Ang diabetic neuropathy ay isang komplikasyon ng diabetes na negatibong nakakaapekto sa kalagayan ng pasyente. Ito ay dahil ang komplikasyon ay maaaring kumalat sa iba’t ibang systems. Narito ang mga dapat malaman sa diabetic neuropathy at ang mga hakbang para maiwasan ito.
Ang Diabetic Neuropathy
Bago ang mga komplikasyon ng diabetic neuropathy, heto muna ang quick recap ng kondisyong ito.
Generally, nagkakaroon ng diabetic neuropathy kapag ang nerves ay nasira dahil sa matagal o uncontrolled high blood sugar. Maaari itong lumabas sa alinmang nerve, kaya ang sintomas ay depende sa apektadong nerve.
Ayon sa mga ulat ang komplikasyon ay nakakaapekto sa 50% ng mga diabetic patients.
Komplikasyon ng Diabetic Neuropathy
Katulad ng nabanggit, depende sa apektadong nerves ang komplikasyon ng diabetic neuropathy. Ang pasyente ay maaaring magkaroon ng:
Urinary Incontinence at UTI
Ilan sa komplikasyon ng diabetic neuropathy ay incontinence at UTIs.
Kapag ang mga nerve ng bladder ay apektado, ang pasyente ay malamang na makaihi ng maayos. Maaari itong magtrigger ng urinary tract infections.
Gayundin, ang nasirang bladder nerves ay maaaring magpababa ng kakayahan mong maramdaman ang pag-ihi. Ito ang nagiging dahilan ng incontinence.
Digestive issues
Kapag ang diabetic neuropathy ay nasa digestive tract, ang pasyente ay maaaring magkaroon ng digestive symptoms, tulad ng diarrhea o constipation o pareho.
Isa sa mga komplikasyon ng diabetic neuropathy ay gastroparesis. Dito, ang tiyan ay hindi normal ang pagbabawas. Ibig sabihin mabagal gumalaw ang pagkain o hindi talaga. Ang mga sintomas nito ay pagduduwal at pagsusuka, busog na pakiramdam kahit hindi pa kumakain, at discomfort sa tiyan.
Sexual dysfunction
Ang mga pasyenteng may diabetic neuropathy ay maaaring makaranas ng sexual dysfunction. Halimbawa, ang mga babae ay maaaring magka problema sa lubrication at arousal. Samantala, ang mga lalaki ay maaaring mahirapan sa erection.
Pagbaba ng blood pressure
Isa pang komplikasyon ng diabetic neuropathy ay ang pagbaba ng blood pressure. Maaaring mangyari ito lalo na kung nagpapalit ng posisyon ( pag-upo at pagtayo).
Nagkakaroon ng problema sa blood pressure dahil ang nerves na may kontrol sa circulation ay nasira.
Pagkawala ng paa o binti
Isa sa pinaka karaniwang apektadong bahagi ng nerve damage ay ang paa.
Dahil sa neuropathy, maaaring hindi mapansin ng pasyente na nasugatan o nahiwa na pala siya. Kapag hindi nagamot, ang minor injuries na ito ay maaaring makaapekto sa mas malalim na tissues at mga buto. Ito ay magdudulot ng impeksyon at pagkamatay ng tissue na mauuwi sa pagputol ng apektadong parte.
Hindi aware sa hypoglycemia
Ang isa pang delikadong komplikasyon ng diabetic neuropathy ay walang kamalay-malay sa mababang blood sugar levels.
Kapag may damage sa autonomic nervous system, ang pasyente ay malamang na mahirapang makita ang mga warning signs ng hypoglycemia, na kinabibilangan ng
- Pagpapawis
- Panginginig
- Mabilis na heart rate
Siyempre, ang listahang ito ng mga komplikasyon ng diabetic neuropathy ay hindi kumpleto. Halimbawa: maaari rin itong magdulot ng malalang pananakit.
Paano Pigilan O Maantala ang Diabetic Neuropathy
Kung gusto mong pigilan o i-delay ang diabetic neuropathy, kailangan mong maging proactive sa pagbabago ng lifestyle na:
- Makontrol ang iyong blood pressure. Generally, ang level ay dapat mababa sa 140/90 o kung ano ang target na set ng iyong doktor.
- Makontrol ang cholesterol level.
- Magbawas ng timbang (ang labis na timbang ay nagpapataas ng risk ng diabetic neuropathy)
- Maabot ang blood sugar targets mo. Mas matagal na may diabetes ka, at mas mahaba at madalas na hyperglycemia, mas delikado ito sa iyo.
Para matulungan ka dito, pinakamabuti na makipagtulungan ka sa iyong doktor at sa isang registered nutritionist-dietician. Kailangan mong limitahan ang pag-inom ng alcohol, iwasan o huwag manigarilyo, regular na mag-ehersisyo, kumain ng masustansyang pagkain, at inumin ang mga resetang gamot.