Hindi maitatanggi na mas maraming tao ang nagsisikap maghanap ng natural at alternatibong pamamaraan upang pamahalaan ang kanilang diabetes ngayon. Isa sa mga sumikat na pamamaraan ay ang paggamit ng spirulina para sa diabetes.
Hindi maitatanggi na mas maraming tao ang nagsisikap maghanap ng natural at alternatibong pamamaraan upang pamahalaan ang kanilang diabetes ngayon. Isa sa mga sumikat na pamamaraan ay ang paggamit ng spirulina para sa diabetes.
Ngunit ano nga ba ang spirulina, at maaari ba itong makatulong sa mga diabetic? Ano ang iba pang benepisyong pangkalusugan ang maibibigay nito? Basahin ang artikulong ito upang malaman ang higit pang impormasyon dito.
Ang spirulina ay isang uri ng blue-algae na kamakailang biglang sumikat dahil sa taglay nitong mga potensyal na benepisyo sa kalusugan. Ito ay mayaman sa protina, bitamina, mineral, antioxidants, at iba pang mga sustansyang kailangan ng katawan.
Dahil ito ay isang uri ng algae, ito ay nabubuhay sa mga lawa at iba pang katulad na anyong tubig kung saan maaari itong anihin. Gayunpaman, ang spirulina sa ngayon ay karaniwang sinasaka sa mga pond na gawa ng tao. Ito ay nagpapahintulot sa mga magsasaka na magkaroon ng mas maayos na kontrol sa kung anong mga kemikal ang matatagpuan sa tubig dahil ang spirulina ay maaaring sumipsip ng mabibigat na metal mula sa tubig.
Pagkatapos ng pag-aani, ang pagpapatuyo at pagproseso nito ay nagreresulta sa pulbos, mga flakes, o mga capsule. Karaniwang hinahalo ng mga tao ang pulbos sa mga inumin upang makagawa ng mga smoothies, ngunit maaari rin itong ihalo sa iba pang pagkain. Ang mga capsule naman ay maaari ring inumin nang mag-isa.
Ang mga tagapagtaguyod ng spirulina ay naniniwala sa mga kaakibat na benepisyo nito sa kalusugan, at naniniwala rin sila na ito ay isang uri ng superfood. Sa katunayan, mayroong isang pangkat ng pananaliksik na tila sumusuporta sa ilan sa mga claim na ito.
Subalit ano ang tungkol sa spirulina para sa diabetes? Nakatutulong ba talaga ito upang makontrol ang mga blood sugar level o maaari nitong matanggal ang pangangailangan sa insulin?
Kaakibat ng pagkokontrol ng diabetes ay ang pagsasagawawa ng mga pagbabago sa pamumuhay katuwang ng mga gamot na nakatutulong upang makontrol ang mga blood sugar level. Gayunpaman, hindi lahat ng diabetic ay may access at hindi rin nila kayang bilhin ang kanilang gamot sa diabetes. Ito ang dahilan kung bakit marami ang interesado sa mga alternatibong pamamaraan ng pamamahala ng diabetes.
Tinutukoy ng ilang mga ebidensya ang spirulina bilang isang posibleng paraan na makatutulong upang pamahalaan ang mga epekto ng diabetes sa mga pasyente. Ayon sa isang pag-aaral, na sinuri ang mga epekto ng spirulina sa mga daga, makatutulong daw ito upang maibsan ang oxidative stress. Ang oxidative stress ay tumutukoy sa imbalance ng mga antioxidant at free radical sa katawan, at ito rin ay may malaking gampanin sa iba’t ibang mga komplikasyon ng diabetes.
Natuklasan ng isa pang pag-aaral na ang mga spirulina supplements ay nakatulong sa pagpapababa ng mga blood sugar level sa mga pasyenteng may diabetes. Sa isa pang pag-aaral, natuklasan ng mga mananaliksik na ang spirulina ay tumutulong sa katawan na maglabas ng mas maraming insulin, na makatutulong sa pagkontrol sa mga blood sugar level. Gayunpaman, ito ay isang pag-aaral sa mga daga, kaya ang karagdagang pagsusuri at pananaliksik ay mas makatutulong sa atin na maunawaan kung paano ito isinasalin sa diabetes sa mga tao.
Batay sa mga resulta ng mga pag-aaral na ito, ang spirulina ay maaaring makatulong sa mga diabetic sa mas maayos na pamamahala ng kanilang kondisyon.
Bukod sa diabetes, ang spirulina ay naglalaman din ng maraming mineral at nutrients na siyang dahilan kung bakit ito kinikilala bilang isang superfood. Ito ay nangangahulugan na ang pagdagdag ng spirulina sa iyong diyeta ay makatutulong makakuha ng higit pa sa mga kinakailangang nutrients na kailangan ng iyong katawan.
Ang iba pang mga benepisyo ng spirulina para sa diabetes at iba pang mga kondisyon ay ang mga sumusunod:
Dahil dito, maaaring maging kapaki-pakinabang na subukin ang mga spirulina supplement kung nais mong maging mas malusog.
Alamin ang iba pa tungkol sa Diabetes dito.
Disclaimer
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.
1 Spirulina Information | Mount Sinai – New York, https://www.mountsinai.org/health-library/supplement/spirulina, Accessed November 24, 2021
2 SciELO – Brazil – Antioxidant and anti-diabetic properties of Spirulina platensis produced in Turkey Antioxidant and anti-diabetic properties of Spirulina platensis produced in Turkey, https://www.scielo.br/j/cta/a/tv6TGh4L8k5nRhhBw8V49QH/?lang=en, Accessed November 24, 2021
3 Role of Spirulina in the Control of Glycemia and Lipidemia in Type 2 Diabetes Mellitus – PubMed, https://pubmed.ncbi.nlm.nih.gov/12639401/, Accessed November 24, 2021
4 Effects of Spirulina platensis on insulin secretion, dipeptidyl peptidase IV activity and both carbohydrate digestion and absorption indicate potential as an adjunctive therapy for diabetes | British Journal of Nutrition | Cambridge Core, https://www.cambridge.org/core/journals/british-journal-of-nutrition/article/effects-of-spirulina-platensis-on-insulin-secretion-dipeptidyl-peptidase-iv-activity-and-both-carbohydrate-digestion-and-absorption-indicate-potential-as-an-adjunctive-therapy-for-diabetes/F0CEF56B9424B512CF2F266EFCA0EFB6, Accessed November 24, 2021
5 Spirulina in Clinical Practice: Evidence-Based Human Applications, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3136577/, Accessed November 24, 2021
Kasalukuyang Version
05/30/2024
Isinulat ni Fiel Tugade
Narebyu ng Eksperto Chris Icamen
In-update ni: Jan Alwyn Batara