backup og meta

Kidney Failure Na Dulot Ng Diabetes: Mga Dahilan at Sintomas

Kidney Failure Na Dulot Ng Diabetes: Mga Dahilan at Sintomas

Maaaring magdulot ng kidney failure dahil sa diabetes. Tinutukoy ito bilang diabetic nephropathy. Mas madalas kaysa sa hindi, ito ay parang isang package deal: Ang mga taong na-diagnose na may diabetes ay malamang na magkaroon ng mga problemang nauugnay sa bato.

Kung mayroon kang type 1 o type 2 na diabetes, ang iyong katawan ay may problema sa paggamit ng insulin. Iyan ang dahilan kung bakit mataas ang lebel ng asukal sa dugo. Kung hindi gagamutin, maaari nitong masira ang iba’t ibang organo ng katawan, kabilang ang bato.

Kung sa tingin mo ay nasa panganib ka, mahalagang malaman ang mga sintomas ng kidney failure na dulot ng diabetes, at kung anong mga opsyon sa paggamot ang magagamit.

Ano Ang Mga Sintomas Ng Kidney Failure Na Dulot Ng Diabetes?

Sa unang yugto nito, magiging mahirap makita ang anumang mga sintomas. Gayunpaman, mayroon nang hindi balanseng likido sa katawan at presyon ng dugo. Habang tumataas ito, magsisimul nang hindi gumana ang iyong kidney o bato. Sa sandaling makarating ka sa yugtong iyon, maaari mong mapansin ang sumusunod:

  • Pamamaga ng mukha, kamay, at paa
  • Mas maitim na kulay ng ihi
  • Pagduduwal o palagiang pagsusuka
  • Pananakit ng tiyan
  • Pagkapagod
  • Hirap sa konsentrasyoon
  • Tuloy-tuloy na pangangati
  • Kahinaan ng katawan
  • Kinakapos sa paghinga

Ang mga komplikasyon tulad ng cardiovascular disease at mga problema sa balat ay maaaring lumitaw sa mga huling yugto.

Ang maagang pagtuklas at paggamot ay mahalaga upang maiwasan o mapabagal ang pag-unlad ng sakit. Bisitahin ang iyong doktor nang regular upang masuri ang iyong presyon ng dugo, pati na rin suriin ang iyong dugo at ihi para sa mga tanda ng diabetic nephropathy.

Mayroon Bang Anumang Panganib?

Kung na-diagnose ka na may type 1 o type 2 na diabetes, malamang na magkaroon ka rin ng kidney failure. Maaaring humantong sa diabetes dahil sa mga sumusunod:

  • Hyperglycemia o mataas na asukal sa dugo
  • Hypertension o mataas na presyon ng dugo
  • May diabetes sa pamilya
  • Malakas na paninigarilyo
  • Ang pagiging sobra sa timbang

Mayroon Bang Anumang Mga Komplikasyon?

Tulad ng ibang sakit, maaaring magkaroon ng komplikasyon ang diabetic nephropathy kung hindi gagamutin. Baka gusto mong i-monitor ang sarili at tandaan ang mga sumusunod:

  • Hyperkalemia o pagtaas ng lebel ng potasa (potassium)
  • Naiipon ang likido sa baga
  • Sakit sa cardiovascular tulad ng stroke
  • Nasira ang mga ugat at daluyan ng dugo
  • Puwedeng malagay sa panganib ang ina at fetus dahil sa mga komplikasyon sa pagbubuntis.
  • End-stage kidney na nangangailangan ng transplant o dialysis

Paano Ginagamot Ang Diabetic Nephropathy?

Ngayong natukoy na natin kung ano ang mga sintomas ng kidney failure na dulot ng diabetes, baka gusto mong malaman ang mga available na opsyon sa paggamot.

Kapag tuluyan nang nasira ang bato, sasailalim ka sa dialysis o kidney transplant.

Hindi na gagana ang gamot dahil hindi na gumagana ang bato. Hindi na rin ito masasagip. Ito ang dahilan kung bakit mahalaga ang regular na pagsusuri upang malaman ang mga kondisyon ng iyong dugo at organo. Ang maagang pagtuklas at paggamot ang iyong pinakamahusay taya upang maiwasan ang panganib. Ang pangunahing layunin ay upang mapanatili ang normal na lebel ng glucose at presyon ng dugo. Maaaring irekomenda ng iyong doktor ang mga sumusunod:

1. Mga Gamot

Halimbawa, mas gusto ng karamihan sa mga doctor ang mga ACE inhibitor, isang uri ng mga gamot sa presyon ng dugo. Bukod sa pagpapababa ng presyon ng dugo, maaari nitong pabagalin ang pag-unlad ng iyong diabetes.

2. Panatilihin Tamang Timbang

Huwag kailanman maliitin ang kapangyarihan ng pangangalaga sa sarili. Siguraduhin na ikaw ay kumakain ng masustansya at nananatiling aktibo. Kung ikaw ay sobra sa timbang, kausapin ang iyong doktor tungkol sa uri ng diyeta na dapat mong sundin, at iba pang mga diskarte sa pagbaba ng timbang.

[embed-health-tool-bmi]

3. Itigil Ang Mga Bisyo

Kung ikaw ay malakas manigarilyo, isaalang-alang ang pagtigil dahil nagdadagdag ng panganib na masira ang iyong kidney. Iwasan din ang alkohol.

Key Takeaways

Kung hindi gagamutin, ang iyong sakit sa kidney ay maaaring tumuloy sa pagkasira. Ang pagtuturo sa iyong sarili sa kung ano ang mga sintomas ng kidney failure dahil sa diabetes ay maaaring makapagligtas ng iyong buhay. Sa maagang pagtuklas, binabawasan mo ang mga posibleng komplikasyon at pinipigilan mo ang paglala ng sakit.

Matuto pa tungkol sa Komplikasyon sa Diabetes dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Kidney Disease (Nephropathy), https://www.diabetes.org/diabetes/complications/kidney-disease-nephropathy, Accessed April 23, 2021 

Preventing Diabetic Kidney Disease: 10 Answers To Questions,  https://www.kidney.org/atoz/content/preventkiddisease, Accessed April 23, 2021 

Diabetic Kidney Disease, https://www.niddk.nih.gov/health-information/diabetes/overview/preventing-problems/diabetic-kidney-disease , Accessed April 23, 2021 

Diabetic nephropathy – Symptoms and causes, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetic-nephropathy/symptoms-causes/syc-20354556 , Accessed April 23, 2021 

Kidney Failure: Symptoms, Causes, Tests and Treatment, https://my.clevelandclinic.org/health/diseases/17689-kidney-failure, Accessed April 23, 2021

Kasalukuyang Version

11/30/2022

Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora

Narebyung medikal ni Jezreel Esguerra, MD

In-update ni: Jezreel Esguerra, MD


Mga Kaugnay na Post

Komplikasyon ng diabetes, anu-ano ang mga ito? Alamin dito!

Pagkain Para Sa May Sakit Sa Kidney: Anu-ano Ba Ang Dapat Kainin?


Narebyung medikal ni

Jezreel Esguerra, MD

General Practitioner


Isinulat ni Niña Christina Lazaro-Zamora · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement