Alam ng mga taong may diabetes na kailangan nilang i-monitor ang pagkonsumo ng carb. Kailangan nilang magpokus sa whole grains sa halip na refined sugars, at maging maingat sa dami ng kinakain. Ngunit, paano naman ang mga inumin? Tubig lang ba ang maaari nilang inumin? Sinasabi ng mga eksperto na hindi. Sa katunayan, ang mga taong may diabetes ay maaaring ma-enjoy ang iba’t ibang masustansyang pagkain, at masarap na inumin. Alamin ang mga inumin para sa diabetic dito.
Listahan Ng Inumin Para Sa Diabetic
Kung ikaw ay naghahanap ng flavor ngunit ayaw masira ang lebel ng blood sugar, ikonsidera ang mga sumusunod na inumin para sa diabetic:
1. Flavored Water
Ang unang praktikal na tip upang magdagdag ng flavor sa iyong inumin ay ang paghahanda ng flavored water. Magdagdag ng hiniwang mga prutas sa iyong inumin o magpisil ng ilang lemon dito.
Syempre maaari ka ring bumili ng flavored water sa merkado. Gayunpaman, siguraduhin na piliin ang walang dagdag na calories o sugars. Hindi sigurado sa tiyak na brand? Huwag mag-alinlangan na magtanong sa iyong doktor.
2. Tea
Sunod sa iyong listahan ng mga inumin para sa diabetic ay ang tsaa. At bago ka mangamba tungkol sa pagiging “tea person,” tandaan na ang mga tsaa ay masustansya! Hindi lamang ito mababa sa calories at sugar, ngunit mayroon din itong benepisyo na wala sa ibang mga inumin.
Halimbawa, ipinakita ng ilang pag-aaral na ang green tea ay maaaring magpababa ng blood pressure at lebel ng bad cholesterol.
Kapag umiinom ng tsaa, huwag magdagdag ng asukal o pampatamis — kahit na honey. Para mabago, maaari kang magpisil ng lemon dito o i-serve ito nang malamig.
3. Kape
Maaari ka ring uminom ng kape paminsan-minsan. Sinasabi ng mga eksperto ang epekto nito ay iba-iba sa bawat tao. Ang ilang mga tao ay maaaring makaranas ng pagbaba ng blood sugar na kumokonsumo ng caffeine, habang ang iba ay may mataas na blood glucose.
Sa mga oras na pinili na magkape, pumili ng plain, brewed. Huwag uminom ng flavored coffee o may dagdag na cream, sugar, at gatas. Tungkol sa dami, ilimita ito sa 1 hanggang 2 na walong ounce na cups.
4. Gatas
Bagaman ang ilang tao ay duda sa pag-inom ng gatas dahil ito ay mayaman sa carbohydrates at fats, sinasabi ng mga eksperto na maaari pa ring uminom ang mga diabetics ng gatas, kaya’t ibinilang namin siya sa listahan ng mga inumin para sa diabetic.
Ipinayo rin ng isang pag-aaral na ang pag-inom ng gatas kada almusal ay nakatutulong sa pagpapababa ng blood sugar sa maghapon.
Upang maging ligtas, pumili ng low-fat o skim milk. Gayundin, huwag sumobra sa suggested serving size.
Pwede Ba Ang Mga Fruit Juices?
Bilang pangkalahatang rule, hindi namin isinama ang fruit juices sa listahan ng mga inumin para sa diabetic. Ang mga fruit juices ay kadalasan na mabilis na nagpapataas ng blood glucose dahil sa kanilang mataas na sugar content.
Sa halip na kumonsumo ng fruit juice, inirerekomenda ng mga eksperto ang pagkain ng isang buong prutas.
Kung nasi na uminom ng fruit juice, siguraduhin na ito ay 100% sariwang juice na walang dagdag na sweeteners. Isa pang tip ay ang i-dilute ito sa tubig.
Iba Pang Mga Tips
Maliban sa nalaman na maaari kang uminom ng flavored water, kape, tsaa, at gatas, maaari mo ring pakinabangan ang mga sumusunod na tips:
- Gumawa ng ice cubes mula sa whole fruits tulad ng ubas at pakwan. Maaari itong magdagdag ng flavor sa iyong tubig o sugar-free na inumin.
- Mag-experiment ng iba’t ibang tsaa. Mint tea halimbawa, ito ay refreshing.
- Laging tingnan ang label ng pagkain sa pagbili ng mga inumin. Pumili ng brands na may mababang sugars at calories.
- Iwasan ang sweetened soda o flavored fruit juices kahit na anong mangyari. Hindi lang ito mataas sa sugar, ngunit ito rin ay may kaunting nutritional value.
Sa kasalukuyan, marami ding mga inumin para sa diabetic na mabibili sa merkado. Mayroong gatas, kape, tsaa, at produkto ng juice para sa diabetes na nagsasabing mababa ang glycemic indices. Bago bumili ng mga produktong ito, konsultahin muna ang iyong doktor.
Mababawasan ang banta ng pagtaas ng iyong blood sugar at banta ng food-drug interactions kung aprubado ito ng iyong doktor
Matuto pa tungkol sa Diabetes dito.