backup og meta

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?

Okay lang ba Kumain ng Kanin ang may Diabetes?

Paano pumili ng kanin para sa may diabetes upang kontrolin ang blood sugar ay isang karaniwang tanong. Bagaman mahalagang pagkain, ang kanin ay kilala na may mataas na glycemic index.

Ang kanin ang pinakakilalang pagkain sa buong mundo na mayroong halos kalahati ng populasyon ay kumokonsumo ng kanin araw-araw. Maraming mga baryasyon ang kanin at bawat baryasyon ay may iba’t ibang glycemic index. Sa katunayan, ang uri ng kanin na kilala sa mataas na glycemic index ay ang white rice.

Ayon sa mga mananaliksik, ang regular na konsumo ng puting kanin ay nakaaapekto sa blood sugar at nagpapataas ng banta ng diabetes ng 10%. Kaya’t sa halip na pumili ng puting kanin, maaari mong palitan ito sa mga sumusunod na kanin para sa may diabetes. Ito ay upang makontrol ang blood sugar at maibigay ang enerhiya na kailangan ng katawan.

Kanin para sa Diabetics: Brown Rice

Ang brown rice para sa diabetics ay mayaman sa nutrisyon at masustansyang pagkain. Ito ay mataas sa flavonoids, na plant compounds na makapangyarihang epekto ng antioxidants. Ang mga ito ay nakatutulong na mabawasan ang banta ng malalang mga sakit tulad ng sakit sa puso, cancer, at Alzheimer’s disease. Karagdagan, salamat sa mayamang magnesium nito, ang brown rice ay nakatutulong din sa pag-develop ng buto at muscles. Ito ay mainam para sa nerve activity, at nakagagamot sa sugat, at nakapag-i-stabilize ng blood sugar.

Ang nilalaman na fiber sa brown rice ay nagpakita ng pagbaba ng postprandial blood sugar levels sa mga overweight na tao at mga taong may type 2 diabetes.

Isinagawa ang 8-linggong pag-aaral ng 28 na matatanda na may type 2 diabetes. Nakakitaan na ang mga kumakain ng brown rice ay may 10 beses kada linggo na nakaranas ng pagbuti ng blood sugar at endothelial function ng blood vessels.

Nakatutulong din ang brown rice sa pagkontrol ng sugar sa pagtulong sa pagbawas ng timbang

Sa 6-linggong pag-aaral ng 40 overweight o obese na mga babae, ang pagkain ng 150g na brown rice kada araw ay nakababawas ng timbang, waist circumference, at body mass index (BMI).

Para sa mga taong may diabetes, ang pagbawas ng timbang ay mahalaga. Ang pag-aaral ng 867 na mga tao ay napag-alaman na ang mga taong nakabawas ng 10% o higit pa sa kanilang timbang sa loob ng 5 taon na diagnosed ng type 2 diabetes ay dalawang beses na maaaring makaranas ng remission ng kanilang sintomas.

Nakababawas ang brown rice ng banta ng pagkakaroon ng type 2 diabetes 

Ang pag-aaral na isinagawa sa 197,228 na katao ay nagpakita na ang pagkain ng 2 servings ng brown rice kada linggo ay nakababawas ng banta ng type 2 diabetes. Bagaman hindi klaro kung bakit ang brown rice ay may ganitong epekto, maraming mga pag-aaral ang nagsasabi na maaaring ito ay sanhi ng mataas na fiber at magnesium sa kanin. 

Ang glycemic index (GI) ng brown rice ay 68, ito ay rated medium. Kumpara sa white rice, ang brown rice ay nagpapababa ng glycemic index. Bilang tiyak, ang glycemic index ng white rice ay 73. Hindi lamang ito, ang white rice ay naglalaman din ng kaunting fiber at mas mabilis na matunaw, kaya’t mas madali na mag sanhi ng mabilisang pagtaas ng blood sugar.

Bagaman ang brown rice ay kinokonsiderang uri ng diabetic na kanin, kailangan mo ring kontrolin ang dami nito. Kailangan mo lang na dapat kumain ng 3 beses kada linggo, at sa parehong pagkakataon, samahan ng ibang mayaman sa nutrisyon na pagkain tulad ng prutas, gulay, at ibang mga pagkain na naglalaman ng masustansyang fats at pagkain na mayaman sa protina.

Black Rice: Kanin para sa Diabetics

Ang black rice ay kanin din para sa type 2 diabetic na nagre-regulate ng sintomas ng sakit. Kilala rin ang black rice bilang purple rice, ito ay kilalang uri ng kanin sa Asya, lalo na sa China at India. Sa China, ito ay tinatawag na “forbidden rice.” Ang kakaibang kulay ng kanin ay dahil sa presensya ng anthocyanins, isang grupo ng flavonoid plant pigments na may anti-inflammatory, antioxidant, at anti-cancer properties na nakatutulong na magprotekta sa diabetics mula sa cell damage at pamamaga.

Hindi lamang ito, ang black (glutinous variety) na kanin ay whole grain na may bran at endosperm intact, kaya’t ito ay mayaman sa fiber, nakatutulong na ma-release nang dahan-dahan ang glucose sa dugo. Ito ay nakaiiwas sa blood sugar mula sa biglaang pagtaas. Karagdagan, ang pagkonsumo ng ganitong uri ng kain ay nagsusulong din ng pakiramdam ng pagiging busog sa mahabang oras, na nakatutulong na mabawasan ang pagkonsumo ng calorie. Kaya’t ito ay nakababawas ng banta ng obesity, isang salik na nagpapataas ng banta ng diabetes.

Bagaman ang purple rice ay mainam para sa diabetics, kailangan mo pa rin komunsulta sa doktor. Ito ay upang malaman eksakto gaano karami ang kakainin kada araw. Karagdagan, kailangan mong bigyang-pansin ang pagdaragdag ng ibang mayaman sa nutrisyon na pagkain sa iyong diet maging ang ehersisyo upang i-stabilize ang mga sintomas.

Key Takeaways

Ang pagpili sa tamang uri ng kanin para sa may diabetes ay nakatutulong na manatiling stable ang iyong blood sugar at makatulong na mamuhay nang mas malusog na lifestyle sa kabila ng diabetes. Sa pagbabago ng diet, laging konsultahin ang iyong doktor o ang certified-nutritionist-dietitian.

Matuto pa tungkol sa Masustansyang Pagkain dito.

Disclaimer

Ang Hello Health Group ay hindi nagbibigay ng medikal na payo, diagnosis o paggamot.

Diabetes diet, https://www.mayoclinic.org/diseases-conditions/diabetes/in-depth/diabetes-diet/art-20044295, Accessed June 12, 2022

Eating White Rice Regularly May Raise Type 2 Diabetes Risk, https://www.hsph.harvard.edu/news/hsph-in-the-news/eating-white-rice-regularly-may-raise-type-2-diabetes-risk/, Accessed June 12, 2022

White Rice, Brown Rice, and Risk of Type 2 Diabetes in US Men and Women, https://www.ncbi.nlm.nih.gov/pmc/articles/PMC3024208/, Accessed June 12, 2022

Kasalukuyang Version

01/24/2023

Isinulat ni Jerra Mae Dacara

Narebyung medikal ni Regina Victoria Boyles, MD

In-update ni: Jan Alwyn Batara


Mga Kaugnay na Post

Merienda For Diabetics, Anu-Ano Ang Mga Puwede Mong Subukan?

Puwede ba ang diabetic sa noodles? Alamin dito!


Narebyung medikal ni

Regina Victoria Boyles, MD

Pediatrics


Isinulat ni Jerra Mae Dacara · a

ad iconadvertisement

Nakatulong ba ang artikulong ito?

ad iconadvertisement
ad iconadvertisement