Narinig mo na siguro ang maitim na leeg sa sintomas ng diabetes. Ang kondisyon na ito ay kilala rin sa tawag na acanthosis nigricans, isang sintomas na maiuugnay sa diabetes. Ngunit ito ba lagi ang kaso?
Basahin upang malaman ano ang sanhi ng maitim na leeg na sintomas ng diabetes at kung anong magagawa tungkol dito.
Maitim na Leeg na Sintomas ng Diabetes: Acanthosis Nigricans
Ang acanthosis nigricans ay isang kondisyon na nakaaapekto sa balat ng tao. Ang kondisyon na ito ay nakikita na maitim at pangangapal ng balat. Ito ay kadalasan na nakikita sa leeg ng isang tao. Gayunpaman, maaari din nitong maapektuhan ang kilikili, maging ang singit.
Ang kondisyon na ito ay kadalasan na nangyayari sa mga taong obese, o may type 2 diabetes. Sa partikular, ang mga batang may kondisyon nito ay mas prone sa pagkakaroon ng type 2 diabetes kalaunan sa kanilang buhay. Sa mga sobrang lalang kaso, maaari din itong maging sintomas ng cancer.
Paano mo Malalaman kung ikaw ay may Acanthosis Nigricans?
Ang pagtukoy ng sintomas ng acanthosis nigricans ay direkta. Ito ay tinatawag na maitim na leeg na sintomas ng diabetes dahil ito ay kapansin-pansin na uri ng pag-itim ng leeg. Bagaman ang skin folds sa singit at kilikili ay maaari ding maapektuhan. Ang balat sa apektadong bahagi ay mas makapal din kaysa sa karaniwan.
Dahil ito ay sanhi ng hyperpigmentation, o pagkakaroon ng pigment na sanhi ng maitim na balat, hindi mo lang ito makukuskos para matanggal. Ang acanthosis nigricans ay kinonsiderang sakit. Karagdagan, hindi ito direktang nagreresulta sa kahit na anong problema maliban sa aesthetic concern.
Gayunpaman, ito rin ay posibleng senyales ng type 2 diabetes. Kaya’t mahalaga na huwag balewalain ang maitim na leeg na sintomas ng diabetes, at siguraduhin na magpatingin at malaman kung may diabetes kung napansin na mayroong acanthosis nigricans.
Bakit Nagiging Sanhi ng Diabetes and Acanthosis Nigricans?
Isang tanong na maaaring mayroon ka ay “Paanong ang sakit na nakaaapekto ng blood sugar ay sanhi ng maitim at makapal na balat?” Base sa kung anong nalalaman natin sa kondisyon na ito, ito ay resulta ng insulin resistance.
Mahalaga na malaman na may mga sitwasyon din kung saan ang isang tao na may kondisyong ganito ay wala o hindi at risk sa type 2 diabetes. Ilan sa mga posibleng iba pang sanhi ay genetics, ilang mga gamot, o iba pang problema sa endocrine system.
Anong Porma ng Gamot ang Mayroon?
Kung ang kondisyon ay sanhi ng diabetes o pagiging overweight, ang pagbabago ng lifestyle ay magiging epektibo bilang tugon. Sa simula na mabawasan ng timbang ang isang taong may diabetes o mayroong normal na lebel ng blood sugar, ang balat na apektado ng acanthosis nigricans ay babalik din sa normal.
Kung hindi pa rin ito nawawala, o kung ang sanhi ng kondisyon ay ibang mga bagay, maaaring magreseta ang doktor ng gamot. Maaari silang magreseta ng topical at oral retinoids upang mawala ang discoloration sa balat. Sa ibang mga kaso, ang chemical peel ay maaari ding makatulong sa pagtanggal ng acanthosis nigricans.
Paano Ito Maiiwasan?
Ang pag-iwas sa acanthosis nigricans o ang maitim na leeg na sintomas ng diabetes ay direkta din. Ang pinaka mainam na gawin ay kumain ng masustansyang pagkain, magsagawa ng mga regular na ehersisyo, at panatilihin ang malusog na timbang.
Obesity ang pinaka rason sa kondisyon na ito, at maging ang diabetes. Kaya’t kung gagawa ka ng hakbang upang maiwasan na mag-develop ang mga sakit na ito, maiiwasan mo rin ang pagkakaroon ng acanthosis nigricans.
Mahalagang Tandaan
Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.