Nagagamot ba ang diabetes? Isang malaking hamon sa medisina ang ganap na paggamot sa diabetes (DM). Sa ngayon, ang kaya pa lamang nating gawin ay i-manage ang mga sintomas nito at mabawasan ang risk ng mga komplikasyon.
Gayunpaman,naniniwala ang ilang mga eksperto sa posibilidad na magamot ng tuluyan ang sakit na ito. Maaaring maging posible ito sa sa hinaharap sa pamamagitan ng mga bagong madidiskubreng gamot o lunas kaantabay ng positibong pagbabago sa pamumuhay.
Nagagamot ba ang diabetes?
Ang paggamot sa diabetes ay tila imposible. Kapag ikaw ay nadiagnose na mayroon ng diabetes, hindi na ito mawawala. Ang pupwede na lamang gawin ay inuman ito ng gamot, at pabagalin ang mga sintomas nito. Kung iisipin, maraming uri ng gamot ang pwedeng inumin ng mga pasyenteng may diabetes. Kaya naman ang tanong, bakit napakarami paring mga tao ang mayroon at nagkakaroon nito? Tara’t alamin pa natin dito.
Ang Western Way ng Paglunas sa Diabetes
Nagagamot ba ang diabetes? Sa kasalukuyan, naghahanap parin ng mga bagong therapy o lunas ang mga eksperto sa sakit na ito. Ilan sa mga iniimbistigahan ng mga siyentipiko ay ang pancreas transplant, stem cell therapy, at maging ang beta cell transplant.
Pancreas Transplant
Ang mga taong may type 1 diabetes ay maaaring sumailalim sa pancreas transplant, lalo na sa huling stage ng kanilang sakit at kung mayroon silang kidney problems.
Ang matagumpay na pancreas transplant ay makakatulong sa katawan na maibalik ang kakayahang kontrolin ang blood sugar. Sa US, marami sa mga taong sumailalim sa pancreas transplant ay hindi na nangangailangan ng insulin para sa treatment. Ibig sabihin maaaring sabihin na sila ay “gumaling.”
Kaya lang, ang pancreas transplant ay hindi madaling gawing pangunahing lunas sa diabetes. Ito ay dahil may dalawang uri ng diabetes melitus: type 1, kung saan ang problema ng pasyente ay ang kanyang lapay–kung kaya’t sila ang lubos na makikinabang sa procedure na ito, at type 2, kung saan ang isang indibidwal ay nagdevelop na ng resistance sa insulin sa iba’t ibang parte ng kanyang katawan kaya hindi nagagamit ng wasto ang insulin. bukod pa rito, mahirap ang humanap ng match. Dagdag pa rito, ang pasyente ay kakailanganing uminom ng mga steroid drugs. Liban pa rito ang mga posibleng risks sa mismong operasyon.
Stem Cell Therapy
Ang mga transplanted na stem cell sa katawan ay maaaring maging mga beta cell – mga pancreatic cell na maaaring gumawa ng insulin. Ayon sa ilang mga ulat, ang stem cell therapy ay maaaring makatulong sa pancreas na gumawa ng insulin. Ang mga resulta ng mga unang pag-aaral ay nagpapakita na ang therapy na ito ay maaaring makatulong sa metabolismo ng glucose at mapataas ang insulin sensitivity.
Islet Beta Cell Transplantation
Ang pinsala sa o dysfunction ng beta cells ay itinuturing na pangunahing sanhi ng diabetes mellitus type 1. Ang pancreatic islet beta cell transplant ay maaaring makatulong sa katawan na mas ma-sense ang blood sugar levels at ma-trigger ang tamang produksyon ng insulin. Ito ay para mas magamit at magstabilize ang blood glucose level.
Mahalaga:
Ang mga beta at stem cell therapy, pati na ang pancreas transplant surgery ay nangangailangan pa rin ng karagdagang pag-aaral. Ngunit ito ay mga bagong pagsulong sa Western medicine na nagbubukas ng pag-asa para sa diabetes treatment.
Kaya, Nagagamot ba ang Diabetes?
Parehong ang Western at Eastern medicine ay gumagawa ng mahahalagang pagsulong sa diabetes treatment. Ngunit, hanggang ngayon, hindi pa rin nasasagot ang tanong kung nagagamot ba ang diabetes o hindi.
Si Propesor Thai Hong Quang – Tagapangulo ng Vietnam Society of Endocrinology and Diabetes, ay nagsabi na sa kasalukuyang panahon, ang type 1 at type 2 diabetes ay hindi ganap na mapapagaling, kahit na maaga ang diagnosis.
Sa type 1 na diabetes, ang mga islet, na gumagawa ng insulin, ay nawasak at hindi makapaglalabas ng insulin. Kaya, ang paggamot sa diyabetis ay kadalasang nakasalalay sa organ transplant. Sa type 2 diabetes, ang metabolic disorder ay nasa cellular level. Hindi lamang ito isang bagay ng pagkakaroon ng high blood sugar.
Kung ang pasyente ay may prediabetes o insulin resistance lamang, ang aktibong paggamot na may tamang diet, ehersisyo, at marahil ay gamot, ay maaaring makatulong na “baligtarin” o tuluyang maiwasan ang kondisyon.
Pero kung ang isang tao ay na-diagnose na na mayroon na syang diabetes melitus type 2, ito ay hindi na tuluyang mapagagaling pa. Ang maaari na lamang gawin ay uminom ng gamot para makontrol ang mga sintomas nito. Sa stage na ito, ang insulin resistance kasama ang mga metabolic disorder sa katawan ay magpapahirap sa mga pasyente na makontrol ang blood sugar. Higit pa rito, ang panganib ng mga komplikasyon ay mataas na dahil sa hindi stable na antas ng glucose sa dugo.