Normal na ang pagtatala ng kaso ng diabetes sa iba’t ibang panig ng mundo. Kaya marami ang naghahanap ng pinakamabisang gamot sa diabetes. Sa pag-asang mapapagaling ng mga gamot na ito ang kondisyon — at mas magkakaroon ng maayos ng management sa sakit na ito. Ngunit ang tanong, ano nga ba ang mga gamot na ito? Mayroon nga bang solusyon sa problemang ito?
Mahahanap mo ang mga sagot na ito sa artikulong ito. Basahin at matuto sa mga kilalang pinakamabisang gamot at treatment sa diabetes.
Anu-ano ang pinakamabisang gamot sa diabetes?
Ayon sa Department of Health (DOH) ng Pilipinas maganda na mapanatili ang isang normal na presyon ng dugo. Dahil kung magkakaroon ng hypertension ang isang tao, pwede nitong ilagay sa mataas na risk ang isang tao sa cardiovascular disease, lalo na kung nauugnay ito sa diabetes. Maganda na magkaroon ng konsultasyon sa isang eksperto at doktor para malaman ang angkop na paggamot na maaaring gawin sa iyong kondisyon.
Sa pagpapatingin para sa diabetes, ayon sa DOH pwede kang resetahan ng drug therapies gamit ang oral hypoglycemic agents ng doktor. Maaaring magbigay sila ng reseta ng isa o dalawang agents na angkop para sa’yong kondisyon.
Narito ang mga sumusunod:
- Sulfonylurea — Sulfonylurea – Glibenclamide, Gliclazide, Glipizide, Glimepiride, Repaglinide
- Biguanide – Metformin
- Alpha-glucosidase Inhibitors – Acarbose
- Thiazolidinedione – Troglitazone, Rosiglitazone, Proglitazone.
Kung mada-diagnose ka na mayroong kang diabetes maaaring magsagawa ang iyong health care provider ng mga test. Para masigurado o ma-distinguish kung type 1 o type 2 diabetes ang kondisyon. Dahil kadalasan nangangailangan ng magkaibang treatments ang dalawang kondisyong ito.
Anu-ano ang treatment para sa Type 1 diabetes?
Kilala rin ang type 1 diabetes bilang juvenile diabetes o insulin-dependent diabetes. Mailalarawan ang type ng diabetes na ito na walang kakayahan ang pancreas na gumawa ng insulin — ang hormone na nagpapahintulot sa katawan na mag-imbak ng sugar o glucose sa cell para sa enerhiya ng isang tao.
Tandaan na ang mga taong na-diagnose ng type 1 diabetes ay gumagawa ng kaunting insulin — o kung minsan naman ay wala. Pwedeng makapinsala sa katawan ng tao ang pananatili ng blood sugar sa daluyan ng dugo. Ito madalas ang dahilan ng maraming komplikasyon sa kalusugan ng isang indibidwal.
Ang pagkakaroon ng mataas na glucose levels sa dugo sa mahabang panahon ay maaaring maging sanhi ng organ failure. Dahil sa kakulangan ng insulin ng tao sa kanyang katawan. Karaniwan ang mga taong na-diagnose ng mayroong type 1 diabetes ay kailangang kumuha o mag-take ng insulin araw-araw.
Bukod sa insulin, narito pa ang ilang gamot o treatment para sa type 1 diabetes na maaaring irekemonda ng doktor:
- Carbohydrate, fat at protein counting
- Pagkain ng mga masustansyang pagkain
- Regular na pag-eehersisyo at pagpapanatili ng malusog na timbang
- Pagsubaybay sa blood sugar
- High blood pressure medications
- Aspirin
- Cholesterol-lowering drugs
Narito rin ang types ng insulin na pwedeng irekomenda sa’yo ng doktor batay sa’yong diagnosis o kalagayan:
- Short-acting (regular) insulin
- Rapid-acting insulin
- Intermediate-acting (NPH) insulin
- Long-acting insulin
Anu-ano ang treatment para sa Type 2 diabetes?
Malaki ang pagkakaiba ng type 1 at type 2 diabetes dahil ang type 1 diabetes ay isang genetic condition na kadalasang lumalabas nang maaga sa buhay. Habang ang type 2 diabetes ay nauugnay sa lifestyle at lumalala sa paglipas ng mga panahon. Dagdag pa rito, sa type 2 diabetes ang iyong katawan ay hindi makagawa ng sapat na insulin o hindi gumagana nang maayos ang insulin na ginawa.
Narito ang ilang mga treatment na maaaring gamitin sa type 2 diabetes na pwedeng irekomenda ng doktor:
Masustansyang Pagkain
Pwedeng bigyan ka ng diet plan ng iyong doktor at registered nutritionist dietitian na angkop sa’yong kalagayan. Karaniwan, kasama sa diyeta ang high-fiber foods, gaya ng prutas, whole grains at nonstarchy. Marami ring herbal medicine at halamang gamot na maaaring inumin at kainin. Ngunit, siguraduhin muna na lahat ng ite-take na halamang gamot at herbal medicine ay aprubado ng inyong doktor.
Mga Physical Activity
Mahalaga ang pag-eehersisyo para sa pagbabawas ng timbang at pagpapanatili ng healthy weight. Malaki rin ang pwedeng maging ambag nito sa pag-regulate ng blood sugar levels. Maganda kung magpapakonsulta pa rin sa eksperto para malaman ang angkop na ehersisyo para sa’yo.
Narito ang mga sumusunod na ehersisyo na maaaring irekomenda sa’yo:
- Aerobic exercise
- Resistance exercise
- Limit inactivity
Malusog na pagbabawas ng timbang
Ang healthy weight loss ay pwedeng magresulta nang mas mahusay na pagkontrol sa’yong blood sugar levels, triglycerides, cholesterol at blood pressure. Pwedeng mag-set ang iyong healthcare provider o dietitian ng angkop na weight-loss goals para sa’yo.
Pag-monitor ng blood sugar
Maaaring payuhan ka ng doktor na i-monitor ang iyong blood sugar level. Para magkaroon ng kamalayan sa kasalukuyang kondisyon at kalagayan.
Diabetes medications
Kung hindi kayang i-manage ang target blood sugar level ng ehersisyo at diet. Maaaring magreseta ang doktor ng mga sumusunod na gamot. Bukod sa mga gamot na nabanggit sa unang bahagi ng artikulo. Narito ang mga sumusunod:
- Glinides
- DPP-4 inhibitors
- GLP-1 receptor agonists
- SGLT2 inhibitors
Weight-loss surgery
Sa pamamagitan nito, mababago ang hugis at function ng iyong digestive system. Sinasabi na nakakatulong ang weight-loss surgery para mabawasan ng timbang ang isang tao — at i-manage ang type 2 diabetes at iba pang kondisyong kaugnay sa obesity.
Tandaan lamang na bahagi lamang ang weight-loss surgery para sa overall treatment plan. Dahil kasama pa rin sa treatment ang proper diet, mental health care, ehersisyo at nutritional supplement guidelines.
Key Takeaways
[embed-health-tool-bmi]