sa hindi alam na mga dahilan.
Maaaring pataasin ng genetics ang posibilidad na magkaroon ng type 1 diabetes. O ang isa pang dahilan ay maaaring dahil sa paglaganap ng sakit sa family members. Ang iba pang mga nag-trigger, tulad ng ilang mga virus sa kapaligiran, ay maaari ding mag-ambag sa ganitong uri ng diabetes. Ang diet at lifestyle habits ay hindi nagiging sanhi ng type 1 diabetes.
Koneksyon sa pagitan ng Mga Sanhi ng Type 1 Diabetes at Risk Factors
Ayon sa mga pag-aaral, ang type 1 diabetes ay isang autoimmune reaction na ang mismong mga cell ng katawan ay hindi sinasadyang umaatake sa sarili. At sa proseso, sinisira nila ang mga beta cell sa pancreas na gumagawa ng insulin. Ang autoimmune reaction na ito ay maaari ding ma-trigger ng viral infection gaya ng mumps, isang viral contagious disease na nagdudulot ng pamamaga ng salivary glands, o rubella cytomegalovirus, isang viral infection na maaaring mangyari sa panahon ng pagbubuntis.
Bagama’t mas kaunti ang mga kaso ng type 1 na diabetes, may ilang kilalang mga kadahilanan ng panganib. Kabilang dito ang:
- Edad. Kahit na pwede itong makaapekto sa lahat ng edad, ang type 1 diabetes ay madalas nasusuri sa mga batang 4-7 taong gulang, o mga batang 10-14 na taong gulang.
- Family history. Ang pagkakaroon ng isang miyembro ng pamilya na dati nang na-diagnose na may type 1 diabetes ay nagpapataas ng risk na magkaroon ng sakit na ito.
- Genetics. Posibleng magkaroon ng sakit na ito dahil sa pagkakaroon ng ilang mga gene.
- Geography. Mayroong mas mataas na panganib para sa type 1 diabetes batay sa lokasyon ng isang tao.
Diagnosis at Treatment
Paano nasusuri ang Type 1 Diabetes?
Ang diagnosis para sa type 1 diabetes ay mahalaga upang magawa ang treatment.
Pagkatapos ng blood test para sukatin ang blood sugar, sasabihin ng iyong doktor kung mayroon kang type 1 o type 2 na diabetes batay sa iyong edad, timbang, at iba pang mga kadahilanan.
Ang mga test para sa type 1 diabetes ay:
- Pagsusuri ng glycated hemoglobin (A1C) upang matukoy ang average blood sugar ng isang tao sa nakalipas na 2-3 buwan. Kung sakaling ang mga level ng A1C ay 6.5% o mas mataas pagkatapos masuri nang dalawang beses, ang isang tao ay positibo sa diabetes.
- Random na pagsusuri ng blood sugar upang mabasa ang blood sugar sa milligram per deciliter (mg/dL) o millimoles kada litro (mmol/L). Ang reading na 200 mg/dL o 11.1 mmol/L o mas mataas ay nagpapakita ng diabetes. Ang test na ito ay maaaring gawin anumang oras o paulit-ulit.
- Fasting blood sugar test. Ang reading na 126 mg/dL o 7 mmol/L o mas mataas ay nagpapakita ng diabetes pagkatapos ng dalawang pagsusuri. Kadalasang kinukuha ang ganitong uri ng test pagkatapos ng fasting magdamag.
Ang iba pang mga pagsusuri ay maaari ding isagawa para matukoy ang pagkakaroon ng mga autoantibodies o ketone, na karaniwang matatagpuan sa type 1 na diabetes.
Paano ginagamot ang Type 1 Diabetes?
Walang lunas para sa type 1 diabetes. Kailangang maingat na planuhin ng mga may type 1 diabetes ang kanilang mga pagkain at activity levels. Ang pagkain ay maaaring magpataas ng blood sugar, habang ang pananatiling aktibo ay nakakatulong na mapababa ito.
Ang prescribed treatment ay ang pagbibigay ng insulin araw-araw, upang mapanatili at makontrol ang blood sugar level ng isang tao. Maaaring madeliver ang insulin sa pamamagitan ng syringe, insulin pen, o insulin pump. Iba’t iba ang uri ng insulin:
- Rapid-acting: kadalasang tine-take bago o habang kumakain, mabilis gumana upang maiwasan ang pagtaas ng asukal sa dugo. Ang overdose ay maaaring mauwi sa low blood sugar o hypoglycemia.
- Short-acting: karaniwang tine-take bago kumain ngunit hindi kasing bilis ng paggana.
- Long-acting: kadalasang tine-take sa umaga o bago matulog, at maaaring tumagal sa katawan sa loob ng 24 na oras.
Bukod sa pagsunod sa isang mahigpit na dietary plan at healthy lifestyle, mahalaga rin ang regular na pagmo-monitor ng blood sugar levels para epektibong ma-manage ang kondisyong ito.
Para sa mga taong may type 1 diabetes, ipinapayong sukatin ang blood glucose level nang hindi bababa sa apat na beses sa isang araw. Pinakamabuting kumunsulta sa isang endocrinologist o isang doktor na dalubhasa sa diabetes.
Mga Pagbabago sa Lifestyle at Home Remedies
Kapag na-diagnose, ang type 1 diabetes 1 ay maaari pa ring ma-manage.
Home Remedies Para sa Type 1 Diabetes
Ang ilang mga pagbabago o remedyo na madaling gawin ay:
- Alamin ang iyong kondisyon at basahin kung ano ang magagawa mo tungkol dito.
- Sundin ang mga utos ng iyong doktor at regular na inumin ang iyong mga gamot.
- Magsanay ng malusog na pagkain, mag-focus sa mga prutas.
- Mag-ehersisyo ng madalas at gawing bahagi ng iyong buhay ang mga pisikal na aktibidad.
- Iwasan ang mataas na presyon ng dugo at kolesterol.
- Siguraduhing may ID o tag na nagsasaad ng iyong kondisyon.
- Magkaroon ng glucagon kit para kapag ikaw ay may mababang asukal sa dugo, at turuan ang iyong pamilya at mga kaibigan kung paano ito gamitin kung kinakailangan.
- Magkaroon ng regular na physical and eye exams para makita ang iba pang komplikasyon na nauugnay sa diabetes tulad ng katarata at glaucoma.
- Magpabakuna upang palakasin ang immune system na humina sa pagkakaroon ng high blood sugar.
- Alagaan ang iyong mga paa at suriin nang madalas kung may mga paltos, hiwa, sugat, o pamamaga, lalo na ang mga hindi gumagaling nang maayos.
- Iwasan ang stress at siguraduhin na mag-rest ng husto dahil ang stress ay maaaring makaapekto sa function ng insulin sa katawan.
Ang diabetes ay nauugnay sa maagang pagkamatay mula sa ilang mga sakit tulad ng cardiovascular disease, cancer, at iba pa. Bagama’t hindi alam ang dahilan kung ano ang type 1 diabetes, may mga sintomas na maaaring magdulot ng detection at tamang diagnosis. Kapag na-diagnose, isang paraan ng insulin treatment ay inirereseta para sa maayos pamahalaan ito.
[embed-health-tool-bmi]