Ang hyperglycemia o mataas na blood sugar ay nangangahulugang ang blood sugar level ay lumampas na sa 125 mg/dL sa fasted state o higit sa 180 mg/dL 2 oras pagkatapos kumain para sa mga taong walang diabetes. Ang mga taong may diabetes mellitus (DM) o nasa panganib na magkaroon ng DM ay kadalasang may iba’t ibang target. Dahil dito, kailangan bantayan ang blood sugar bilang bahagi ng pagsubaybay sa kanilang kondisyon. Sa artikulong ito, matututunan mo ang ilang mga tip kung paano ibaba ang blood sugar nang mabilis kung sakaling tumaas ito.
Una, Kilalanin ang mga Senyales ng Hyperglycemia
Hindi lahat ng taong may hyperglycemia ay na-didiagnose ng diabetes. Kung kaya, maaaring hindi lahat ay pamilyar sa mga senyales ng hyperglycemia at kung paano ibaba ang blood sugar nang mabilisan.
Kung nakararanas ng mga sintomas tulad ng madalas na pag-ihi at madalas na pagkauhaw kasabay ng pagbaba ng timbang at dehydration, maaring mayroon kang mataas na blood sugar.
Ang mga pasyente na mayroon DM at nagamit na ng insulin ay kinakailangang mag-ingat sa mga senyales at sintomas na ito. Ito ay dahil nagbibigay ang mga senyales na ito ng babala kung mayroong nalalapit na hyperglycemic crisis, na maaaring humantong sa coma kung hindi gagamutin. Ang isang uri ng hyperglycemic crisis ay diabetic ketoacidosis (DKA). Maaari rin itong magpakita ng mga sintomas tulad ng pagduduwal, pagsusuka, at pananakit ng tiyan. Ang pagbibigay-pansin sa mga senyales at sintomas ay makatutulong sa iyong matukoy ang hyperglycemia at sa ‘di kalaunay matumbok kung paano ibaba ang blood sugar nang mabilis.
Pangalawa, Sukatin ang Blood Sugar
Kapag may napansin ka ng hindi tama, siguraduhing kumuhang wastong blood sugar reading. Ito ay maaaring makuha sa pamamagitan ng paggamit ng fingertip glucose meter.
Siguraduhing hindi expired ang mga disposable strips. Ito ang makakapagpatiyak na tama ang reading na lalabas. Para sa mga taong may diabetes, ang karaniwang target na blood sugar ay nasa pagitan ng 80 hanggang 120 mg/dL sa fasting state at mas mababa sa 180 mg/dL dalawang oras pagkatapos kumain.
Mahalagang sukatin ang mga blood sugar level ng mga tao. Ito ay dahil ang ilang mga sintomas na nangyayari habang mataas ang blood sugar ay maaari ring mangyari kapag ikaw ay mayroong mababang blood sugar o hypoglycemia.
Hindi ito tungkol sa pagkuha ng eksaktong halaga, kundi ang pag-alam sa trend ng blood sugar level ay ay nagiging gabay sa mga susunod na hakbang ng pagkilos.
Pangatlo, Subukang Babaan ang Blood Sugar Level at Monitor Levels
Ang mga karaniwang sanhi ng hyperglycemia sa mga may diabetes ay kinabibilangan ng:
- Mga impeksyon
- Hindi pagsunod sa mga gamot na nagpapababa ng asukal
Naririto ang ilan sa mga tip kung paano ibaba ang blood sugar nang mabilisan sa isang emergency:
- Paginom ng tubig (hydration)
- Pagehersisyo
- Pangangasiwa at paggamit ng insulin
Pangangasiwa at Paggamit ng Insulin
Kung mataas ang iyong blood sugar at ikaw ay naka-insulin, maaaring kailanganin mong taasan ang dose ng iyong insulin o magsagawa ng bolus dose.
Ang ilang mga indibidwal ay inilalagay sa isang sliding scale na mga insulin regimen, na may iba’t ibang dose ranges para sa pre-meal at nighttime na insulin batay sa blood sugar level na nasusukat sa pangaraw-araw.
Siguraduhing kausapin ang iyong doktor kung paano kalkulahin kung gaano karaming insulin ang kailangan mong iturok kapag naganap ang hyperglycemia kung ikaw ay naka-insulin na. Para sa mga hindi pa gumagamit ng insulin, maaari itong maibigay sa ilalim ng medikal na pangangasiwa sa emergency room. Maaaring suriin muli ang mga blood sugar level pagkatapos ng 15 hanggang 30 minuto pagkatapos matanggap ang bolus insulin.
Pagehersisyo
Ang pag-eehersisyo, sa teorya, ay isang sagot kung paano ibaba ang blood sugar nang mabilisan. Ang pisikal na aktibidad ay nagre-redirect ng labis na glucose sa dugo sa mga muscles bilang pinagmumulan ng enerhiya. Gayunpaman, ang pagpapababa ng level, bilang epekto ng ehersisyo sa blood sugar, ay magandang nakikita sa regular na ehersisyo na angkop para sa kondisyon ng iyong katawan. Ang ehersisyo ay isa sa mga unang pagbabago sa pamumuhay na inireseta sa mga may mataas na panganib na magkaroon ng diabetes.
Ang isang mahalagang bagay na dapat tandaan ay ang ehersisyo ay maaaring magpalala ng DKA. Matapos suriin ang iyong glucose sa dugo ay gumamit ng isang urine ketone test strip kung mayroon kang isa upang kumpirmahin na wala kang mataas na ketones bago subukang mag-ehersisyo upang mabilis na mapababa blood sugar level.
Pag-inom ng Tubig (Hydration)
Ang pag-inom ng tubig ay maaaring makatulong sa pagpapababa ng blood sugar. Ito ay marahil maaari nitong palabnawin ang blood sugar at palitan ang mga likidong nawala mula sa madalas na pag-ihi. Gayunpaman, sa mga kaso kung saan may kailangang matumbok kung paano ibaba ang blood sugar nang mabilisan tulad ng sa mga kaso ng DKA, kadalasang mas nararapat ang intravenous hydration sa ilalim ng medikal na pangangalaga.
Panghuli, Alamin kung Kailan Kikitain ang Doktor
Kung ito ang unang pagkakataon na ikaw ay nakararanas ng mga sintomas ng hyperglycemia, nararapat na ikaw ay dumiretso na sa emergency room.
Maaari silang magsagawa ng ilang mga pagsusuri upang matukoy kung mayroon kang diabetes at maaari rin nilang i-refer ka sa isang endocrinologist.
Depende sa magiging resulta ng mga magiging pagsusuri at ilang mga risk factors, maari kang pasimulan naa ng mga gamot na nakapagpapababa ng blood sugar.
Sa kaso ng diabetes, ang maagang pagsusuri at consistent na monitoring ay napakahalaga upang maiwasan ang mga pangmatagalang komplikasyon tulad ng pagkaputol ng binti, pagkawala ng paningin, mga problema sa bato, stroke, at atake sa puso.
Kailangan mo pa ring regular na bumisita at kumunsulta sa iyong doktor kahit na may diabetes management plan ka na.
Kung sa tingin mo ay hindi bumubuti ang iyong kondisyon pagkatapos sundin ang mga tagubilin ng iyong doktor, humingi ng medikal na tulong. Alam ng mga healthcare providers kung paano ibaba ang blood sugar nang mabilisan sa isang emergency, at mayroon silang access sa mga kinakailangang gamot at treatments para sa iyo.
Mahalagang Mensahe
Ang hyperglycemia ay isang mapanganib at nakakabahalang problema sa mga hindi pa nasusuri o nakokontrol na diabetes.
Ang pag-alam kung ano ang gagawin at kung paano ibaba ang blood sugar nang mabilisan sa isang emergency ay maaaring maging kapaki-pakinabang sa mga tao. Ito ay higit na totoo lalo na kung ikaw ay nasa mataas na panganib na magkaroon ng diabetes o may kakilala kang isang taong pinapahalagahan mo ang mayroon nito.
Tandaan na kapag ang mga simpleng home hacks ay hindi naging epektibo upang maipababa ang blood sugar, ang mga medikal interbensyon ay mas inaasahang makapagliligtas ng buhay.
Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o gamot.
Alamin ang iba pa tungkol sa Diabetes dito.