backup og meta

Ehersisyo kapag may diabetes: Paano ito magagawa nang ligtas?

Ehersisyo kapag may diabetes: Paano ito magagawa nang ligtas?

Mahalaga ang ehersisyo para sa malusog na pamumuhay. Maraming pisikal at mental na benepisyo ang pag-eehersisyo araw-araw. Ngunit kung mayroon kang diabetes, mahalagang mag-monitor ng blood sugar level para malaman kung maganda ang respond ng iyong katawan mula sa mga ehersisyong ginagawa. Ang ehersisyo kapag may diabetes ay hindi madali. Basahin upang maunawaan kung paano mo maaaring gawing epektibong kombinasyon ang ehersisyo at diabetes.

Diabetes at mga kondisyong pangkalusugan

Kung ikaw ay may diabetes, mas malamang na magkaroon ka ng iba pang mga medikal na komplikasyon. Kasama sa mga karaniwang komplikasyon:

  • sakit sa puso 
  • sakit sa atay
  • neuropathy
  • feet ailments
  • obesity 

Mahalaga para sa isang indibidwal na may diabetes na manatiling aktibo. Ang mga ehersisyo ay nangangailangan ng maraming lakas at paggalaw. Samakatuwid, ang ehersisyo kapag may diabetes at mga kaugnay na health conditions ay maaaring maging talagang mahirap.  Kaya, mabuting huwag magmadali sa pagpapa simula ng ehersisyo.

Sa unang araw, maglakad nang 15 minuto. Ipagpatuloy ito sa loob ng ilang araw. Kapag nasanay na ang iyong katawan sa nakagawiang gawain, dagdagan ang oras sa paglalakad ng isa pang limang minuto. Ulitin ito hanggang sa masanay ang iyong katawan sa 30 minutong paglalakad araw-araw. Ang paglalakad ay ang pinakamahusay na ehersisyo para sa diabetes dahil magagawa mo ito kahit saan, anumang oras.

Gayundin, makipag-usap sa iyong doktor tungkol sa ehersisyo kapag may diabetes. Maaaring imungkahi  sa iyo ang ilang pagbabago sa workout routine ayon sa iyong medical condition at physical health. Ang iyong doktor ay maari din na gumawa ng mga pagbabago sa iyong diet at lifestyle na makakatulong sa iyo na makuha ang gustong mga resulta. Habang ginagawa ang anumang ehersisyo, mahalaga na laging hydrated. Magdala ng isang bote ng tubig sa tuwing pupunta ka sa park o gym.

Ehersisyo kapag may mga komplikasyon sa diabetes

Ang mga taong may diabetes ay mas malamang na magkasakit nang may kaugnayan sa paa. Ito ay dahil  nagiging sanhi ito ng pagkasira ng mga nerves sa iyong mga paa na nagreresulta sa pagkawala ng anumang sensasyon kahit na magkaroon ka ng hiwa o pinsala. Dahil pinahihirapan ng diabetes ang maayos na pagdaloy ng dugo at oxygen sa paa, nagiging mahirap para sa mga paa na ganap na gumaling mula sa  injury. Ang ehersisyo kapag may diabetes ay maaaring maging problema sa ganitong sitwasyon.    

Kung diabetic ka at may pinsala sa paa, iwasan ang mga ehersisyo na may sobrang pressure sa iyong mga paa. Iwasang tumakbo, mag-jogging, o mag-hiking. Maaari mong subukan ang paglangoy, pagbibisikleta, yoga, meditation, atbp. Tiyaking i-monitor mo nang maayos ang iyong mga paa araw-araw pagkatapos ng workout session. Panatilihing malinis ang iyong mga paa.  

Ehersisyo kapag may diabetes at heart disease

Ang diabetes ay nagdaragdag ng risk na magkaroon ng mga sakit sa puso at mga sakit sa bato. Mahalaga na gawin lamang ang mga magaan na ehersisyo na hindi maglalagay ng labis na stress sa iyong katawan. Kung maaari, gawin ang pag-eehersisyo na may guide ng isang expert. 

Gawin ang magagaan na mga ehersisyo tulad ng paglalakad, yoga, meditation, atbp. Iwasang magbuhat ng heavy weights. Ang pag-eehersisyo ng mabibigat at maglalagay ng pressure sa iyong puso. 

Kung plano mong magsimulang mag-ehersisyo na may diabetes at sakit sa puso, kausapin ang iyong doktor tungkol sa mga fitness goal. Sundin ang lahat ng mga tagubilin na ibinigay ng doktor. Gawing habit ang pag-momonitor ng iyong blood sugar level at heart rate bago at pagkatapos ng workout session. 

Magpahinga kung nakakaramdam ng hirap sa paghinga.

Sa ilang mga kaso, ang diabetes ay maaari ding magdulot ng pinsala sa iyong paningin. Ito ay tinatawag na retinopathy. Kung may ganitong kondisyon, ipinapayo na magsagawa ng mga ehersisyo na magaan tulad ng paglalakad, water aerobics, at swimming. Iwasang magbuhat ng mabibigat na bagay. Iwasan ang pagtakbo o anumang ehersisyo na nangangailangan ng peripheral vision.   

Ang ehersisyo kapag may diabetes at neuropathy

Binabawasan ng diabetes ang transportasyon ng oxygen sa mga daluyan ng dugo, na nakakagambala sa mga nerve signal. Ito ay maaaring magresulta sa abnormal behavior ng mga nerves na tinatawag na neuropathy.

Kasama sa mga karaniwang sintomas ang pakiramdam ng pamamanhid at pagkahilo. Ang abnormal behavior na ito ay maaaring hindi lang maging sanhi ng ng pamamanhid ng iyong mga kamay at paa. Ito rin ay may epekto sa wastong paggana ng iyong puso at iba pang mahahalagang organ. 

Kung mayroon kang kondisyon, subukan ang mga ehersisyo na hindi kailangan ng sobrang paggalaw. Ang mga ehersisyo tulad ng paglangoy, water aerobics, pagbibisikleta, o strength training ay puede para sa iyo. Iwasan ang mga ehersisyo na maglalagay ng labis na stress sa iyong katawan pati na rin sa iyong isip.

Habang nag-eehersisyo, siguraduhing tinitingnan mo ang iyong heart rate, blood sugar levels, atbp. Kung nakakaranas ng hirap sa paghinga o biglaang pamamanhid sa alinmang bahagi ng iyong katawan, agad na ihinto ang ehersisyo.

Mga tip na dapat tandaan

Tandaan ang mga sumusunod na tip sa ehersisyo kapag may diabetes:

  • Kailangan ang isang pares ng magandang sapatos. Ang paggamit ng magagandang sapatos ay nakakatulong sa iyo sa ninanais na mga resulta. Ngunit kung ikaw ay may diabetes, ang pagkakaroon ng magandang sapatos ay makakatulong sa iyo na maiwasan ang mga injury sa paa. Habang nag-eehersisyo ka, may mga pagkakataong magkaroon ka ng hiwa o sugat, na maaaring humantong sa mga impeksyon. Para sa isang taong may abnormal sugar levels, mas matagal gumaling ang mga hiwa at sugat.
  • I-monitor ang blood sugar levels bago at pagkatapos ng sesyon ng pag-eehersisyo. Magdala ng prutas. Kung may napansin kang abnormal na blood sugar level, dapat mo itong kainin. 
  • Regular na I-check ang iyong katawan. Suriin kung mayroon kang anumang mga hiwa, pamumula, paltos, o sugat. 
  • Sundin ang isang iskedyul. Gumawa ng iskedyul kung saan mayroon kang partikular na oras sa pag-eehersisyo, pagkain, at pagtulog. 
  • Manatiling hydrated. Uminom ng maraming tubig sa buong araw. 
  • Magkaroon ng isang journal. Itala ang blood sugar levels bago at pagkatapos ng pag-eehersisyo.  
  • Kung mapansin mo ang labis na pananakit ng katawan o kahirapan sa paghinga, itigil kaagad ang ehersisyo.

Bago gawing bahagi ng iyong pang-araw-araw na gawain ang anumang ehersisyo, mahalagang makipag-usap sa iyong doktor. Unawain kung ang ehersisyo ay ligtas para sa iyo o may kinalaman ba ito sa anumang potensyal na panganib. Maaari mo ring hilingin sa iyong doktor na magdisenyo ng customized na fitness routine para sa iyo.

Key Takeaways

Ang mabigat na pag-eehersisyo ay nagpapataas ng tyansa na magkaroon ng abnormal level ng blood sugar. Para sa isang diabetic, medyo delikado ang mabibigat na ehersisyo kapag may diabetes. Ito ay dahil may ilang potensyal na komplikasyon na kasangkot. Ngunit hindi ito dapat maging hadlang para maging pisikal na aktibo. Sa wastong pag-iingat at pagpili ng mga tamang ehersisyo, magagawa mong makamit ang iyong fitness goals.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Exercising With Diabetes Complications/https://www.everydayhealth.com/hs/type-2-diabetes-treatment-diet-exercise/exercise-with-diabetes-complications/Accessed on April 5, 2020

The importance of exercise when you have diabetes/https://www.health.harvard.edu/staying-healthy/the-importance-of-exercise-when-you-have-diabetes/Accessed on April 5, 2020

Exercising With Diabetes Complications/https://www.diabetes.org/fitness/get-and-stay-fit/getting-started-safely/exercising-diabetes-complications/Accessed on April 5, 2020

Physical Activity/Exercise and Diabetes: A Position Statement of the American Diabetes Association/https://care.diabetesjournals.org/content/39/11/2065/Accessed on April 5, 2020

Type 1 Diabetes and Exercise/https://www.endocrineweb.com/conditions/type-1-diabetes/type-1-diabetes-exercise/Accessed on April 5, 2020

Kasalukuyang Version

08/21/2024

Isinulat ni Corazon Marpuri

Narebyung medikal ni Mae Charisse Antalan, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Ano Ang Mangyayari Kapag Hindi Makontrol Ang Iyong Blood Sugar?

Paggamot sa Diabetic Neuropathy: Paano Mo Gagamutin ang Pananakit ng Nerve?


Narebyung medikal ni

Mae Charisse Antalan, MD

General Practitioner


Isinulat ni Corazon Marpuri · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement