Katulad ng mga adults, ang mga bata ay prone din sa diabetes. Kadalasan ito ay dahil sa genetics. Ang diabetes ay isang kondisyong medikal kung saan nananatiling mataas ang level ng glucose sa dugo. Kailangan ang insulin shots para mapanatiling balanse ang blood glucose, pareho din sa mga batang may diabetes. Dapat malaman ng mga bata ang kahalagahan ng ng kanilang mga insulin shot at pagmo-monitor sa kanila. Paano ibinibigay ang insulin para sa bata?
Insulin Injection para sa Bata: Gaano Kalaganap ang Diabetes sa mga Bata?
Ang type 2 diabetes ay karaniwan sa mga batang may diabetes. Nagmumula ito sa obesity epidemic na nakikitang nakakaapekto sa maraming bata.
Ayon sa National Diabetes Statistics Report ng 2020 ng CDC, humigit-kumulang 210,000 bata at taong wala pang 20 taong gulang ang may diabetes. Karamihan sa populasyon na ito ay na-diagnose na may type 1 diabetes.
Insulin para sa bata: Paano Nakakaapekto ang Diabetes sa Kalidad ng Buhay ng Isang Bata?
Ang diabetes ay nakakaapekto sa kalidad ng buhay ng isang bata sa negatibong paraan. Dahil kailangang bantayan ng mga batang may diabetes ang kanilang blood glucose level, hindi nila pwedeng kainin ang mga pagkaing gusto nila.
Bilang resulta, maaaring magsimulang mangyari ang mga sintomas ng depresyon sa mga batang na-diagnose na may diabetes. Ayon sa Journal of Diabetes & Metabolism, may mas mataas na level ng anxiety, depresyon, at psychological distress sa mga batang may diabetes. Maaari ring magkaroon ng mga problema sa pag-uugali ang bata sa katagalan dahil sa stress ng pagpapanatili ng balanseng glucose sa dugo.
Insulin Injection para sa Bata: Para saan ang Insulin Injections?
Ang insulin ay isang hormone na nagpapababa ng high level blood glucose ng isang tao at tinutulungan itong makapasok sa cells ng katawan. Ang shots ng insulin ay ginagamit din ng mga taong hindi kayang magproduce ng insulin ang katawan. Kadalasan, ini-inject ang mga ito.
Maaaring maikli o long-acting ang mga insulin shots. Kung ilang beses ang pag-inject nito ay depende sa irereseta ng doktor.
Insulin para sa bata: Paano mag-introduce ng Insulin injections sa mga bata?
Dahil maraming bata ang ayaw sa injection, may isa pang paraan para i-take ang insulin para sa bata nang hindi gumagamit ng injection. Maaaring gumamit ng isang indwelling subcutaneous cannula. Nangyayari ito sa pamamagitan ng pagpasok ng malambot na tubo sa lugar sa katawan kung saan ang bata ay mabibigyan ng insulin, halimbawa sa tiyan. Kapag oras na para sa bata na magpa-insulin shot, ang insulin ay itinuturok sa malambot na tubo kaysa sa balat. Sa ganitong paraan, ang bata ay hindi makakaramdam ng anumang sakit mula sa injection.
Insulin Injection para sa Bata: Mga Do’s at Don’ts ng Insulin Injections
Do’s
- Panatilihing 1 inch ang layo ng mga insulin shot mula sa mga peklat at 2 inches ang layo mula sa pusod.
- Siguraduhing malinis at tuyo ang lugar ng pag-iiniksyon.
- Pisilin ang balat at ipasok ang karayom sa isang 45º na anggulo.
- Ipasok ang karayom hanggang sa balat sa mabagal at tuluy-tuloy na paraan.
- Iwanan ang injection sa lugar sa loob ng limang segundo pagkatapos ipasok ito.
- I-dispose ng maayos ang karayom sa pamamagitan ng paglalagay nito sa loob ng tamang lalagyan para ilayo ito sa mga bata at hayop.
Don’ts
- Hindi dapat paghaluin ang concentrated insulin sa iba pang uri ng insulin.
- Huwag din gumamit ng expired na insulin.
- Gayundin, hindi dapat i-shake ang bote ng insulin dahil maaari itong mag-clump.
- Huwag din i-blow ang top portion ng isang bote ng insulin.
- Hindi din dapat iturok ang insulin sa parehong bahagi ng balat sa lahat ng oras.
- Ang insulin shot ay hindi dapat sa mga lugar na nabugbog, malambot, o namamaga.
- Huwag mag-inject ng insulin shot sa lugar na bukol, sugat, manhid, o matigas.
- Hindi dapat gumamit ng alcohol wipe sa injection site.
- At hindi dapat gamitin muli ang mga karayom o syringe.
Key Takeaway
Ang insulin shots ay absolute necessity ng mga taong may diabetes, lalo na ang insulin para sa bata. Mabuti na lang, maaaring gumamit ng isang indwelling subcutaneous cannula para hindi na kailangang maramdaman ng mga bata ang sakit ng isang injection sa tuwing magte-take ng mga insulin shot.