Ang diabetes ay isa sa mga pangunahing sanhi ng pagbaba ng life expectancy sa mundo. Dahil dito, isa ito sa pinakamalaking global public health concerns sa buong mundo. Sa tumataas na level ng obesity, ang insidente ng diabetes ay tumataas din. Ang mga may diabetes ay kailangan ng karagdagang pag-iingat sa maraming aspeto ng kanilang kalusugan para maiwasan ang mga komplikasyon. Ang weight management, pagpapanatili ng blood sugar levels, at pagmo-monitor sa mga paa’t kamay ay mahalaga para sa mga diabetic para manatiling malusog. May isa pang komplikasyon na maaaring magmula sa diabetes. Ito ay ang diabetic coma. Alamin dito kung ano ang diabetic coma.
Ano ang Diabetic Coma?
Ang diabetic coma ay isang nakamamatay na komplikasyon ng diabetes na nagdudulot ng pagkawala ng malay. Ang mga may diabetes, mapanganib na mataas na blood sugar (hyperglycemia) o mapanganib na mababa ang blood sugar (hypoglycemia), ay maaaring magkaroon kalaunan ng diabetic coma.
Habang ang isang coma ay nagpapanatili sa isang tao na buhay, siya ay hindi maaaring gumising o mag-respond sa anumang uri ng simulation habang sila ay nasa ganitong estado. Kung hindi naaalagaan, ang isang diabetic coma ay maaaring humantong sa kamatayan.
Mga Sintomas Ng Diabetic Coma
Bago ang isang diabetic coma, ang isang tao ay makakaranas ng mga sintomas ng alinman sa delikadong antas ng high blood sugar o low blood sugar. Ang isang taong hyperglycemic na dumaranas ng lubhang mataas na blood sugar ay maaaring makaranas ng:
Bilang karagdagan, maaari rin silang makaranas ng:
- Kinakapos na paghinga
- Sobrang tuyo ng bibig
- Mabilis na tibok ng puso
- Pananakit ng tiyan
Ang mga taong may delikadong antas ng hypoglycemia o mababang blood sugar ay maaaring makaranas ng pagkapagod, panginginig o nerbiyos, panghihina, at pagkabalisa. Maaaring kasama sa mga karagdagang sintomas ng hypoglycemic ang kahirapan sa pagsasalita, pagkalito, pagkahilo o lightheadedness, pagduduwal, at gutom.
Ang mga matagal nang diabetic ay maaaring magkaroon ng kondisyon na kilala bilang hypoglycemia unawareness. Dahil sa kondisyon, maaaring hindi nila makita ang mga warning signs ng pagbaba ng blood sugar. Dahil dito, importante ang kanilang regular na blood sugar testing at monitoring para malaman ang tamang treatment plan at maiwasan na mauwi sa coma. Alamin kung ano ang diabetic coma.
Treatment Para Sa Diabetic Coma
Ang diabetic coma ay isang seryosong kondisyon na kailangan ng emergency medical treatment. Ang uri ng treatment ay batay sa kung ang blood sugar ay masyadong mataas o masyadong mababa. Bago natuklasan ang insulin at matagumpay na naihanda commercially, ang isang diabetic coma ay tinuturing na isa sa pinakawalang pag-asang sakuna sa medisina. Ang insulin ay napatunayang isang gamechanger sa paggamot ng sakit na ito.
Kung hyperglycemic ang isang pasyente, maaaring kailanganin nila ang:
- Mga intravenous fluid upang maibalik ang tubig sa tissue
- Potassium, sodium, o phosphate supplements upang matulungan ang mga cell na gumana ng maayos
- Insulin upang matulungan ang mga tissue na sumipsip ng glucose sa dugo
Ang isang pag-aaral na inilathala noong 1974 ay mayroong 38 na mga pasyente sa isang diabetic coma mula sa apat na magkakaibang mga sentro. Ang mga pasyenteng ito ay binibigyan ng tuluy-tuloy na mababang dose ng insulin sa average dose na 7·2 IU/hr. Mabilis na gumaling ang lahat ng pasyente maliban sa isang namatay. Bumagsak ang plasma glucose sa 58% apat na oras pagkatapos magsimulang maibigay ang insulin.
Sa kaso ng mga pasyenteng malubhang hypoglycemic, maaaring magbigay ng glucagon injection para mabilis na mapataas ang blood sugar. Maaari ring magbigay ng dextrose intravenously upang itaas ang blood glucose levels.
Key Takeaways
Dahil sa mataas na pagkalat ng diabetes sa buong mundo, ang kamalayan tungkol dito ay nagiging pinakamahalaga upang matugunan ang sakit na ito at ang mga komplikasyon nito. Ang malubha at nakamamatay na komplikasyon ng kung ano ang diabetic coma ay nag-iiwan sa isang tao na may high blood sugar o low blood sugar na unconscious at unresponsive. May mga sintomas ng delikadong antas ng hyperglycemia o hypoglycemia na dapat malaman ng isang taong may diabetes para maiwasang mauwi sa diabetic coma. Ang isang emergency medical treatment ay malamang na kailanganin kung ang isang tao ay na-coma. Maaaring kailanganin ang mga intravenous fluid, supplement, at insulin para magising sila mula sa kondisyong ito. Matuto pa tungkol sa Komplikasyon sa Diabetes dito.